"BJ yung phone!! Kanina pa tawag ng tawag yang mga babaeng yan ah!! Wala na bang katapusan 'to?? huh?? Ipapaputol ko ang connection natin pag di tumigil yang mga yan!!!"
Oh God! Pwede bang papaghingahin nyo naman ako?
"BJ is not around, sorry." I answered the phone and hung up. Pero hindi ko na binalik ang phone sa lalagyan. I don't want to hear another ringing again. For sure tatalakan na naman ako ng madrasta ko. And I'm freaking tired of hearing her voice whole day.
I went to my room and slammed the door. Mabuti na nga sanang ipaputol na nya ang connection. Akala nya ba sya lang ang naiinis sa oras-oras, minu-minuto at sigu-sigundong pagtawag ng mga babaeng yan na wala namang ibang sasabihin kundi nonsense? And how did they even know our number?! Nakakainis talaga ang mga babae! They're annoying!
And my step mother is far more annoying than them all.
Wala naman ibang ginawa kundi pumunta sa salon, magsugal sa casino, mag-spa, at magtatalak dito sa bahay. Perfect right?
I jumped on my bed and hugged my pillow. Gusto ko pang matulog, wala akong ganang pumunta sa school ngayon. Well, not only now but everyday. I hate people's unnecessary attention. I hate being stared at when I walk and I hate stalkers and....
*Riinnnnggggggg! Riiinngggggg!!*
Ugh! Pati cellphone number ko nakukuha ng mga babaeng yan! Araw-araw na nga akong nagpapalit ng number eh! Paano ba nila nakukuha ang mga details na to sakin? I just freaking hate it! I hate it all!
*knock*knock*
"Xion Bartolome Josef Salas! Kung wala kang balak pumasok sa school wala akong pakialam!! I'm going to the Salon and you're going to tell your dad that I need money!!" Ugh! This is crazy!! Bakit ba naman kasi sa lahat ng babaeng pipiliin ni Dad isa pang mukhang pera pa na tulad nya?!
"Xion Bartolome Josef are you listening to me?! I need the money now!!!"
Why don't you tell him yourself, b*tch!
"XION BARTOLO--"
"Alright!! Alright!!" Inis na kinuha ko ang cellphone at tinawagan si dad. "Hey dad, mother needs money. Cash. Right now. What?! Ok fine, whatever!!" Inis na tinapon ko ang cellphone sa kama at kinuha ang wallet ko. Tch.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at inabot sa kanya ang cash na hinahangad nya. Nakangiting kinuha nya ito agad at umalis.
What an ANGEL. =_____=
I slammed the door behind me and jumped to my bed again. Pero hindi pa nga ako nakakaisang binuto tumunog na naman ang cellphone ko. I-o-off ko na sana nang makitang hindi pala isa sa mga 'stalkers' ko ang tumatawag. It was my younger sister Xianna calling.
"Hello baby?" I answered the phone. Sa lahat ng babaeng kilala ko, si baby Xianna lang talaga ang mahal ko. And I envy her alot... She's not with me, or dad and that monster step mom, she's living with grandpa. Gusto ko nga sanang sundan na rin sya dun eh, pero ayaw akong tanggapin ni lolo, ayaw raw nya ng maraming gulo dala ng mga babaeng susunod sakin. As if naman gusto ko nitong buhay ko ngayon. =__________________=
"I told you I'm not a baby!!" I heard her scream on the phone.
"Right. So bakit ka tumawag?"
"Another poser appeared! Haha! And nadagdagan na naman ang pages mo!!"
"Huh? Baby, I don't understand you. What poser? What page?"
"DUH!! Kuya, where are you ba? In planet Nemik?? I know wala kang facebook but can't you live like a normal human being?? Duh!!" She said and hung up. Tss. Ano ba naman yan, normal human being?! Am I not normal?
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ng isang NBSB
Teen FictionN-o B-oyfriend S-ince B-irth ganyan ako. Pero hindi naman yan probldma eh. Ano ngayon kung neverlalu akong nagkajowa? Paki mo ba. :P