Chapter 4

1 0 0
                                    

Mabilis natapos ang araw ko. Naglibot lang ako sa labas at loob nang mansyon, wala namang masyadong pinagbago ito, ganon pa din. Sabi ni manang kabilin bilinan daw ni papa na wala dapat magbago rito para daw hindi ako makalimutan nang mga tao.

Pupunta nga pala ko bukas kina Lola Amanda, ang nanay nang Mama ko. Alam ko kasing magiging mahirap nang bumisita sakanya pag mmagsimula ako sa trabahong binigay ni mama. Sa isang araw pa naman uuwi rito ang EXO, sa hotel daw muna sila dederetso bukas para mailigaw ang mga Paparazi.

Kinuha ko ang cellphone ko at idenial ang number ni Kice. Wala pang ilang segundo nasagot na nya agad ito.

"Hi C, what's up?" Bati nito mula sa kabilang linya.

"Hello Kice, ahm balak ko kasi bumisita kay lola Amanda bukas." Panimula ko dito.

"And?"

"Baka pwedeng samahan mo ko?" Nag aatubiling tanong ko rito.

"C, NO. Malamang andon yong pinsan mong parang linta kung dumikit." Pag tutol nito, ayaw nya kasi sa pinsan ko si Jewel, pano ba naman pag nag kikita silang dalawa walang ginawa si Jewel kundi ang pumulupot kay Kice.

"Sige na please! Miss ka na rin kasi ni lola for sure." Pag pupumilit ko rito.

"C alam mo naman ayaw kong nakaka encounter yang pinsan mo. Eh! Don pa naman yon nakatira sa lola mo. Humiling ka na lang nang iba C."

"Hmm. Pag sinamahan mo ko I will do whatever you like, pero isa lang ha." Pagkumbinsi ko paren dito. Alam ko namang hindi din ako matititiis nang isang to.

"Sige na nga. Anong oras ba? At sagot mo ko sa pinsan mo ha."

"Yown. Don't worry I will stay by your side tomorrow para dika kulitin ni Jewel. 7am tayo para makabalik din ako bago gumabi." Excited na sagot ko rito.

"Okay C. I need to hang up na may pinarereview pa sakin si manager eh! Goodnight C."

"Goodnight!" And I ended the call na. Malapit din si Kice kay lola Amanda, gustong gusto kasi nya ang boses ni Kice. Buti na nga lang din tumigil si lola sa pag mamatch saming dalawa eh!

Kinuha ko naman ang Laptop ko at nag browse about sa Exo. Nakita ko naman agad ang picture nilang lahat. Pano kaya nila nagagawang matandaan ang mga pangalan nito 12 na to.

Napahinto ako sa picture ni Baekhyun, ang laki din talaga nang pinag bago nang isang to. Yung dating patpating alaskador na kaibigan ko sa Korea, ganto na pala kagwapo. I wonder anong kwento kaya yong sinasabi nang manager nila about saken. Ganon parin kaya sya kakulit? Infairness namimiss ko rin talaga ang isang to.

Tinignan ko naman yung sa kaliwang side nya. Tao ata pangalan nya, ang cute nang isang to at matangkad nakakakuha rin agad nang pansin ang kulay, at eyebags nya na bumagay sa maliit nyang mukha. Sa kabilang side naman nya ay si Xiumin, sabi nang manager nila ito daw ang pinakamatanda sa kanilang lahat, pero mas muka pang sya ang bunso, hindi lang dahil sa height nya kundi dahil narin sa mukha nya. 
Katabi naman ni Xiumin ay si Chen, narinig ko ang isa sa mga album nila at masasabi kong isa sila ni Baekhyun sa may pinakamataas na boses sa kanila. Infairnes ang ganda nang mga ngiti nya.

Sumunod naman sakanya ay ang leader ata nila Su-ho, maliit lang din sya kumpara sa mga members nya, muka namng napapasunod nya ang mga ka myembro nya. Ang katabi naman nya ay si Kai na ang main dancer nila. Magaling syang sumayaw at malakas din talaga ang dating nang isang to. Ang kalapit naman nya ay si Luhan, Vocal at Visual nang grupo nila, mukha syang babae, nakaka intimidate din ang pagkagwapo nito, mas maganda pa to saken eh! Ang katabi naman nya ay si Lay, dancer, itong isang to para laging may sariling mundo, para laging wala sa sarili, pero gwapo. Ang katabi ay si D.O, agaw pasin sakanya ay ang kanyang mata, siya rin ata ang actor sakanila. Ang katabi nya ay si Sehun, ang pinakabunso sakanila, matangkad din ito at talagang gwapo sabi nang manager nila spoiled daw ang isang to.  Ang katabi nya ay Chanyeol ata pangalan, mukha syang masayahin, pero di maitatago ang pagkamisteryoso nya. Ang katabi niti ay si Kris leader daw nang EXO-M matangkad din ang isang to at ang cool nang image nya ha.

Pagkatapos kong tignan ang mga asa newspeed ko napag desesyonan ko naring matulog agad, maaga pa nga pala kaming aalis ni Kice.

Chanyeol's P.O.V

Kalalapag lang nang eroplanong sinasakyan namin dito sa Naia 3. Naunang naglakad si Manager at ang mga body guard na kinuha ni President Lee para samen.

Papalabas palang kame nang airport nakikita namen ang sandamakmak na taong nag aantay namin.

"Channy and Baek mauna nakayo don isang sasakyan idederetso kayo non sa mansyon nang mga Lee. Mag stay muna kame nang iba sa hotel dahil may mabilis na interview pa si Suho." Pabulong na instruct samin ni Manager tumango na lang naman kame ni Baek at sabay na naglakad bago saglit na kumaway sa ilang Fans.

Sinunod naman namin si Manager nagmadali kaming lumabas at sumakay sa kotseng sinabi ni Manager Choi.

"Muka ka nanamang tanga dyan." Sabi ko kay Baekhyun na nakangiti nanamang parang tanga sa may bintana.

"Wag ka ngang epal dyan Channy." Sagot naman nito. Inayos ko na lamang ang upo ko at tumingin sa labas.

Paumaga pa lang pero nagawang magintay nang mga tao samin nang ganto kaaga. Kaya sobra ding mahalaga samin ang aming mga taga hanga.

Malapit na kami sa mansyon nang Mga Lee 7am palang pero mukang mga naghahanda na ang mga tao siguro dahil alam nilang parating na din kami ngayong araw.

"Magandang umaga po." Sabay na bati nang dalawang may edad na tauhan nang mga Lee.

Nag bow lang kami sakanila ni Baek bilang paghanga.

"Ako nga po pala si Luisa ang mayordoma. Pwede nyo kong tawaging manang Luisa, at sya naman si Jun ang driver ni Lady Chantal." Pakilala nila sa amin.

"Ako po sa Chanyeol at ito naman po si Baekhyun." Pakilala rin namin sakanila.

"Kagagwapo nyo namang mga bata, halina kayo sa loob at mag-agahan." Pag anyaya nila samin kaya sumunod na rin kami sakanila sa loob nang bahay.

"Manang Luisa!" Nagulat naman kami sa sigaw nang babaeng pababa nang hagnan, mukang bagong gising pa ito dahil nakapantulog pa ito at medyo magulo ang buhok.

"Ay nako kang bata ka, sandali lang mga iho." Sabi naman nang matanda at nagmadaling lumapit sa babae.

"Manang nakita nyo po ba yong sapatos na bigay sakin ni Mama, yung paborito ni Lola. Tyaka anong oras na po ba malilate na ko." Mangiyak ngiyak na sunod sunod na tanong nito. Gaya ko tulala lang din si Baekhyun habang pinagmamasdan ang babaeng walang kaalam alam na may ibang tao sa paligid nya.

Tulad nang asa litratong palaging ipinapakita samen ni President, tunay ngang napakagandang dalaga nang anak nya. Kaya naman pala laging bukambibig ito ni Baekhyun.

Maganda ang kanyang maalon na buhok, ang kanyang pilik matang tamang tama sa mapupungay nyang mga mata, ang perpektong ilong, at labi, idagdag mo pa ang mamula mula nyang kutis. Hindi ko alam kong anong nangyayari saken, pero napakabago nitong nararamdaman ko. Hindi ko rin maalis ang aking tingin sa kanyang bawat galaw. Chanyeol! ayusin mo anak yan nang Presedente at hindi mo yan kayang abutin.

Once A Fan GirlWhere stories live. Discover now