3.2

2.8K 73 0
                                    


3.2

"Teka lang kanina ko pa napapansin ha. Crush mo ba siya?" Sabi niya.

Crush?

Hindi siguro ,pag-aaral muna ang aatupagin ko.

Hindi ko sinagot ang kaniyang  tanong sa halip nagkaroon ng mahabang katahimikan.

"Ah girl kung wala ka namang sasabihin pwede mo namang sabihing no comment hindi sa nag-aantay ako ng isang sagot na magmumula sa bibig mong pipi. Malay ko ba na ang  bestfriend ko eh pipi na ang peg." Sabi niya na siyang nagwasak ng mahabang katahimikan.

"Ahhh sige na may klase pa tayo. Alis na ako babye."

Bigla niyang hinila ang kamay ko.

"Crush mo no? Ayiiie. Dalaga kana at least alam ko na ngayon na di ka tomboy." Sabi niya

"Tomboy?"

"Oo tomboy as in lesbian. Yung babaeng pusong lalake. Don't tell me na hindi mo alam ang ibig sabihin non kala ko ba section 1 ka?"

"Hala alam ko naman ang ibig sabihin non. Ang hindi ko nga lang tanggap ay nagdududa ka sa pagkababae ko eh." Sabi ko na arteng umiiyak.

"Ehhhh sagutin mo na nga ang tanong ko crush mo ba siya?" Tanong niya ulit sa akin na kinukulit niya akong sabihin ang totoo.

"Oo na crush ko na. Masaya ka na?" Galit na sabi ko. Pano ba naman kasi ehh napilitan lang naman akong sabihin sa kaniya.

"Kyaaaaah. Teka tanong ko lang may BF ka na ba?" Tanong niya sa akin.

"Wala pa. Eh ikaw?" Tanong ko naman sa kaniya.

"What? You are a member of NBSB. My god naman sa ganda mong yan."

"NBSB? Ano yun?"  Tanong ko sa kaniya

"NBSB as in No Boyfriend Since Birth. Rain kailangan mo na talagang magpaturo ng latest words,expressions at kung ano pa man."

So hindi siya NBSB. Aba may boyfriend na to.

"So ikaw hindi ka na member ng NBSB?" I asked her.

"Hindi na no. Sa ganda ng diyosang ito." Bigla siyang napatigil.

"Best may ipagtatapat ako sayo."  Tuloy niya.

Hindi ko mabasa ang kaniyang mukha. May halong lungkot na para bang nag-aalala.

"Oh ano? Na Tomboy ka?" Tanong ko naman.

Napalitan namam ng tawa ang mukha niya.

"Gaga hindi no. Kahit na maraming nanligaw sa akin iisa pa lamang ang naging boyfriend ko. Alam mo bestie siya lang ang minahal ko sa buong buhay ko at hanggang ngayon mahal ko pa rin siya." Sabi niya na halatang may halong lungkot ang boses niya.

"Gusto mo malaman ang tinutukoy ko? Ang tinutukoy ko ay walang iba kundi si Cleo Dela Cruz ." May luha ng lumabas sa kanyang mata.

Naging sila rin pala ni Cleo

"Alam mo kahit na ang habol niya sa akin x ang katawan ko minahal ko pa rin siya." Patuloy na umaagos ang kaniyang luha.

"Bakit ba tayo nagdradrama punta na tayo sa ating mga classroom." Sabi niya.

"Teka lang so ibig mong sabihin katawan. Binigay mo na ang iyong v card sa kaniya?" Tanong ko.

"Yup. Alam ko tingin mo sa akin marumi. Pero binigay ko sa kaniya dahil mahal ko siya."

Hanggang sa  nagring na ang bell.

Ilang subject din ang natapos at uwiin na.

"Girl nabalitaan mo na?"salubong sa akin ni Angela.

"Si Chase raw pupuntqng Amerika. Doon na raw siya mag-aaral."

End of Flashback.

Ahhh oo siya pala yung crush ko noong high school sa St. James.

Bigla gumuhit ang labi ko ng isang ngiti so ibig sabihin yung crush ko ang nakakuha ng virginity ko.

Hindi ito tama dapat ibibigay ko lamang ang sarili ko sa mahal kong lalake.

Lumabas ako sa kwarto. Infaireness maganda din naman dito. Malaki ang bahay. Hanggang naisipan kong tumakas.

Bumaba na ako sa hagdan at pupunta na sana ako sa pintuan. Pagbukas ko ng pinto agad tumambad ang isang mamang matangkad.

"Ma'am saan po kayo pupunta?" Tanong ng mama.

"Eh di saan pa uuwi na ako." I rolled my eyes to him.

Tatakbo na sana ako ng hablutin na ng mama ang mga kamay ko.

"Ma'am hindi raw po dapat kayo makakaalis ng bahay sabi po ni Master." Sabi ng mama na siyang ikinagalit ko.

"At bakit hindi naman aber."

"Pag-aari ka raw po ni Master." Sabi niya

Pag-aari?

***
A/N:
Sorry for typos and grammar errors.
Alam ko medyo sabaw ang updates. Sareh naman. At di ko alam kung may nagbabasa po sa story ko. Picture of Cleo over there.

Free to Vomments

Owned by Mr. Chase MontemayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon