Chapter 1

9 1 1
                                    

>Claire Abawi Bancroft<

***

(Claire POV)

Pilit kong inaabot ang alarm clock sa side table ko dahil sa malakas itong tumutunog, nang maabot ko ito ay pinatay ko ang nakaka-iritang ingay na nanggagaling dito, matapos ay dahan dahan akong bumangon sa kama at kinusot kusot ang aking mata. Bumangon ako at inayos ang aking higaan bago dumeretso sa cr ko para mag hilamos at mag mumog.

After that ay nilibot ko ang paningin ko sa kwarto ko, it was a white room. Lahat ng makikita mo dito, I mean lahat ng gamit dito ay kulay puti. Yep! I like things as long as they are all white white!

Lumabas na ako nang kwarto at bumaba sa first floor ng bahay upang mag-agahan. Nakasalubong ko ang mga katulong na nagbabow ng ulo nila kapag nadadaanan ko sila, like hindi naman nila kailangan gawin yun. Si Dad ang nagpapasahod sa kanila kaya dapat dun sila mag bow kaso di naman nauwi yun dito. Dad is busy maintaining and managing his businesses.

Pagkadating ko sa lamesa sa kusina ay may nakahain ng mga pagkain. Sinimulan ko na ang pagkain without minding them. Nasanay na ako na sa tuwing kakain ay may mga nakahelerang katulong sa gilid. Hindi ko alam kung para saan bakit pinapanood nila akong kumain. Siguro naghihintay sila na mabilaukan ako? Sorry to tell hindi mangyayari yun.

After that ay naligo na ako at nagbihis ng uniform. Humarap ako sa salamin at chineck ang sarili ko. Napangiti naman ako nang masatisfy ako sa look ko. A black pleated skirt above the knee, well nung una ayaw ko sana mag uniform kase sa kulay nito which is black. I hate that color. Kaso bumawi naman sa pantaas which is white polo. And for my final touch? The glasses, nerd glasses to be specific. Sinuot ko din ang teeth braces ko para kumpleto na ang aking look, a nerd look to be specific. Ang suot kong salamin ay hindi naman yung makapal, it's just a reading glass. Nakasanayan ko na ang mag disguise as nerd since high school. Kung iniisip niyo na kaseng panget ang disguise ko sa mga nerds na napapanood niyo sa mga movies, well sorry to tell you, coz I look awesome!

Pagkatapos ay dumeretso na ako sa parking lot ko, yeah I have my own parking lot dito sa bahay dahil ayaw ko na nahahaluan ng maduduming bagay ang mga gamit ko. I just chose random car na gagamitin at umalis na agad ako at dumeretso sa Bancroft University. Second year na ako sa school na yun. Business Administration naman ang course ko dahil sooner ay ihahandle ko na ang ibang negosyo ni dad.

Pagkadating ko sa university ay pinark ko ang car ko at lumabas sa kotse. I know nag-eexpect kayo na may sasalubong sa akin na mga eggs? Flour? Na parang gagawin akong pancake? Well, hindi nangyari yun. May sumalubong naman sa akin but this one is better than those I mentioned. Well, bullying a nerd nowadays? Napaka jologs na nun, sa panahon ngayon wala nang ganoon. Instead hinahanggaan na sila because of their IQ, o ang talino na mayroon ang isang nerd.

"Claire!! OMG! I miss you!" The girl with curly brown hair, tall and pretty hugged me tight. This is Ariana Sandoval, my only friend and my classmate.

"Aria, how's vacation?" Kagagaling niya lang kasi sa US, inuna pa ang vacation kaysa sa pag-aaral niya. Actually it's been a week since nagstart ang school so hindi pa siya totally behind sa class. Naka-isang pasok pa lang ata ito eh.

"Nabagot na ako dun, gusto ko na nga agad matapos yung wedding ni mom eh para makabalik agad dito" yeah, nangasawa ulit ang mom niya. American ang napangasawa nito. Matagal na din namang patay ang dad niya so pwedeng pwede na ulit mag-asawa ang mom niya.

