Dalawang araw matapos kong pumayag sa gusto ni Mama sinabi din nya na kailangan ko nang lumipat uli sa mansyon kung san don din pansamantalang mag s-stay ang EXO habang andito sa Pilipinas.
Naglalakad ako ngayon sa Hallway l, papunta sa last subject namen nang may bigla nalang nag takip sa mata ko.
"Nako Kice, amoy mo palang alam ko na." Sabi ko dito sabay tanggal naman nya nang kamay nya sa mata ko, at inakbayan na ko. Si Kice Su isang new rising star nang SM at Best friend ko sya lang ang nakakaalam nang sekreto ko.
"Ito naman ang KJ." Sabi nito sabay ayos nang bag sa kaliwang balikat nya.
Inalis ko naman ang braso nyang naka akbay saken."Tumigil ka nga, makita pa tayo nang mga Fans mo mawarla pa ko nang wala sa oras." Sabay irap ko dito at binilisan ang pag lalakad.
"Alam mo ikaw. Kung sinasabi mo na kaya sa lahat kung sino ka, di walang magkakamaling mang warla sayo." Sabi nito at ginaya pa talaga ang pagsabi ko nang warla.
"Hoy tumahimik ka nga. Yang bunganga mo talaga, kung anong tinahimik mo sa harap nang camera syang dinaldal mo naman sa tunay na buhay." Sabi ko dito habang sabay kaming naglakad. Same class nga pala kami ngayon.
"Hoy ka din. Sayo lang naman ako ganto eh! Pasalamat ka nga di kita inisnob no." Mayabang na sabi nito.
"Aba talaga lang ha. Kung di kalang ubod nang tangkad sinabunutan na kita." Sabi ko rito sabay pilit na inabot ang buhok nya, kahit alam kong imposiblengre maabot ko dahil pinipigilan din nito ang kamay ko.
"Ikaw ang sadista mo talaga." Sabi nito sabay pigil saken at inakbayan na ko hanggang sa makarating kame sa subject namen.
"Oh Kice, welcome back, akala namen next week ka pa makakapasok eh!" Bati naman ni Lyric kay Kice habang papaupo palang kami ni Kice.
"Napaaga tapos nang shoot eh!" Pa cool na sabi naman nito na ikinataas nang isang kilay ko, at sabay kindat naman nito. Ang feeling din talaga nang isang to kahit kelan.
"C nagawa mo na ba yong project natin sa Socsci?" Tanong naman nito sabay upo sa upuan sa unahan ko.
"Ah! Yon ba, next week pa naman yon diba? Baka this weekend ko gawin. Bakit?"
"Gusto mo sabay na tayo? Punta ko sa inyo?" Sabi naman nitong nakangiti. Kaso naalala ko bukas na nga pala ko babalik sa mansyon.
"Ah! Lyric kasi nalimutan kong sabihin, lilipat na kasi kaming apartment ni Mama eh!" Palusot ko dito habang kunwaring nagbubuklat nang libro.
"Eh! Bakit? Tulong na lang ako sa inyo ni tita. San ba kayo lilipat?"
"Ah! Ano kasi, hindi pa saken sinasabi ni mama tyaka bukas na yon. Aabsent lang ako sa PE para makapag lipat." Sana naman maniwala to.
"Ah! Okay." Pag suko nito at bumalik na rin sa upuan nya habang nagtataka pa ding lumilingon lingon saken.
Natapos na din agad ang klase. Bubuhatin ko na sana bag ko kaso naunahan na ko ni Kice, nakagawian na kasi nya yan pag magkasama kami.
"Lyric sabay ka na samen." Tawag ko naman sa isa ko pang bestfriend na patakbing lumapit saken at kumapit sa braso ko.
"Alam nyo, kayong dalawa kung di ko lang kayo kilala mula grade 6, iisipin ko mag Jowa kayo." Pabirong sabi ni Lyric habang nangaasar na tumingin saming dalawa ni Kice.
"Nako Lyric kilabutan ka nga." Natatawang suway ko naman dito.
"Aba parang dehado ka pa kung sakaling jowa nga kita ah! Sa gwapo kong to." Mayabang na sabi nito habang nag popogi sign pa. Kaya ang ending pinagtinginan kami nang mga Fan girl nya. Pingutin ko nga.
"Alam mo ikaw, pag may umayaw samen dito ni Lyric ikaw masasapak ko. Umayos ka nga." Sabi ko dito sabay hila. Natatawa namang napailing lang si Lyric.
"Kice, sikat ka na, at hindi ka na pwedeng laging bumuntot samen ni Lyric." Paliwanag ko dito.
"Kaya nga, kita mo yong mga tingin nong mga babae kanina? Mapa lower grade gang senior parang kakainin kami sa tingin nila kanina." Exage na sabi naman ni Lyric.
"Ano ba kayo, subukan lang nilang awayin kayo, kita nyo tong muscle ko?" Sabay pakita nang muscle nya kunwari na wala naman.
"Oo, at wala kaming nakikita patpat ka kaya." Mapang asar na sabi ko dito at hinila patakbo si Lyric.
Nang makarating kami sa gate, hinitay lang namen ang sasakyan ni Kice, tuwing pumapasok si Kice sakanya kami lage sumasabay ni Lyric pauwi.
Unang hinatid ni Kice si Lyric kasi malapit lang sila dito sa university.
"Bye C. Bye Kice see you." Parang batang paalam nito habang nag wiwave.
"Kailan mo ba planong sabihin kay Lyric yong totoo?" Tanong ni Kice habang nakatingin sa harap at seryosong nag dadrive.
Napasandal naman ako, at napabuntong hinga habang nakatingin sa labas.
"Hindi ko pa alam. Maybe one of these days naman malalaman na nila." Seryosong sabi ko rito.
"What do you mean?" Takang tanong nito bago saglit na tumingin saken at binalik din agad ang mata sa daan.
"I think mom si preparing me fo my destiny." Sabay ngumiti nang tipid."Ako ang pasasamahin nila sa EXO habang andito sila sa Pilipinas, at bukas, babalik na ko sa mansyon." Malungkot na dugsong ko rito, dahil alam kong hindi na magiging normal ang takbo nang buhay ko.
"What about it?" Sabay hawak nya sa kamay ko habang ang isang kamay ay nasa manebela. "C, it's okay to face your destiny, than keep on running away from it." Napabuntong hininga naman uli ako tumingin sa kamay nyang nakahawak sa kamay ko.
"Try it, and if ever na hindi mo parin gusto yong path na patutunguhan mo, then I'll be willing to run away with you." Napangiti naman ako sa sinabi nito, at tumingin sa mukha nya na nakangiti rin habang nasa unahan ang tingin.
"C, I will always be here for you, to support you. Sa kahit anong desesyon mo sa buhay. Tandaan mo yan."
"Thank you Kice, for always being here with me. For staying at my back." Nakangiting sabi ko rito at hinawakan rin ang ibabaw nang kanyang kamay.
"No wories, I got you." Sabi nito sabay kindat na nakapagpatawa saming dalawa.

YOU ARE READING
Once A Fan Girl
أدب الهواةChantal Gutierez Kim isang half Korean and Half Filipino. Anak nang isang CEO nang isang malaking entertainment company, pero piniling itago ang tunay nyang pagkatao. Hindi sya mahilig sa KPop o sabihin na nating hindi nya alam ang salitang ito, we...