Ilang araw na ang lumipas magmula noong nangyari ang bet na hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Adira kung paano sisimulan. Ilang araw na rin ang nagdaan magmula noong pinaubaya niya kay Maxon ang kalagayan ng kaniyang pusang si Max at ilang araw niya na ring hindi kinikibo ang kaniyang madrasta na hindi rin siya pinapansin.
"Aja! Alam ko na!" biglang saad ni Adira at dagling nagtungo sa munting closet niya.
Isinuot ni Adira ang kaniyang kulay pulang hapit na bistida at hindi na siya nag-abala pang magsuot ng panty at bra na kaniyang pinarisan naman ng three inches red stiletto,light makeup and red lipstick na sinigurado niya munang transfer proof. Sisimulan niya na ngayon ang kaniyang planong pang-aakit kay Maxon at sana naman ay maging successful siya at hindi mapahiya sa kaniyang gagawin.
Nilakad lamang ni Adira ang klinika ni Maxon at halos lahat ng kaniyang nadadaanan ay napapahinto at napapatitig sa kaniyang mukha gayon din sa kaniyang katawan na siyang lihim niyang ikinatuwa.
Pagkaraan ng ilang minutong paglalakad ay narating na rin sa wakas ni Adira ang klinika ni Maxon. Walang imik siyang pumasok sa loob nito at tila hindi naman siya nito napansin sa kadahilanang ito ay mayroong ginagawa. Marahang lumapit si Adira kay Maxon at walang pagdadalawang isip niya itong niyakap mula sa likod dahilan para ito ay mapaigtad.
"Fuck!" malakas na sigaw ni Maxon na ikinagulat ni Adira.
Nanlalaking mga matang binitawan ni Adira si Maxon at sinabing, "N-nag mumura ka?!" hindi makapaniwalang saad Adira dahilan para mapabaling ang tingin sa kaniya ni Maxon.
"A-adira..." nauutal na saad ni Maxon habang nanlalaki ang mga mata.
"Tama ba ang narinig ko? Nag mura ka?" sunod-sunod na tanong ni Adira.
"N-no! N-namamalik mata ka lang," mabilis at kinakabahang wika ni Maxon sa dalaga.
Naningkit naman ang mga mata ni Adira at pinakatitigang maigi ang lalaking nasa harapan niya.
"Panong namamalik mata e, hindi naman nakikita ang boses kundi naririnig," saad ni Adira dahilan para matameme si Maxon.
"Cat got your tongue? Umamin ka na kasi at tsaka tayong dalawa lang naman ang nakakaalam," nakangising saad ni Adira.
Maxon let out a deep sigh and removed his lab coat at halos maglaway naman si Adira ng makita ang pumuputok nitong biceps sa braso gayon din ang hapit nitong dibdib sa suot na polo.
"Eyes on my face, Adira." seryosong saad ni Maxon.
Labag man sa kaniyang kalooban ay tiningnan ni Adira si Maxon sa mukha at sinabing, "Happy?"
"Yeah, super. By the way, what are you doing here? If you're here for your cat nasa mansion ko siya," mahabang saad ni Maxon.
"Ahm…h-hindi," wika ni Adira dahilan para mangunot ang noo ni Maxon.
"Then why are you here?" Maxon asked.
"I…ahh—"
"What?" taas kilay na tanong ni Maxon.
"I'm here for you!" singhal ni Adira habang namumula ang mukha.
"P-pardon?" nauutal na tanong naman ni Maxon.
"I'm here for you," mahinang saad ni Adira habang nakayuko.
Lihim namang napangiti si Maxon at hinawakan ang baba ni Adira dahilan para mapaangat ito ng tingin at magkasalubong ang kanilang mga mata.
"She's so pretty," ani ni Maxon sa kaniyang sarili.
"Crush mo ba ako?" walang pasubaling tanong ni Maxon.
BINABASA MO ANG
AOT: The Bet (PUBLISHED UNDER BIBLIOTHÉQUE PUBLICATION)
RomanceR18 || MATURED CONTENT Adira Magat is a beautiful walking piece of temptation and she knows it very well, that's why she's using it for her own advantage. By her alluring beauty and sexy body, she flirts with every rich man that she knows-for money...