"I know you sis" Sabi ko habang nakangisi. She's a flirt you know.

"Iba pa din ang pinoy yan lang masasabi ko" gaga talaga.

Naglakad na kami papunta sa room. Nasanay na ako na sa tuwing naglalakad ako ay madaming tumitingin sa akin.

"Hindi pa din sila naka move on? Na ang anak ng may-ari ng school ay nerd?" Taas kilay na sabi ni Ariana. "Grabe last year ganito din" dugtong pa nito.

Yeah, pagmamay-ari ni Dad ang university na ito. Hindi lang ito basta university lang because this school is for elite only.

Di ko nalang pinansin ang sinabi ni Ariana at dere-deretso lang na naglalakad hanggang sa nakapasok kami sa classroom.

Madami na ang tao dito. Nagkukwentuhan, nag-aasaran at may nagsusulat. Umupo kami sa pinakalikod at mabilis na inabot ni Ariana ang isang maliit na box sa desk ko.

Ngumiti ako at binuksan ang box. It's a watch. A white-gold rolex watch. Hinarap ko siya at mabilis na nag thank you.

"As expected sa anak mayaman, ang hirap mo pilian ng pasalubong girl, ano kayang pasalubong ang magpapawow sayo? Hmmm" natawa ako dahil seryoso talaga siyang nag-iisip.

"You don't have to do that you know." Yup, hindi na niya kailangan pang pasalubongan ako. Siya ang kaibigan ko at kinaibigan ko siya hindi para sa mga pasalubong niya. Ang generous niya din kase eh.

Naging tahimik ang buong classroom sa pagpasok ni Ma'am Ortiz! Geez kahit kailan talaga ang sungit niya at wala siyang sinisino kahit anak ka pa nang presidente.

"Ms. Sandoval" mabilis na napatayo si Aria habang may pilit na ngiti. "Yes Ma'am?" Alangan nitong sabi.

"Buti naman at bumalik ka pa. Sana ginawa mo nang isang taon ang absent mo" nagpipigil ako nang tawa dahil sa sinabi ni Ma'am.

"Sa susunod po ma'am" mahina kaming napatawa dahil sa sinagot ni Ariana. Gaga talaga!

"Sa susunod? Sa susunod wag ka na pumasok! Take your seat!" Mabilis din siyang umupo at napangiwing humarap sa akin.

"Gaad!!! Remind moko na wag na umabsent sa klase ni gurang!" Sabi nito at tinuon na ang atensyon sa klase.

The discussion went smoothly dahil lahat ay tahimik na nakikinig until a loud bang was heard inside the classroom. Lahat kami ay napalingon sa pinto dahil sa pagbukas nito nang pabagsak.

And there I saw the boys! Pero nakatuon ang atensyon ko sa lalakeng nasa unahan. He has the same face as me, mas madumi nga lang dahil sa may nose ring ito.

"You again boys?" Kalmadong sabi ni Ma'am Ortiz. "Detention now."

Nakita ko pa ang kaway nito habang may nakakainis na ngisi sa labi. Sarap suntokin.

"Thank you" nakangising sabi ng lalakeng tinitignan ko. Lumabas na sila at pabagsak na sinarado ang pinto. Like what the heck?

"Oh, so still the same?" Tanong ni Ariana.

Yeah still the same. A jerk is always a jerk. Kaya hindi kami nagkakasundo, I am making my image beautifully for my future, for our future, pero lagi niyang sinisira. I don't know why he always ruining it.

"Ms. Bancroft?" Tumayo ako at nilingon si Ma'am Ortiz.

"I want you to lecture your twin sometimes. Hindi maganda ang ginagawa niya. If you can do something then do it. Matalino siya pero hindi ibig sabihin noon ay pababayaan niya na lamang ang pag-aaral niya".

"Yes Ma'am"

Nakasalubong ang kilay akong umupo at napahinga ng malalim. What a stupid twin!
Yeah you're right! That boy is Clive. Clive Abawi Bancroft, my opposite twin!

The Opposite TwinsWhere stories live. Discover now