Chapter 3

0 1 0
                                    

>What A Life<

***

(Claire POV)

"Bye sissy!" Nagbeso kami ni Ariana bago ako tuluyang pumasok sa kotse ko at nagmaneho pauwi. Bored right? Bahay-school lang naman ang buhay ko, nakakapagpasyal lamang kapag inaya ni Aria mag mall or kung anong trip niya.

Pagkadating ko sa gate ay dahan dahan itong binuksan ng mg guards. Habang naghihintay ako na sa tuluyang pagbukas ng gate ay napansin ko ang pagdating ni Clive. Nakasakay ito sa motor niya at talagang tumabi sa sasakyan ko ang motor niya. Gusto niya atang gasgasan ang sasakyan ko?

Pagkabukas ng gate ay humarurot ito nang pasok na akala mo nasa isang race siya. Pagkadating sa harap ng bahay ay lumabas na ako at binigay ang susi nang kotse ko sa isang guard para ipark ang kotse ko. Papasok na sana ako sa loob ng mapansin ko ang isang tao na nakatayo sa harap ng pinto nang bahay.

Si Butler Klanz, simula noong bata kami ay siya na ang butler namin at ngayong malaki na kami at narito pa din siya sa bahay at binabantayan kami kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanya. May hawak hawak itong cellphone habang nakatingin sa akin bago lumipat ang tingin sa kadarating lang.

Ngayon ko lang napansin na may iilang galos siya sa mukha, ano bang pinaggagawa nang kambal ko?

"What happen to you?"

"None of your business" napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Ni hindi man lang ako nito nilingon. Bastos talaga! Hindi ko na alam ang gagawin sa kaniya.

"Young master, Young lady, yung papa niyo po tumawag. Gusto kayo maka-usap." Muli kong nilingon si Butler Klanz, at tinignan ang hawak niyang cellphone.

"Kausapin mo si Dad. I'm tired gusto ko na magpahinga" malamig na sabi ni Clive, wala na akong nagawa nung dere-deretso itong pumasok sa bahay. Nakita ko pa ang pag-iling ni Butler Klanz at pagbuntong hininga.

Inabot ko ang cellphone at kinausap si dad.

"Hello Dad."

"Hello Princess, kamusta kayo jan? Ang kapatid mo kamusta?" Pinigilan kong umikot ang mata ko sa tanong niya. Siguro kung sasabihin kong hindi kami okay ay uuwi siya? Every time na tumatawag siya ay lagi na lamang ganito ang mga tanong niya.

"Dad, we're okay, we're doing fine." Kahit naman masama ang loob ko sa kanya he is still our father, kailangan respetuhin pa din namin iyon.

"That's good to know..."

"Kailan ka uuwi Dad? It's been how many years already? Since mom died hindi ka na umuwi dito. Malapit na din ang birthday namin ni kambal. We miss you specially Clive" pagputol ko sa kanya. After mamatay ni Mom ay nagpakabusy na siya sa mga trabaho niya, nakalimutan niya na nandito pa kami. Tss.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "I can't anak. Hindi pa ngayon, masyado pa akong madaming inaasikaso." He said. I expected na iyon ang sasabihin niya, well lagi naman niya yung excuse but hearing it again ay talagang nakakawalang gana.

Binigay ko na ang cellphone kay Butler Klanz, tinamad na din akong kausapin siya. "Just said I'm tired too. Thank you Butler Klanz" tuluyan na akong pumasok sa bahay. Buti pa si Butler Klanz, mas naging daddy pa siya sa amin.

Pagpasok ko ay nakita ko si Clive na kasalukuyang nanonood ng tv sa salas habang nakadampi sa pisnge nito ang isang nakasupot na yelo.

Naalala ko ang sabi ni Ma'am Ortiz, kaya lumapit ako at umupo sa katabi nitong sofa pero bago yun kinuha ko muna ang remote at nilipat ang channel. Ayoko nang pinapanood niya, horror! Kaya nilipat ko sa isang reality show.

