3.1

2.9K 72 0
                                    


3.1

Minulat ko ang aking mga singkit na mata. Masakit ang buong katawan ko lalo na sa gitna ng aking mga hita.

Bigla kong tinignan ang aking mga kamay. Nagkaroon ng marka ang aking kamay dahil sa mahigpit na tali ng sinturon.

Tinignan ko ang nasa ilalim ng aking mga kumot.

Dugo?

Hanggang nag-flashback lahat ang mga nangyari. Bigla na lang akong lumuha. Binenta ako ni Tatay sa isang hindi ko kilalang tao. Teka hindi nga ba?

Tinignan ko ang picture sa isang lamesa.

Chase Santos Montemayor
CEO of Montemayor Empire.

Oo naalala ko na.

Flashback

St. James University

Kumakain akong mag-isa sa canteen ng paaralang ito. Siyempre wala pa akong kaibigan. Transferee kasi ako dito. At isa pa recess namin kaya sulit sulitin ko nalang ang

''Girl mag-isa ka lang?'' Sabi ng babae. Maganda siya. Mayroon siyang kulay tsokolateng mga mata,katamtamang ilong, at mapupulang mga labi.

''Ah eh...." Nauutal na sabi ko.

'' I O U'' Tuloy niya. May pagka pilyo rin pala siya

''Oo mag-isa lang ako.'' Sabi ko naman.

''Can I sit with you?" Tanong niya.

"Siyempre naman." Sagot ko.

Biglang nagkaroon ng mahabang katahimikan.

"Ah Girl, Ano pala name mo?" Tanong niya.

"Ako si Rain Sandoval." Sagot ko.

"Rain as in ulan. Ako nga pala si Angela Psyche Meneses." Sabi niya.

"Ano pala section mo?" Tanong niya.

"4th year Section I." Sabi ko.

"Ay sayang section II ako. Ok lang magkalapit tayo ng room. Ay samahan mo mo na lang ako mamayang lunch break sa basketball court papanoorin natin si Papa Cleo ko. Hihihihi" humahagikhik na sabi niya.

"Yup naman sasamahan naman kita." Sabi ko.

"Yes makikita ko nanaman ang mga juicy muscle niya. Ang sarap siguro papakin." Sabi niya ulit na humahagikhik.

"Puro ka talaga kalokohan." Sabi ko na natatawa na sa itsura niya.

"Tse sige na magmula na ngayon BFF na tayo ha."

"Oo na."sabi ko naman.

Biglang tumunog ang bell.

"Got to go na see yah around." Sabi niya na may pagka-slang ang boses niya.

Pumunta naman ako sa aking classroom.

Ayun pagkatapos ng tatlong subjects lunchbreak na.

"Girl tara na." Sabay hila sa akin papunta sa basketball court.

Basketball Court

"Ayan na girl." Sabi niya paglingon ko iba ang napansin ko. Si Montemayor 1. Ang laki ng mga biceps. At ang tumutulo niyang pawis na nakapagdadagdag ng hotness niya. Sheeet ang gwapo dagdag points ang matangos niyang ilong, singkit na mga mata at higit sa lahat ang mapupula niyang mga labi.

"Huy matutunaw na sa titig si Chase diyan ha." Sabi niya na parang may gustong malaman.

"Ha hindi yung...... yung............yung"

Hindi ko na pala natuloy dahil sa pagtili ni Angela.

"Baby ko!!! Eto oh bimpo at tubig." Sabi niya kay Cleo yata to.

"I don't need those bitch." Sabi ni Cleo.

Biglang nabawi ang ngiti niya ng isang malungkot na mukha.

"You didn't tell me that you have a pretty friend here." Sabi ni Mr. Montemayor 1.

Naramdaman ko namang namula ang pisngi ko.

"Bro look at her she is blushing. Hi I'm Cleo Dela Cruz." Abot niya ang kamay niya sa akin.

"Rain Sandoval." Nakipagkamay naman ako sa kaniya.

"Chase Montemayor." Abot naman ni Mr.Montemayor 1.

"Halika na nga nakakabwisit ang hangin dito." Sabi niya tapos hinila niya ako papuntang canteen.

Canteen

"Alam mo yung feeling na yung crush mo tinawag kang bitch. Buti pa ikaw pinansin niya." Sabi niya na humahagulgol sa iyak.

"Ah Bestie sino pala yung Chase Montemayor" tanong ko naman.

"Ahh siya kasi yung Team Captain ng St. James Thunderbolts." Sabi niya naman

"Teka lang kanina ko pa napapansin ha. Crush mo ba siya?" Sabi niya.

Crush?

Hindi siguro ,pag-aaral muna ang aatupagin ko.

***
A/N:
Sorry for typos and grammar errors.
Chase's photo right there.

Owned by Mr. Chase MontemayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon