Chapter Thirty-One

28 2 0
                                        


CHAPTER THIRTY-ONE
Chasing Bread Crumbs

February 12, 2016; Friday
Santa Filomena Municipal Library
12:15 pm

"Taena, p're. 'Wag mo namang ipagpag yung yung alikabok niyan sa mukha ko."

Shem sighed in exasperation as Raziel coughed dramatically. Inabot at pinagpag niya ang mga lumang dyaryo at libro na nahanap nila mula sa pinakadulong sulok ng library ng Santa Filomena. Walang kibong tinanggap ni Leo ang unti-unting tumataas na pile at dinala sa mesa sa isang sulok ng library na malayo sa paningin ng iba.

Bumuntong-hininga si Shem at saka sinimulang bulatlatin ang isang dyaryo at nagbasa.

"Nandito na naman kayong mga bata kayo? Wala ba kayong mga klase?" Bahagyang napatalon silang tatlo nang biglang sumulpot ang nakakatandang librarian.

Saglit na nagkatinginan ang tatlo. They had been indeed frequenting the library for the past week in search for more information about Pandemonium. Shem was getting worried that it would be a problem if people began getting suspicious of their activities so he opted for bringing Leo with them that day instead of any of the Tatlong Itlog.

"Isipin niyo. Sinong maniniwala na maglalagi kayong tatlo sa library nang walang kalokohan?" tanong niya sa kanila kaya't hindi na sila nakapagreklamo.

This decision proved fruitful when Leo turned to the librarian with a bright, innocent smile. "Vacant po namin ngayon kaya naghahanap kami ng mga material para sa thesis namin," magalang na pagpapaliwanag nito.

Shem subtly hid his father's police cap under the table in case the librarian asked about their studies. Sinubukan niyang gayahin ang inosenteng aura ni Leo ngunit iritadong tingin lang ang pinukol sa kanya ng librarian, dahilan upang bumungisngis si Raziel.

After a few moments, the librarian finally let them be when a group of teenagers started getting rowdy on the other side of the library. They all breathed a sigh of relief and went back to scouring the prints they had.

Matapos ang isang oras, halos lahat sila'y napagod na sa pagbabasa ng paulit-ulit na balita ukol sa mga normal na krimen sa Santa Filomena. Not that Shem would really dismiss any form of crime as normal or the usual. Ngunit sa mga oras na iyon, iba ang kailangan nilang pagtuunan ng pansin. In the back of his mind though, he tried to take note of every unsolved murder that he saw.

"Parang paulit-ulit naman na 'tong mga nababasa natin, Shem," sabi ni Raziel at isinara ang librong binabasa niya.

Labag man sa loob niya, alam ni Shem na kailangan nilang tanggapin kung wala na talaga silang makuhang impormasyon mula sa library. He was about to tell Raziel to call Leo from his search at the library's basement so that they can re-strategize at his house when the latter rushed towards their table excitedly.

"Guys! Sa tingin ko may nahanap ako! They're really old newspapers though so be careful," he gushed in a whisper and showed them the small stack of newspapers he hid in his jacket. "Nakasulat sa Kastila ang karamihan ng mga ito pero buti na lang may translation naman yung iba."

Saglit na nagpalinga-linga si Shem upang alamin kung nasaan ang librarian bago kinuha ang isa sa mga dyaryo. The decades old paper felt rough and brittle. There were some tears on some parts and the one Raziel grabbed looked like someone had spilled their something on it.

Sa kabila ng kalagayan ng mga ito, nababasa pa rin ang mga balita kaya't agad na nakita ni Shem ang tinutukoy ni Leo.

"Basahin mo yung headline. Tatlong bangkay ang natagpuan sa ilalim ng tulay sa Santa Filomena," bulalas ni Leo. Bumaling siya kay Raziel at sa dyaryong hawak nito. "Ayan naman, dalawang bangkay ang natagpuan ng isang hiker sa Vista Hermosa nang sumunod na linggo."

Death Trap VendettaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon