Celine Pov
Nakausap ko na si Angee at tama nga si Ward, uuwi nga ang babaeng to at mga beh grabe siya agad agad ang pag uwi niya halatang di handa.
Kaya naman di ako nakasama kay na Zyra sa kung saan man ang lakad nila dahil susundo ako ngayon Kay Angee, di ko Rin alam kung bat ba ako susundo Dito e may jowa naman siya pero for sure gusto na naman niyang isurprise yung jowa niya.
Nandito ako ngayon sa airport waiting for Angee. Grabe sobrang tagal niya ha.
After a few minutes of waiting finally nakarating na rin siya, Ang Ganda ng bestfriend ko, no wonder why Ward is so inlove with this girl.
"Line, sorry naghintay ka ba ng matagal?" Bungad saken ni Angee. Her voice is so sweet, hoyy Celine bestfriend mo Yan at may jowa yan gague.
"Di naman ganon katagal, tara na?" I asked and she nodded.
Sumakay na kami sa kotse ko at nagsimula na akong magdrive.
"San ka titira? I mean you can stay at my house naman if you want" suggest ko.
"Nah I have my condo naman di ba? Maybe don nalang" and she answered.
" Natuloy ba sina Ward?" Biglang tanong niya.
"San? Pero ang alam ko nga ay may pupuntahan sila e" I replied. Di ko alam kung saan pero mukang mag eenjoy sila.
"Concert ni Ken" mabilis niyang sagot na ikinagulat ko? Bat parang ok lang sa kanya na pumunta si Ward don e sobrang selos na selos siya kay Ken noon?
"Ok lang sayo?" I asked and she just smiled, baliw ba siya?
"bat naman Hinde? HAHA nag paalam saken si Ward kanina na pupunta siya sa concert and pumayag naman ako kase gusto ko rin siyang isurprise" nakangiti niyang saad. Grabe na yung tiwala ah, lumelevel up.
Oh edi tama nga ako? May surprise emerut.
FF.
Andito na kami ngayon sa condo niya, grabeng condo to halatang di natirhan ng matagal, puro dust pero wag kayo walang kalat ah, malinis naman siya pero puro lang talaga gabok.
"Line, alis ka na, maglilinis ako" saad ni Angee na ikinalaki ng mata ko? Punyeta? Pagkatapos kong ihatid papaalisin ako? Abaaaa!!!???
"Ganon na lang yon? Walang thank you? Walang hug? Kiss? Pasalubong?" Sarkastiko kong tanong na ikinatawa niya. Baliw nga ba talaga siya?
Lumapit naman ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit at hinalikan ako sa pisnge at noo.
"Thank you Line. I love you. Yung pasalubong mo bukas na. Sige na alis ka na" saad ulit niya. Kung di ko lang to bestfriend nasakal ko na to e.
Sinamaan ko siya ng tingin ngunit napakalaking smile naman ang ibinalik nito sa akin.
Umalis na ako sa condo niya gaya ng sinabi niya, mabait kase ako e charott may gagawin parin kase ako para matapos tapos na yung kasong hawak ko ngayon.
Angee Pov.
Andito na ako ngayon sa Pilipinas, may kailangan lang talaga akong ayusin dito and after nito babalik na ako ng US para ifinalize Yung paper sa pagpapalipat ng pangalan ng kumpanya sa akin and after non baka dito na ako sa Pilipinas magtrabaho, pero di pa sigurado yon dahil baka hindi pa pumayag si Daddy sa plano ko.
YOU ARE READING
You and I
FanfictionWhat if a two broken hearted stranger meets in the same place where they find comfort and peace?