Chapter 2

1 1 0
                                    

>Clive Abawi Bancroft<

***

(Clive POV)

"Fuck!" I gently massaged my head dahil sa sakit nito. Napasarap nanaman kami sa bar kagabi. Bumangon ako at pumunta sa Cr to do my thing, naligo ako dahil ang init ng pakiramdam ko. After that ay pumili na ako nang susuotin. Pagbukas ko ng closet ko ay puro itim na damit ang makikita dito.

Actually lahat ng gamit dito sa kwarto ko ay itim. Even the wall and floor of my room ay itim. Kumuha lang ako nang pulo na itim at jeans na itim. Di ko trip mag-uniform ngayon.

Pagbaba ko sa first floor ng bahay ay dumeretso agad ako sa kusina para mag almusal. Nakita ko pa na nililigpit ng mga maid ang mga nagamit na pinggan at baso. So she already ate? Tss.

Pagka-upo ka upuan ay tiningnan ko ang mga maids ng malamig.

"Get out" I said coldly at umalis naman sila sa tabi ko. Ayokong pati sa pagkain ko ay nakatingin sila. Can they just do their thing? Hindi naman sila sinasahuran ni daddy para tingnan ako sa pagkain.

After I ate ay nagprepare lang ako saglit ng gamit ko at pumunta na sa parking lot ko. I also have my own parking lot. Yung sa kanya nasa kabila. She said ayaw niyang dumidikit ang mga gamit ko sa kanya, which is same as mine. I also don't want some white things here. Kung mahilig siya sa car? Mahilig naman ako sa mga big bikes!  o motor! These are my collection at sariling pera ko pa ang ginagamit ko para makabili. Hindi ako umaasa sa pera ni dad.

After ko makapili ay nagdrive na ako papunta sa school which is Bancroft University. Pagpark ko ay hinanap ko agad ang mga boys. Some girls are looking at me like I am naked in front of them and I'm used to it. Sa araw-araw ganito lagi ang naabutan ko.

Dumeretso ako sa cafeteria since doon ang tambayan namin. Pagpasok ko ay nakita ko ang apat na kumakain. Axel, Nash, Harry at Lance. My squad!

"Yow! Buti nagising ka pa? How's hang-over?" Ngising tanong ni Nash. Tinanguan ko lang sila at umupo sa vacant seat.

"Gago pre! Lupit ng babae kagabi ayaw paawat, gusto pa ng ilang rounds!" And this is Axel. Hobby niya na ang mag-uwi ng mga babae sa condo niya. Buti nga di pa siya nagkakasakit eh.

"Kadiri ka bro! Tigil-tigilan mo na yang bisyo mo" Harry said while facing his holy laptop. His a techy.

"Gago! Eh kung basagin ko kaya yang laptop mo?"

"I still have more" bagot nitong sabi. Haha

Lance on the other hand is just enjoying his coffee. Madalas lang magsalita yan pero malupit.

"Look Nash oh? Nasa school website yung ex mo" tinapat ni Harry ang laptop sa harap ni Nash at tinignan naman niya ito.

"Ganda talaga ng kambal mo bro. Pwede ko ligawan?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Nash kaya inagaw ko ang laptop at hinarap sa akin.

"Gago! Yung ex mo tinutukoy ko pero si Claire nakita mo? Bitter pa rin?" Pang-aasar ni Harry kay Nash.

Nasa school website nga si kambal kasama si Ariana. Tama, ex ni Nash si Ariana. Di rin niya nakwento bat sila naghiwalay. But I guessed it has something to do with Ariana's attitude since magkapareho sila ni Axel ng ugali.

"Do what you want, beside di ka naman sasagutin niyan" I said at binalik ang laptop kay Harry.

"Eh yung ex mo? Pwede ko ligawan?" Lahat kami ay napalingon kay Axel but Nash is looking in him like he was angry.

"Gago! Ikaw manliligaw? Saan banda?" Pang-aasar ni Nash kay Axel

"Eh bat concern ka? Don't you think bagay kami? Like pareho kami, wild in bed" ngising sabi ni Axel.

I stood at niyaya na sila lumabas. Pikon pa naman si Nash baka mapikon kay Axel at magsuntokan pa sa harap ko baka dalawa pa sila masuntok ko.

"We're late" maikling sabi ni Lance at inakbayan lang ito ni Nash.

"Di ka pa nasanay?"

Pagkadating namin sa labas ng room ay sinipa ko ang pinto. Pumasok ako at lahat sila ay napatingin sa gawi namin. Kahit na teacher namin si Ma'am Ortiz ay di ako natatakot. Di naman ako tulad nila.

"You again boys?" Hinarap ko si kambal at kumaway habang may pang-asar na ngisi sa labi. Kita ko naman ang pagsalubong ng kilay nito. As expected.

"Detention now" hinarap ko si Ma'am at nginisihan din siya.

"Thank you" after that ay lumabas na ako.

Pero bago pa ako makalakad palayo ay narinig ko pa ang sinabi ni Ma'am Ortiz sa kambal ko.

Napangiti ako but deep inside it was a bitter smile. I don't hate my twin. I just can't accept something she pursuing. To be like my mom and dad? To be a god damn business woman??

My Mom died years ago because of a plane crash. She has business to attend in other country but she died. My Dad works so hard, kaya hindi niya na nagagawang umuwi sa bahay para makita o kamustahin man lang kami. As I said I don't want their money. I can have my own. What I want is their presence.

And that's why I hate what my twin is pursuing. To be a god damn business woman and of course to leave me too because she prefers her career more than her twin. And I'm sure of that.

That's why I turned to be the exact opposite of her. Just to get her attention. I don't want that someday she will be like my mom and dad. I don't want her to leave me.

"Bro tara na" nabalik ako sa ulirat ng akbayan ako ni Axel. "We have to go to Hidden City. Harry said may nanggugulo daw dun"

Tamang tama, gusto kong manggulpi ngayon. Kaya naman ay nagkanya-kanya na kami nang punta sa aming mga sasakyan at nagmaneho palabas ng school.

Hidden City is our territory, at walang sinuman ang dapat manggulo doon kundi kami lang. Hidden City is just an underground bar. May mini arcade din sa loob at restaurant at mini arena. Kaming lima ang nagmamay-ari ng lugar na nakapangalan sa iba. Iba din ang nagmamanage dito.

Hidden City is known in gangster world as well as assassin pero mas madaming gangster ang tumatambay dito. Tama, hindi lamang kami mga elite. We are assassin too. Hindi ito alam ni kambal. Tago ang pagiging assassin ko at ito ang source of income ko.

Pero si Dad? I know na pina-iimbistigahan niya na ako, hanggang jan lang din naman ang alam niya. Ang mag-utos ng iba para tignan kung anong lagay namin ni Kambal.

Pagkadating namin sa hidden city ay napakaraming tao sa loob, halata din na may nangyayaring gulo dahil kaliwa't kanan ang nagsusuntokan.

"Sinong may lakas ng loob na gumawa nang gulo dito?" Nash said. Lahat sila ay nahinto sa kanilang mga ginagawa at napatingin sa gawi namin.

Pumasok ako sa loob at hinamas ang aking kamao. "Now who wants to get hurt?"

The Opposite TwinsWhere stories live. Discover now