Nahagilap ng kanyang mga lumuluhang mata ang maamong mukha ni Mimi. Nakita niyang nagbibisekleta ito sa patag na iyon.Si Mimi ang pinakagusto niyang kalaro sa lahat ng mga batang babae sa kanilang lugar. Gusto niya ang mabangong buhok nito kapag tumatama sa kanyang mukha at ang maamong mukha nito na nagpapasaya sa kanya sa araw-araw.
Si Mimi ang dahilan kung bakit ninais ni Jun na magpatuli sa edad na 12. Nais niyang patunayan dito na matapang sya. Lagi kasi siyang tinatawag nito na di tunay na lalake o bakla pag minsan.
Pagbabalik-tanaw...
Magsasampung taong gulang pa lang si Jun noon nang makilala niya si Mimi nang aksidente niyang mabangga ito ng kanyang bisekleta. Di naman gaanong mabilis ang kanyang patakbo pero sapat na para mabuwal si Mimi. Hindi alam ni Jun ang kanyang gagawin kung kaya't mabilis niyang itinakbo ang bisekleta. Naiwan namang umiiyak si Mimi na nooy nakaupo sa lupa. Hindi niya kilala si Mimi at hindi din siya kilala nito kung kaya't malakas ang loob niyang takasan ito.
Minsan pang sinilip ni Jun ang kawawang si Mimi. Umiiyak ito habang nakatingin sa kanya. Di niya alam kung bakit ayaw niyang tigilan ang pagtitig sa maamong mukha nito. Nakita niyang may papalapit na tao kung kaya't mabilis na sumibat si Jun sa takot na mapagalitan sa salang nagawa. Nakipaglaro pa si Jun sa mga pinsan bago naisipang umuwi. Pagabi na nang dumating si Jun sa kanilang bahay.
Naagaw ang kaniyang pansin ng bahay malapit sa kanila na may nagliliwanag na mga ilaw. Nagtaka siya dahil matagal ng abandonado ang bahay na iyon malapit sa kanila.
Napapitlag si Jun nang maramdaman niya ang kamay na pumatong sa kanyang likod.
"Jun, ano ang sinisilip mo?", ani Aling Lorna.
"Sino po mga nakatira dyan Nay, dati naman walang tao dyan", sagot na tanong ni Jun.
"Ahh yun ba, mga bagong lipat sila galing Maynila at binili nila ang bahay na iyan. Si Ester at si Benjie ang nakatira dyan, nakipagkilala sa akin kanina. At meron silang anak na babae na kasing edad mo, hayaan mo at ipapakilala ko sayo bukas", kwento ng kanyang ina.
Natuwa si Jun sa narinig. Di yatat magkakaron siya ng kaibigang galing Maynila na ipagyayabang niya sa kanyang mga pinsan.
Ayaw na niyang kumain ng gabing iyon dahil gusto na niyang matulog para makilala na niya ang batang sinasabi ng kanyang ina. Ngunit sadyang makulit ang kanyang ina at napilit din siya nitong kumain.
Kinaumagahan, alas sais pa lang ay gising na siya. Maaga siyang naligo at nagsipelyo. Kapag ganoong bakasyon ay nakaugalian na niyang tanghaling gumising ngunit ngayon ay iba ang dating ng umaga sa kanya. Maaga ding gumigising ang kanyang mga magulang dahil trabahador ang kanyang tatay sa Hacienda na malapit lamang sa kanila. Si Jay na noo'y anim na taong gulang pa lamang ay nasa kanyang kuya Jerick nagbabakasyon para makipaglaro sa pamangkin nitong si Carlo.
Pagkakain ay agad siyang pumuwesto sa kanilang bintana at nag-abang sa misteryosong bata na ayon sa kanyang ina ay mula pa sa Maynila. Naiinip siya sa bawat minutong dumadaan. Maya-maya pa lumabas na ang kanya ina at niyaya na siyang pumunta dun. Waring nabasa ng kanyang ina ang kanyang inip kung kaya't kumilos na ito.
Naabutan nila na nagkukumpuni ng palikuran si Benjie. Agad namang binati ni Benjie ang mag-ina nang makita ito. Tinuro niya na nasa loob si Ester at nag-aayos ng ibang gamit katulong ang kanilang anak.
"Aling Lorna kayo po pala, tuloy po kayo. Napakagwapo naman po pala ng inyong anak", ani Ester.
"Naku e sumaglit lang kami para kamustahin kayo at para ipakilala ko na rin itong si Jun. Kung kaylangan nyo pa ng tulong, wag kayo mahiyang lumapit ha.", wika ni Aling Lorna.
BINABASA MO ANG
Ang Pamukpok, ang Labaha at si Jun
Fiksi RemajaPaano kaya kung ang isang bagay na matagal mong hinintay at pinagplanuhan ay mauuwi sa panlulumo at panghihinayang, magagawa mo pa kayang muling subukang abutin ito? Ito ay kwento ni Jun at ang kanyang pagsusumikap na maipakilala ng lubos ang kanyan...