Nasa labas palang ako ay kinig ko na ang ingay na nangagaling mula sa loob nang aming silid aralan. Ingay nang mga kamag-aaral kong nakikinig sa musikang mula sa ibang bansa na hindi naman nila maintindihan.
Dahil mukang wala pa namang ang aming propesor nag lakad muna ko sa malapit na bench at umupo dito. Nilabas ko ang ang mp3 player na binigay sakin ni mommy kahapon at nakinig nang kanta ni Morissette na Dyamante.
Habang nakaupo ako pinagmasdan ko ang mga nakapaligid saken, lahat sila may iba't ibang mundong iniikotan. Lahat sila may mga bagay na pinagkakaabalahan. May magkasintahang masayang nagkikwentohan, mga magkakabarkandang maingay na nag tatawanan. May iilan din namang mag isa lamang na nag mumuni-muni sa tabi at kuntento na sakanilang sarili.
Bigla kong naisip, pano kaya kong namuhay ako sa tunay na ako mararanasan ko kayang mamuhay nang normal kagaya nito? Mararanasan ko kayang umupo nang tahimik at pagmasdan ang lahat kagaya nang ginagawa ko ngayon? Imposible, malamang asa kwarto lang ako at nakikinig sa private teacher na kinuha nang tatay ko para saken.
Hindi ko namalayan nakalapit napala saken ang bestfriend kong si Lyric kaya tinanggal ko ang earphone na nasa tainga ko "Anong sabi mo?" Tanong ko dito.
"Sabi ko anong gingawa mo dito mag-isa? Malapit na mag time pero andito ka pa?" Sagot nito.
"Ang ingay nyo kasi don sa loob alam mo namang ayaw ko sa maiingay." Sabi ko dito habang nilalagay sa bag ang mp3 ko.
"Oo nga pala ayaw mo nga pala sa Kpop. Bat ko nga ba nakalimutan na weird nga pala ang bestfriend ko." Pailing iling naman nitong tugon.
Naglakad na kami papunta sa room namin at naupo sa nakalaang upuan para samin.
"Oy, Channtal diba sa SM nag tatrabaho si tita Debby?" Tanong bigla ni Steffy.
"Ah! Oo bakit mo natanong?"
"Eh! Di makikita nya at malalapitan nya ang EXO?" Excited na tanong nito.
"Sinong EXO?" Takang tanong ko naman dito.
"Ay oo nga pala. Sila yong bagong kpop group na sobrang sikat ngayon sa korea. Hawak sila nang SM at sabi sa isang interview nila papunta silang Pilipinas next week."
"Ah!" walang interes na sabi ko habang nilalabas ang notebook ko para sa una at huling subject namin ngayon.
"Baka naman pwede mong sabihin kay tita Deb na ihingi ako nang authograph sakanila?" Pacute na sabi nito.
"Malamang hindi makakalapit si Mama sa mga yon, sabi nyo sobrang sikat diba? Baka mga asa mataas na katungkulan lang sa SM ang makalapit sa mga yon." Palusot ko naman dito. Hindi kasi ako mahilig huminge nang pabor sa nanay ko.
"Baka lang naman diba? Sige na C." Pakiusap naman nito mas lalong nilapit ang mukha nya saken.
"Oo na, oo na" Pilit na sagot ko dito "Susubukan ko lang ha?"
"Sige sabi mo yan ha?" Masayang sabi nya at humarap na sa unahan dahil dumating na din ang aming Propesor sa araw na ito.
Pinaliwanag lang nya kung san iikot ang pag aaralan namin mula sakanya at pagkatapos non dinismiss na din nya kami dahil unang araw palang naman nang klase.
*krinngggg
Tinignan ko ang cellphone ko nagriring sa gilid nang mesa ko. Si Mama ano nanaman kayang kailangan nito?
"Po?" Walang ganang sagot ko dito.
"Nak pwede ka bang pumunta ngayon dito sa office?" Tanong nito sa kabilang linya.
"Bakit nanaman? Kagagaling ko lang dyan nung isang araw ah!" Tanong ko dito habang pinag lalaruan ang ballpen sa harap ko.
"Sige na nak. May mahalaga lang akong ipagagawa sayo."

YOU ARE READING
Once A Fan Girl
FanfictionChantal Gutierez Kim isang half Korean and Half Filipino. Anak nang isang CEO nang isang malaking entertainment company, pero piniling itago ang tunay nyang pagkatao. Hindi sya mahilig sa KPop o sabihin na nating hindi nya alam ang salitang ito, we...