Chapter 5

0 0 0
                                    

>Double Date?<

***

(Claire POV)

Andito kami ngayon ni Ariana sa Cafeteria nang school. Kanina pa ko tahimik at iniisip ang narinig ko kay kambal.

"Iyon lang ba talaga ang narinig mo?" I asked Aria na busy kakapindot sa CP niya.

Nilagay niya ang cp niya sa table at hinarap ako. "Girl, kung anong narinig mo yun lang din narinig ko okay? Tsaka what's with the gangster? Like are they one?"

Gangster wannabe? Iyon lang kase ang narinig namin pero I am aware of what's happening in our city, maraming mga gang fights ang nababalita sa mga TV. That guy!! Kapag tinanong ko iyon ay hindi naman iyon sasagot ng maayos o di kaya ay lalayasan lang ako nun. Tss

"Tsaka pwede ba? Don't overthink too much. Huwag kang mag-alala kay Clive malaki na yun, think about your self, tignan mo sa sobrang kakaisip mo jan sa kambal mo eh hanggang ngayon wala ka pa ding boyfriend!"

Siningkitan ko siya nang mata. Like really? May pag-atake? Tsaka hindi ko naman priority ang bf bf ngayon. "Wow, ikaw ba may Bf? Huh?"

Ngumisi siya at hinarap ang cp niya saken. Picture ito nang isang lalakeng cute. Yeah cute. "Bago lang kami like 10 seconds ago?"

Napangiwi ako sa sinabi niya. "Hoy Aria, tigil tigilan mo na yang pakikipaglaro sa mga lalake pwede? You know karma bitch?"

"Pag anjan na yung karma eembrace ko nalang" loka loka talaga siya. Buti at naging kaibigan ko siya.

"By the way, pupunta akong mall, bibili ako nang mga stock sa condo. You know naman independent si bakla!" Oo nga pala, she's living in her own condominium. Umalis siya sa bahay nila dahil ayun sa kanya ay wala daw siyang freedom doon dahil sa mama niyang pinaglihi sa sama ng loob.

"Girl, ang laki laki ng bahay niyo bat di ka umuwi, besides nasa US naman ang Mommy mo" tumayo na kami at lumabas sa cafeteria, deretso na kami sa parking lot.

"Ayoko dun sa bahay, ang sungit ng butler na bagong kinuha na mama. Tsaka, mas mabuti na mag condo at least nagagawa ko lahat ng gusto ko, my house my rules. Tsaka next month uuwi na din si mommy kasama niya yung bago niyang husband." nagkibit balikat nalang ako at pumasok na sa kotse ko pero nagulat ako dahil pumasok din siya. "Pasakay hihi"

Loka-loka talaga, wala naman akong magagawa dahil nasa loob na siya. Nagmaneho na ako papalabas sa university, medyo malapit lang din ang mall na pupuntahan namin.

Hininto ko ang sasakyan dahil sa naka-ilaw ang red sa traffic light, pinagmamasdan ko naman sa harap namin ang ibang sasakyan na dumadaan. Right way ang aming daan papuntang mall habang sa left way naman ang daan palabas sa city.

Sa aking kakatingin sa harapan ay isang pamilyar na sasakyan ang dumaan sa harap ko, sinundan ko ito nang tingin, hindi naman napansin ni Aria ang tinitignan ko since busy ito sa kakacp niya.

Kaya imbis na sa right way ako dadaan ay lumiko ako papuntang left pagka-ilaw ng green sa traffic light.

"Girl, doon yung papuntang mall sa kabila" sabi nito nang mapansin na sa ibang daan ako dumaan.

"Wait, maya na tayo magmall" tinignan naman ako nito nang may pagtataka.

"Don't tell me may kikitain kang lalake dito? Oh my God girl!! I'm so proud of you!" Malakas na sabi nito at muling humarap sa daanan. Napangiti ako dahil biglang nagbago ang kanyang itsura sa nakita sa harap namin.

"Teka? Kay Nash yun ah?"

