Tigagal si Jun. Hindi sya makagalaw. Muling bumuhos ang malakas na ulan at waring nakisimpatya sa kanyang kalungkotan. Di niya ininda ang malakas na ulan. Tumakbo siya ng matulin. May nabuo siyang plano. Pupuntahan niya si Mang Daniel, ang kaibigan nyang magtutuli rin. Naroon pa rin ang galit. Makailang ulit niyang sinuntok ang hangin habang mabilis na tumatakbo.Wala siyang paki-alam kung madapa sya o matalisod man.Di niya ininda ang pagod. Ang nais niya'y makarating agad kina Mang Daniel.Minsan pang sinilip niya ang kanyang relo. Mag a-alas otso y media at ngayo'y naroon na siya sa lugar na paborito niyang kainan sa tanghali kapag lumalabas sa kanilang eskwelahan.
Naging madamot ang pagkakataon kay Jun. Bigo siyang mahanap si Mang Daniel. Huli na nang maalala niyang umalis ito kasama ang buong pamilya para mamasyal sa plaza at manuod ng moryones doon.
Nakita niya ang maliit na kawayan na katabi nang malaking puting bato.Sa galit ay hinampas ni Jun ang kawayan sa bato. Ngunit sadyang matibay ang kawayan, bigo siyang mawasak ito.
Nag-ulol sa galit si Jun, paulit-ulit niyang hinampas ang kawayan sa bato hanggang magsugat ang kanyang kamay. Sa wakas ay nawasak din niya ang kawayan. Ngayo'y nagdurugo ang kanyang kamay at para makaganti sa kawayan ay itinapon niya ito ng ubod lakas sa langit.
Maya-maya'y narinig niya ang tahol ng mga aso. Papalakas ang mga iyon. Alam niyang hahabulin siya ng mga ito kaya kumaripas siya ng takbo palayo sa lugar na iyon. Di siya nagkamali. Ngayon ay kasunod na niya ang mga aso. Para itong mga na-u-ulol sa galit sa kanya.Binilisan pa ni Jun ang kanyang takbo. Muling naghari ang takot sa kanya. Di niya napansin ang kahoy na nakaharang sa daan dahilan para mabuwal si Jun.
Ang humahabol na tatlong aso ay limang metro na ang layo sa kanya. Galit na galit ang mga ito para lapain siya. Hindi niya alam kung paano makakatakas sa panganib na nasa harap niya.
Swerte namang naabot ng mga kamay niya ang kahoy na natalisod niya kanina. Pagkakuha dito'y ubod lakas niyang hinataw sa ulo ang isang aso. Nabuwal ito at nangisay. Ang dalwa pa'y mabilis na sumugod sa kanya. Binato niya ng kahoy ang isa at mabilis na dumampot ng malaking bato at ipinukol sa isa pa.
Nagtatakbo ang mga ito pauwi na biglang nabahag ang kani-kanilang buntot.
Nakahinga ng maluwag si Jun pag-alis ng mga aso. Minsan pang humanga siya sa kanyang tapang na ipinamalas niya para ipagtanggol ang sarili. Ngunit di pa rin mawaglit sa isipan niya ang nangyari kanina. Mabilis siyang tumakbo pauwi sa kanila.
Kung kanina'y nakikipaglaro ang ulan sa lungkot na nadarama niya, ngayo'y gusto niyang isumpa ang araw sa init na hatid nito sa kanyang balat.
Naabutan niya ang mga grupo ng kabataang masayang nagpupulong. Alam niyang mga kasama niya ang mga ito sa planong pagpapatuli. At ngayon nga'y tuli na ang mga ito maliban sa kanya.
Iniba niya ang kanyang direksyon upang maiwasan tuksohin ng mga ito ngunit napansin siya ni Mark.
" Jun, balita ko naduwag ka daw. Akala ko pa naman matapang ka ", pang-uuyam nito.
" Itay baka masakit po, baka mahimatay ako " kapatid niyang si Jay iyon, iniinis siya.
Sa galit niya dito'y binato niya ito ng kanyang relo. Nagtatawanan ang mga ito nang siya'y umalis. Narinig pa niyang nagsisigawan ang mga ito ng 'bakla' at alam niyang siya ang tinutukoy ng mga iyon. Isang nakaririnding musika ang hatid niyon kay Jun.
Pagkarating sa kanila ay walang lingon-lingon na tinuloy niya ang kanyang kwarto.Wala siyang pakialam kung paluin siya ng kanyang ama. Ang gusto niya muna ay makatulog. Makatulog at huwag nang magising sa bangungot na iyon.
Napaigtad si Jun mula sa malayong paglalakbay ng kanyang diwa. Butiki na pumatak sa kanyang dibdib ang muling naging dahilan ng pag-abala sa kanyang pag-ala-ala. Sa inis niya dito ay pinitik niya ito ng kanyang daliri.Naputol ang buntot ng butiki at mabilis na tumakbo palayo sa kanya.
