chapter 5

519 61 4
                                    

Ward Pov

After namin mag watch ni Angee ay natulog na kami, di pa ako umuuwi kase naman ayaw pumayag nitong si Angee dahil gabi na daw so sumunod na lang ako kesa naman magalit ulit to.

Magkatabi kami ngayon sa kama niya at I was hugging her at the back kase gusto daw niya ng back hug kahit ako yung may favorite non.

FF.

It's already morning and walang pasok so medyo late na kami bumangon ni Angee.

Bumangon na kami at kumain na and syempre uuwi na muna ako kase may lakad ako for today and sabi naman ni Angee is may gagawin din naman daw siya.

Umalis na ako sa bahay nina Angee at iniwan ko ito na naglilinis ng Bahay, sipag naman niya. 



Angee Pov

Kaka-alis lang ni Wardo dahil may lakad daw siya di ko lang alam kung saan at ako naman ay forda linis ng house kase nga darating si Kate and ayoko naman na mag stay siya dito na madumi yung bahay noh.

A few hours later ay natapos na ako sa pag lilinis and I am currently resting sa room ko and kachat ko si Celine para iinform siya na uuwi na si Kate dahil close rin naman sila and gusto ko rin na magbond kami.

So I am sitting  here sa couch at I am just scrolling on my phone while waiting for Kate's call. Tanghali na and I'm sure malapit na lumapag ang plane na sinasakyan ni Kate at di ako nagkakamali kase nag text na siya at sinabi na "pasundo na"  Oh di ba inuutusan lang ako.

Nagbihis na ako and umalis na ako para sunduin si Kate and after a few minute ay nakarating na ako sa airport dahil di naman traffic, thank God.

Nakita ko naman ito na naghihintay so nilapitan ko na ito at gulat na gulat ang ferson.

Niyakap niya ako ng pagkakahigpit at si gagi umiiyak.

" Hey, bat ka umiiyak?" Tanong ko dito, Hanggang ngayon ay nakayakap parin siya sa akin at ramdam ko na basa na yung may balikat ko dahil sa luha niya.

"Hoyy gagi, ayos ka lang ba? May problem ba? Akala ko pa naman umuwi ka dahil miss mo na ako yon Pala may problema ka" Dagdag ko pa pero nananatili siyang tahimik.

"Namiss na kita * sobs* bat di ka na umuwi? Bat di mo ako binalikan don?" Tanong naman niya.

"Di pa kase tapos yung pag aaral ko dito and ano ba balak naman talaga kita puntahan don kaya lang ang hirap kase imanage nung oras ko specially graduating di ba?"  Pagpapaliwanag ko naman dito.

Tinanggal namin Ang pagkakayakap sa isa't isa at umuwi na kami and badtrip traffic na and 4 pm na so we decided to stopped at the mall para naman makapag gala pa kami. Tinawagan na din naman si Celine para sumunod sila dito kasama sina Mahalia, Karl, Louise, at yung iba pa naming friends, I tried to contact Ward but she's not answering my calls siguro kase may ginagawa nga siya kaya hinayaan ko nalang and gusto ko talaga bumawi kay Kate.

Nilibot ko ang paningin ko at may napansin akong isang pamilyar na body shape di ko lang makilala Kase nakatalikod ito, sumakay ito sa isang car at pinagbuksan pa siya ng pinto bigla ko ulit naalala si Ward, oo si Ward nga, Ganon na Ganon Ang body shape ni Ward kapag nakatalikod pero imposible Kase wala naman siyang jowa and Isa pa di naman siya sasama sa guy na Ganon and busy siya so nah it's not her.

Naghintay lang kami ng ilang oras at finally dumating na rin sila sina Celine.

"Antagal grabe" reklamo ko bago sila yakapin isa isa.

You and I Where stories live. Discover now