Adira a is a mess. A huge mess to be exact. Ilang araw na siyang hindi natutulog at kumakain, na kahit ang madrasta niyang walang pakealam sa kaniya ay nababahala na't nakukunsume.
"Adira lumabas ka nga diyan sa kwarto mo at kumain ka," saad ng kaniyang madrastang si Elena na nasa labas ng kaniyang silid habang paulit-ulit na kumakatok.
"Ayoko," walang ganang saad ni Adira at nagtalukbong na lamang ng kumot.
"Isa! Lalabas ka ba o sisirain ko itong pintuan mo? Ilang araw ka ng hindi kumakaing bata ka! Kapag ikaw namatay ng walang sa oras, talagang papatayin pa kita," pananakot pa ng madrasta niya.
"Ayoko nga Nay, huwag kang makulit! At isa pa, panigurado namang matutuwa ka kapag namatay na ako," naiinis sa wika ni Adira.
"Sa palagay mo ba matutuwa ako? Multuhin ka sana ng Tatay mo ng dahil sa sobrang katigasan ng ulo mo," saad ni Aling Elena.
"Edi multuhin niya! Ipapamulto rin kita," sagot naman ni Adira.
Isang makabuluhang ngisi ang sumilay sa labi ni Aling Elena ng maalala ang binatang dumalaw sa kanilang bahay noong nakalipas na buwan. Siya'y may naisip na plano upang mapalabas sa lungga ang kaniyang anak na matigas pa sa bato ang ulo at panigurado ring magkakapera siya sa naisip niyang ito.
Pakanta-kantang lumabas si Aling Elena ng kanilang munting bahay at nagsimula ng magtanong-tanong at mag-imbestiga. Oras na para hanapin ang binata upang hindi na mas lalo pang sumakit ang ulo niya, pero bago ang lahat makikipag-inuman muna siya sa kaniyang mga kumpare't kumareng paniguradong mapagkukunan niya ng impormasyong kaniyang kinakailangan.
Sa kabilang dako naman ay magkasalubong kilay at kunot noong pinagmamasdan ni Maxon ang pasyente niyang pusa na nasa kaniyang harapan. Kanina niya pa ito ino-obserbahan ngunit ang chart niya ay wala pa ring laman. Ang utak niya ay lumilipad at hindi niya iyon mahanap, at hindi niya rin mawari kung bakit siya nagkakaganito nitong mga nakalipas na araw.
"Doc, kamusta po ang pusa ko?" nag-aalala na tanong ni Mrs. Galang, ang may-ari ng pusang kaniyang ino-obserbahan.
Maxon let out a deep sigh before facing Mrs. Galang and said, "She's fine and she's pregnant."
Napatakip naman si Mrs. Galang ng ganiyang bibig ng dahil sa gulat at kagalakan.
"Really Doc? Thank you!" bulalas ni Mrs. Galang at hinawakan pa ang magkabilaang kamay ni Maxon na ngayon ay nakangiti na ng alanganin.
He's been conscious in touching other women because he feel like his cheating kahit wala naman siyang babaeng minamahal—but, he likes someone.
Is it counted?
Naaasiwang binawi ni Maxon ang kaniyang magkabilaang kamay mula kay Mrs. Galang at nginitian niya lamang ito ng pilit bago iniabot dito ang pusa nitong buntis.
"Just take good care of her, and make sure that she'll eat and drink the vitamins that I gave," saad Maxon at naupo na sa kaniyang swivel chair.
"Sige po Doc, maraming salamat po ulit," saad ni Mrs. Galang habang nakangiti.
Bahagya namang tumango si Maxon at seninyasan na si Mrs. Galang na umalis. It seems to be rude but he needed to do it, dahil paniguradong pipilitin na naman siya nitong pakasalan ang anak niyang si Sky—and he hate that damn girl so much. Because that girl, did something horrible on his sugar. He will surely avenge Adira.
This past few days, he's been irritated as fuck. Daig niya pa ang maselang buntis ng dahil sa pagiging mainitin ng ulo niya, na kahit ang kaniyang Nanay Hilda na wala namang ginagawa ay nadadamay na and he feel sorry for that. Maybe he'll take his Nanay Hilda out for a date as pambawi.
BINABASA MO ANG
AOT: The Bet (PUBLISHED UNDER BIBLIOTHÉQUE PUBLICATION)
RomanceR18 || MATURED CONTENT Adira Magat is a beautiful walking piece of temptation and she knows it very well, that's why she's using it for her own advantage. By her alluring beauty and sexy body, she flirts with every rich man that she knows-for money...