chapter 2

569 48 5
                                    

Angee Pov.

Nakarating na kami ni Rogie sa bahay ko at inaya ko ito na pumasok pero hindi siya pumayag dahil malapit na din kase magdilim at may lakad pa sila ng kapatid niya. Hindi ko na siya pinilit pa kahit gusto ko para naman makapag thank you ako sa kanya pero sabi niya maybe next time na daw Yung pagbawi ko so pumayag na ako.

Pumasok na ako sa bahay ko at naglakad papunta sa kwarto ko ng bigla naman tumunog yung cellphone ko na nasa loob ng aking bag dahil sa text na sunod sunod.

Hindi ko ito pinansin dahil for sure si mommy or si ward lang ito, Ang dalawang taong mahal ko Ng sobra pero kinaiinisan ko madalas.

Ibinaba ko ang bag ko sa aking kama at nag diretso na ako sa Cr para maghilamos at magpalit na rin. Gusto ko na magpahinga ngayong araw, it's been a long dayyyy hayyy....

Natapos na ako maglinis ng katawan at natapos na Rin akong kumain ng dinner, I was about to sleep ng bigla kong naalala yung text kanina, dali dali akong tumayo at kinuha yung cellphone sa bag ko at tiningnan ito at si Wardo nga ang nag text, wala akong balak replyan Ang bruhang to dahil sa pag Iwan niya sakin, grabe siyaaa!! Iniwan talaga ako kanina as in.

*Babi*
Angee...

Asa siyang rereplyan ko siya, wala akong care kung magalit siya or whatever gusto ko ng suyo ng isang Ward.

Inaantok na ako kaya pinatay ko na ang cellphone ko and sinumulan ko Ng ipikit Ang aking mga mata hanggang sa binalot na ako ng kadiliman.

Ward Pov.

I felt bad about leaving Angee in the university alone. Di pa naman siya sana'y sa pag ccommute dahil rich kid din naman ang babaeng yon at isa pa ayaw na ayaw niya sa mausok at mabahong paligid medyo sensitive din kasi ang balat niya sa dust gaya ko kaya naisipan ko siyang itext para naman makapag sorry ako.

Sobrang badtrip kase ako buong araw dahil sa mga pagawa at program na magaganap sa univ and that means Hindi ko masyado makakasama sina Angee dahil kelangan ko Rin mag focus sa mga gawain na yon dahil ako ang council president, gusto ko lang naman sana makasama at magpahinga kay Angee kaya hinanap ko ito pero mukang may naistorbo ako, sobrang lapit Kase ng muka nila ni Kelly kaya medyo nasaktan ako. Di ko rin alam kung bakit, as far as I know straight ako at bestfriend ko lang si Angee.

Yes bestfriend kami ni Angee pero gusto ko kase ako lang, pag sakin, sakin lang.

Hindi sumasagot sa mga text ko si Angee kaya naisipan ko na matulog na lang at magkikita pa naman kami bukas dahil may pasok pa kami.

FF.

Kagigising ko lang at shet late na ako, 7:30 ang time ng first subject namin kaya dali dali na akong nag intindi.

Nakaligo na ako at nakakain na, nagdrive na ako papunta sa university.

Naglalakad na ako papunta sa room namin at nakita ko si Angee parang naiinip na dahil sa dami ng nagpapa-picture sa kanya, sikat din kase si Angee sa campus dahil nga sa tandem namin, kaklase ko si Angee kaya alam kong naiinip na din ito dahil baka malate siya.

Dali dali akong lumapit dito at hinawakan ito sa kamay. Nagulat ito ng makita ako habang yung mga tao sa harap namin ay sobrang lakas ng ingay dahil sa kilig, ngumiti lang kami ni Angee sa kanila at sinabing kumalma sila.

Nagpaalam na kami ni Angee sa kanila dahil malelate na talaga kami kung di pa kami aalis dito.

Naglalakad na kami papunta sa room at nakahawak pa rin ako sa braso niya, ayaw ko siya bitawan e bat ba?. Bigla naman niya itong inalis kaya nagulat ako.

"What's wrong?" I asked. Di ito umiimik kaya naguguluhan ako, ang cold niya today.

"You ok?" Tanong ko pero nananatili parin itong tahimik di na ako nagpaligoy ligoy pa at ako'y naiinis na din, may toyo na naman siya? Hinablot ko Ang braso niya at kinapitan ito ng mahigpit para Hindi na siya makabitaw. Sa sobrang higpit ng kapit ko ay nasasaktan ko na Pala siya.

"Aray ward!" Pagrereklamo niya.

"Ano ba kasing problema, bat ganyan ka?" naiinis kong sambit.

"Wala..." sagot naman niya. Actually alam ko naman kung bat ganto si Angee e, it's because I left her yesterday pero gusto ko kase marinig mismo galing sa kanya.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at nakarating na kami sa room and thank God wala pa si prof.

Umupo na kami ni Angee and yes magkatabi kami kase, gusto namin bat ba?

Binalot kami ng katahimikan ni Angee Hanggang sa binasag niya ito.

"  Wala ka ba talagang maalala? Di mo talaga alam kung anong ginawa mo?" She asked. Napatingin naman ako sa kanya dahil ang seryoso ng muka niya at alam ko na kailangan ko na talaga manuyo pero di ko alam kung paano, paano ba?

"Sorry na, bat ba Kase ganon kalapit?" I said.

"Aba kasalanan ko pa" reklamo naman niya.

"No, ang sakin lang bat kailangan Ganon kalapit, bingi ba kayo para masyadong ilapit Yung muka sa isa't isa na Akala mo mag jowa kayo? Kulang na nga lang magkiss na kayo e " I answered, tunay naman e.

"Ahh nagselos ka, so? Is that enough reason para iwan mo ako kahit alam mong wala akong dalang car at di ako marunong mag commute?" nanggigigil na sagot ni Angee. Natameme ako sa sinabi niya because it's not a enough reason nga naman to leave her like that and I felt bad about it.

"No sorry" I said. Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ito, she's not looking at me until Cassy approach me.

"Hey Wardy, let's talk?" Cassy asked. Tiningnan ko si Angee at nakatingin lang ito sa Amin habang hawak hawak ko Ang kamay nito. Matagal na akong niyayaya nitong si Cassy mag-usap pero di lang ako pumapayag.

"About what?" Tanong ko.

"about us, let's fix this mess Ward please." Cassy replied. Nagulat ako sa sinabi niya. I actually not ready to talk to her after what she have done to me kaya nga di ako pumapayag pag niyayaya niya ako para mag usap. Tinanggal na Angee ang pagkakakapit ng kamay ko sa kamay niya at di ko na iyon pinansin, maybe later nalang ulit.

Sasagot na sana ako ng bigla naman tumunog ang cellphone ko, baka importante ito kaya tiningnan ko muna ito, it's from Angee.

* Angee*
" Don't you dare....."

I looked at her and she looked so serious. I know that she don't want me to talk to Cassy because Angee knew that Cassy and I have a past connection, like Cassy and I we're bestfriend before but then something happened na talagang kinasama ng pagtingin ko sa kanya pero masyado ng maraming nangyari at matagal ko ng iniiwasan si Cassy, I think we really need to talk not because I forgot what she did but because I do believed that we both need to know each other's side.

"Talk" muling text ni Angee.

"Ahm, sige. Just give me 5 minutes, sa cafeteria nalang" sagot ko na ikinalaki ng mata ni Angee at ikinasaya ni Cassy.

You and I Where stories live. Discover now