"What the hell? Didn't you know I'm watching. Give me the remote" nilahad nito ang kanang kamay pero tinignan ko lang ito.

"Makinig ka muna sa akin" huminga ito at binawi ang kamay saka tumayo at akmang pupunta sa taas ng biglang hatakin ko ang braso nito at sapilitan siyang pina-upo.

"I am still your ate Clive kaya pwede ba makinig ka muna?" I am trying to control my temper here.

"Ate mo mukha mo, 5 minutes lang pagitan natin"

Sarap manabunot!

"Ano bang pinaggagawa mo Clive? Just for once pwede umayos ka naman? You think this is cool? You think that" sabay turo ko sa mga pasa niya "is cool?"

Tinignan ako nito nang seryoso, sa laging ginagawa niya ito ay hindi ko maitatanggi na talagang magkamukha kami. "As I said I'm tired kaya pwede lubayan moko?"

Tumayo na ako at binigay ang remote sa kanya, hindi pala binato! Pero bilib din ako dahil mabilis niya iyong nasalo. "Clive ayusin mo ang pag-aaral mo, kahit yun lang"

"Basic, baka nakakalimutan mo top 2 ako sa buong university? Kapag pumasok pa ako nang maayos baka maagaw ko ang spot mo"

Yup, hindi man halata pero talagang may maipagmamayabang siya sa academics, matalino talaga siya, kahit minsan lang siya pumasok kaya niya pa din iperfect ang mga exams niya.

"One more thing, huwag mong ididikit yang mga itim mong sasakyan sa akin, kung ayaw mong sunugin ka yan" iyon na lamang ang sinabi ko at umalis na sa harap niya.

Bahala siya sa buhay niya, malaki na siya. Kaya niya na ang sarili niya. Pagpasok ko ay inopen ko ang laptop ko at nagcheck ng mga emails. Yung ibang negosyo kasi ni papa dito sa pinas ay sinabi niyang ako na ang bahala mag check, training na din daw para kapag sumabak ako sa mundo ng business ay madali na lang.

Sa pagchecheck ko ay nalipat ang tingin ko sa isang picture frame katabi nang laptop ko. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Picture namin ito noong 7th birthday namin ni kambal. Naka-akbay si Dad kay Mom samantalang nasa harap kami ni Clive, nakapiggy back ride ako sa kanya. Ansaya pa namin dito, lahat kami ay malapad na nakangiti. This is the last picture namin bago mawala si Mom.

Lumabas ako sa kwarto dahil sa dinner na. Pagkadating ko sa mesa ay naroon na si Clive at kumakain, nakasuot nanaman ito ng itim na kasuotan, jacket to be specific. Sumabay na din si Butler Klanz sa amin sa pagkain.

"Get out" as usual, ayaw ng kapatid ko na nakatayo ang mga maid at pinagmamasdan kaming kumain. Nakita ko si Butler Klanz na sinenyasan ang mga maid na umalis.

"San punta?"

Hinarap ako nito nang nakasimangot. "To the moon"

Napataas ang kilay ko sa sagot niya."sama ako" wala naman akong ginagawa kaya sasama ako, total gusto ko din malaman kung saan ang punta niya.

"What if ayoko?"

"Wala kang magagawa, susundan kita" ngisi ko sa kanya at muling kumain.

"Seriously? What's wrong with you today? Kulit mo ngayon ah." Tahimik akong napatawa sa sinabi niya. "I change my mind, di na ako aalis" dugtong pa nito.

Nauna akong matapos kumain at umalis na, iniwan ko na sila doon at dumeretso na sa kwarto ko. Huminga ako nang malalim at pumunta sa veranda ng kwarto ko. Tinignan ko ang mga stars sa itaas at pinagmasdan ang mga ito at bigla na lamang pumasok sa isipan ko ang mga nangyari ngayong araw. "What a life" bulong ko habang tinitignan ang munting mga bituin.

The Opposite TwinsWhere stories live. Discover now