Ngayong araw ako babalik sa mansyon, at bukas naman ang araw na pinaka iintay nang lahat. Ang pag dating nang EXO.
Maayos na lahat nang mga dadalin ko, ang sundo na lang na pinapunta ni Mama ang inaantay kong dumating.
Naisipan kong mag buksan ang social media account ko, at halos Exo ang laman nang news feed ko. Mga taong excited sa pagdating nila bukas, at mga nag tatanong kung hanggang kailan si mananatili dito sa bansa natin.
Napansin ko ang isa sakanila. Lahat naman sila talagang gwapo, at malakas ang dating. Pero ang isang to, napaka misteryoso para saken. His serious face reminds me of someone.
Habang pinagmamasdan ko ang muka nito may biglang bumusina sa labas, malamang si mang Jun na yon kaya tinabi ko na sa bag ang phone ko at bumaba na.
"Kumusta po Young Lady?" Nakangiting bati saken nito.
"Ano ka ba mang Jun sabi ko naman sa inyo C or Chantal na lang." Paalala ko sakanya, napakamot naman ito sa ulo at nagsimula nang ilagay sa kotse ang mga gamit ko. Pinagmasdan ko muna ang apartment na tinuluyan ko sa loob nang 10 years. Maliit lang ito pero dito ko naranasang mamuhay nang Simple. At ngayon iiwanan ko na ito at haharapin ang buhay na matagal nang nag aantay saken.
Sumakay na ko sa kotse, kasunod naman si Mang Jun. Habang binabagtas namen ang daan papunta sa mansyon hindi ko maiwasang isipin kung ano ang mundong nag iintay saken.
"Kumusta ka Iha? Sampong taon ka din naming hindi nakita." Tanong ni mang Jun habang tinitignan ako mula sa salamin.
"Maayos naman po mang Jun, kayo po ba at ang mansyon kamusta?" Balik na tanong ko naman dito.
"Sampong taong tahimik ang mansyon, dahil nawala ka doon. At ngayong babalik ka na lahat kami excited. Sa wakas magkakaroon nang muli nang ingay ang mansyon." Masayang sabi nito na may kunting bahid nang lungkot.
Bumalik naman saken ang masasayang ala-ala ko sa mansyon kasama si Mama at Papa.
Isang batang masayang nag lalaro kasama ang mga magulang nya. Ang batang nagbibigay nang kulay at ingay sa loob nang tahanang napakalaki para sa tatlong tao. Ngunit lahat nang yon nag bago nang malagay ang bata sa bingit nang kamatayan dahil sa pagkatao nito. Kailangan nyang mamuhay malayo sa mga magulang nya, kailangan nyang iwan ang buhay na kanyang kinagisnan. Kinailangan nyang mamuhay nang simple at mag-isa.
"Hayaan nyo po mang Jun hindi na po ako ulit aalis sa bahay na yon." Positibong sabi ko dito habang nakangiti, kahit di sigurado sa aking binitawang pangako.
Nakapasok na kame sa gate nang mansyon. Nakikita ko na ang mga nag lalakihang puno na minsan ko hiniling sa aking ama.
I remember how I wished to my papa to put some trees here in the Mansion. And papa grant it, he plants so many trees in here, and now they've already grow like how I grown up alone. They are all beautiful actually.
Malapit na kame sa mansyon at tanaw ko na rin ang mga kasambahay namen. Halos lahat sila ay mga dating nadito na, ang ilan naman ay mga bago. Ang alam ko si Manang Luisa at Mang Jun lang ang maiiwan dito simula lunes, ang ilan ay ililipat ni mama sa isang bahay namin na malapit din dito.
Pag hinto nang kotse, hindi ko na hinitay na pagbukasan ako nang pinto ni mang Jun bumaba na ko at excited na lumapit kay Manang Luisa.
"Kumusta ka iha? Ang ganda ganda mong bata." Maluha luha nitong bati habang hawak ang magkabila kong pisnge.
"Ayos naman po ako Manang eh! Kayo po dito kumusta kayo?"
"Ayto miss na miss namin ang batang nagbibigay ingay sa malaking mansyon na to." Nakangiting sabi nito.

YOU ARE READING
Once A Fan Girl
Fiksi PenggemarChantal Gutierez Kim isang half Korean and Half Filipino. Anak nang isang CEO nang isang malaking entertainment company, pero piniling itago ang tunay nyang pagkatao. Hindi sya mahilig sa KPop o sabihin na nating hindi nya alam ang salitang ito, we...