Naiwan namang mangha si Jun sa pinamalas ng butiki. Inakala niyang mamamatay ito matapos na maputol ang buntot nito. Humanga si Jun sa tapang ng butiki at minsan pang nagpaliwanag sa kanyang isipan. Naisip ni Jun na tulad ng butiki, kelangan niyang maging matapang. Ngunit lumo pa rin si Jun dahil wala ng pagkakataon para ilabas ang tapang na nabubuhay sa kanyang dibdib.
Muli niyang sinipat ang kanilang oras. Mag-a-alas cinco na ng hapon. Hindi na nya hinanap ang kanyang relo dahil batid na niyang nasa kapatid ito.Nakaramdam si Jun ng pagkalam ng sikmura. Naalala nyang di pa nga pala siya nagtatanghalian. Tinungo niya ang kanilang kusina at nagbuklat ng pwedeng bumusog sa kanya. Nakita niya ang tirang tinapa .Sa gilid ay may toyo at kamatis.
Binuklat niya ang kanilang kaldero at tyempong may laman itong kanin. Agad siyang kumuha ng pinggan at nilamnan ang kumakalam na sikmura. Nasa ganoong akto si Jun nang abutan siya ni Jay. Kita niyang nagbuklat din ito ng kanilang kaldero. Maya- maya pa'y pumailanlang ang nakaririnding palahaw ni Jay. Inaasahan ni Jun iyon ngunit ang mga sumunod na pangyayari ay hindi. Humahangos na sumugod sa kanila ang kanyang kuya Jerick at inalam kung ano ang nangyari.
"Inubusan ako ng kanin ni Kuya, itinira pa nga saken ni Inay iyon e", palahaw ni Jay.
Parang gustong magwala ni Jun sa narinig. Di yata't di siya pinagtira ng kanin ng kanilang ina.
."Arayyy", hiyaw ni Jun.
Sinturon iyon na dumapo sa kanyang binti. Hinimas ni Jun ang bahagi ng binti na tinamaan ng sinturon ng kanyang kuya. Sadyang kay lupit ng kanyang kuya ngunit sa pagkakataong iyon ay doble ang ipinamalas sa kanya.
" Pinahiya mo ang pamilya natin.Pinahiya mo kami. Ikinakahiya ka namin!", bulyaw ng nanggigigil na kuya Jerick niya.
Tuluyan ng umiyak si Jun. Minsang pang hiniling niya na sana nilapa na lang siya ng mga aso kanina. Na sana di na lang siya nagising. Natauhan si Jun nang mapansing muling ihahaplit ng kuya nya ang sinturon sa kanya kung kaya't mabilis syang nakaiwas at nagtatakbo palabas. Sa pinto palabas ng kanilang bahay ay nasalubong niya ang kanyang mga magulang na galing sa haciendang pinagtatrabahuhan ng kanyang mga magulang.
"Inay, pinalo po ako ni kuya" , umiiyak si Jun habang nakayakap sa kanyang ina.
"Ano ba nangyayari dito?", tanong ng kanya ina.
Mabilis namang lumapit si Jay sa kanyang itay at nagsumbong.
" Itay si kuya, hindi ako tinirhan" , sumbong nito.
"Tahan na bunso, may dala akong mga prutas galing sa Hacienda. O heto ang mga talbos ng bayabas at tutulungan kitang maglanggas", alo ng kanyang Itay.
"Jun, bakit mo naman inubusan ang kapatid mo? Nagtira ako ng para sa'yo. San ka ba nagpunta kanina? ", tanong ni Aling Lorna ang kanyang ina. Di sumasagot si Jun. Hinigpitan pa niya ang yapos sa kanyang ina ngunit naramdaman niya ang mga palad nito na humawak sa kanyang braso at ikinakalas siya sa pagkakayapos.
"Jun, dapat naging matapang ka...", ani Aling Lorna.
Di na pinatapos ni Jun ang sasabihin ng kanyang ina at mabilis siyang nagtatakbo palabas ng kanilang bahay na umiiyak.
Waring naging malupit sa kanya ang mundo. Napapansin niyang nagtatawanan ang mga tao sa paligid nang dumaan siya. Maging ang mga kalaro niya ay ini-insulto siya. Kumanlong siya sa ilalim ng puno na madalas na pagpahingahan nila galing sa paglalaro. Sa harap ng malaking puno na iyon ang malawak na patag ng lupa na pinaglalaruan nila.
BINABASA MO ANG
Ang Pamukpok, ang Labaha at si Jun
Roman pour AdolescentsPaano kaya kung ang isang bagay na matagal mong hinintay at pinagplanuhan ay mauuwi sa panlulumo at panghihinayang, magagawa mo pa kayang muling subukang abutin ito? Ito ay kwento ni Jun at ang kanyang pagsusumikap na maipakilala ng lubos ang kanyan...