"Wow Aria, tanda mo pa sasakyan ng ex mo ah" pang-iinis ko sa kanya ngunit nginisihan lang ako nito. Ewan ko ba kung bakit naghiwalay silang dalawa. Hindi naman kinukwento ni Ariana sa akin ang nangyari. Maybe she's not ready to tell pa. I mean, akala ko nga sila na talaga eh.

"Syempre, minsan na kaming nag-ano jan no"

"Kadiri ka bakla! Hahaha"

I maintaining my distance to them para di halatang sinusundan ko sila, My twin is in the front, siya ang nakamotor sa kanilang lima while the others are using their own car.

Ngunit mabilis na nag U-turn ang kambal ko samantalang ang apat ay derederetsong nagmamaneho hanggang sa lumayo sila nang lumayo sa amin, habang ang kambal ko naman ay nagmamaneho pabalik at talagang sinalubong kami kaya wala akong choice kundi ihinto ang sasakyan sa gilid ng daan.

Mabilis na bumaba sa motor niya si Clive at pumunta sa harap ng kotse at senenyasan akong bumaba. Wow? Talagang ayaw niyang lumapit sa kotse ko ah. Kaya naman ay bumaba din ako at hinarap siya.

"What are you doing?"

"Where are you going?"

Magkasabay naming tanong. Sinamaan ako nito ng tingin na parang sinasabing sagutin ko siya.

"Driving?" Sagot ko sa kanya.

"Why are you following us?"

"Sino naman nagsabi sayo na sinusundan kita?" Mas lalo namang sumama ang tingin nito sa akin.

"Eh anong gagawin mo sa gubat? Magpipicnic?"

"Oo bakit masama?" Bumuntong hininga ito at muling sumakay sa motor niyang kasing itim ng ugali niya.

"Go home, kung ayaw mong tuluyang di maka-uwi yang nakakadiri mong kotse" napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Muli nitong pinaandar ang motor niya at mabilis na pinaharurot paalis.

"Girl tara na, mukhang hindi tayo invited sa party party nila eh" pumasok nalang ako sa kotse at nagmaneho pabalik. Bweset na lalake yun. Malalaman ko din kung saan sila pumupunta.

***

Andito na kami ngayon sa mall at kanina pako naiinis kay Aria kaso hindi ko lang mapagalitan. You know why? I thought bibili siya nang mga stocks sa condo niya pero ito si gaga at nakipagkita sa boyfriend niya daw kuno at hindi lang iyon, may kasama pang isang lalake ang bf niya. Double date daw!

"Ryle this is Claire my friend" pakilala saken ni Ariana sa bf niya. Nilahad ni Ryle ang kamay niya for shake hand, sapilitan ko naman itong tinanggap at bahagyang ngumiti.

"This is Timothy, my friend too" pakilala ni Ryle sa kaibigan niya. Kinindatan ako nung Timothy at nag-aalok ng shake hands. Gwapo naman sila pareho at disente tignan but still mabigat ang loob ko sa kanila.

After ko makipagshake hands ay nagkaayaan namang kumain, at itong si Aria ay talagang dito nilabas ang landi sa harap ko. This is a waste of time!

Napilitan akong pakisamahan ang kaibigan ko coz still she's my friend and wala talaga akong tiwala sa dalawang lalake na ito. Pagkatapos naming kumain ay hinatid nila kami sa parking lot ng mall at itong Timothy ay ang lapit saken, na parang ididikit na ang kanyang katawan sa akin.

"You smell good" bulong nito, kinilabutan naman ako sa sinabi niya at bahagyang lumayo ngunit mabilis nitong hinapit ang bewang ko papalapit sa kanya! Fuck! Ilang manyak pa ba ang makakasalubong ko ngayong araw?

"Hey! What are you doing?" Sigaw ni Ariana at akmang lalapitan ako ngunit mabilis siyang hinarangan ni Ryle.

Hanggang sa isang panyo ang tumakip sa bibig at ilong ko at dahan dahan ay bigla na lamang akong nanghina hanggang sa tuluyang nawala ang aking malay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Opposite TwinsWhere stories live. Discover now