-Nobody's POV-
"Mama!" Umiiyak na hinabol ni Xion ang kanyang ina na noon ay hawak-hawak sa braso ang natutulog na si Kimberly.
Napalingon si Berlie sa batang lalaki.
"Umuwi ka na Xion. Sinabi ko na sayo hindi ba, hindi ako ang nanay mo!?" Sigaw niya sa bata habang pinipilit na huwag umiyak sa harap nito.
"I don't believe you! Saan mo dadalhin si Kimberly!!!" Pilit pa ring habol ni Xion sa ina. "Why are you taking her instead of me?"
"Because she's my daughter!! Hindi kita anak...At hindi kita mahal, so go!! Umuwi ka na at huwag mo na kaming sundan!!" Sigaw ni Berlie. Totoong anak nga niya si Kimberly, pero hindi totoong hindi niya mahal si Xion na siyam na taon din niyang inalagaan at kasama.
"Is that true?" Humahagulgol na iyak ni Xion. Muntik-muntikan na ngang madala si Berlie, ngunit pinigilan niya ang sarili. Kailangan niyang alalahanin ngayon ang kalagayan at kaligtasan ng tunay niyang anak na ilang taon niyang tiniis at iniwan.
"Yes, that's true. Now go away! I don't even like you! I don't care about you! Go!!" Pilit niyang tinataboy ang bata kahit na sa loob-loob niya ay nawawasak ang kanyang puso.
"I hate you.... I hate you!!" Sigaw ni Xion at tumakbo pabalik sa kanyang pinanggalingan. Umiiyak na si Berlie. Pero hindi pwedeng mag-breakdown siya lalo na at nanganganib ang buhay ng anak niya mula sa mga tauhan ng asawang si Xander.
Nalaman ng asawa niyang si Xander na nagkaroon siya ng anak sa dating tauhan nitong si Kanjo. Ipinapatay nito si Kanjo ng mismong gabing iyon at nalaman ito ni Berlie kaya agad na kimuha si Kim para iligtas ito. Sa pagkakakilala niya kay Xander, kaya nitong gawin ang lahat. Maaari nitong ipapatay ang walang kamuwang-muwang na bata, at iyon ang hindi niya mapapayagan.
Nakasakay agad sila sa isang bus papuntang La Paz. Hindi man kabisado ni Berlie ang lugar na iyon, hindi na niya ito inalala. Ang nais lamang niya ay mailigyas ang kanyang anak ngayon.
"Mama?" Nagising na pala si Kimberly. "Bakit ka umiiyak mama?" Hindi niya masagot ang bata. Ngayong araw lang din nito nalaman ang katotohanan tungkol sa kanila.
Lalo pa siyang napahagulgol ngayon. Niyakap siya ni Kimberly. Niyakap niya rin ang bata. Ang batang ito, ang iniwan niya ilang taon na ang nakalipas, gagawa siya ng mga bagong alaala kasama ito.
"Mama!!" Napasigaw si Kim nang maramdaman ang malakas na impact ng sinasakyan nila. Awtomatikong napayakap siya rito ng maramdamang parang nahuhulog ang sinasakyan nila. Nagpapanic na rin ang ibang pasahero. Pero huli na nang maramdaman niya ang mga mabibigat na bagay sa kanyang likod. Nawalan na sya ng ulirat.
-----
-Author's POV-
"Aray..." Nasapo ni Kim ang kanyang ulo. Bigla na lamang kasi siyang nakaramdam ng sakit.
"Angyare sayo best?" Mabilis na dulog sa kanya ni Ellie.
"Wala, ang sakit lang ng ulo ko bigla. Pero okay na ako."
"Kala ko naman ano na. Ahehe. Tingnan mo to oh!" Turo nito sa picture ng isang lalaki sa computer. Nandito sila sa Computer Laboratory ng school.
"Sino yan?"
"He's called Choi Jong Hoon."
"Di ba member sya ng FT Island? Yung guitarist? Yung asawa ni Momoxhien Clarkson? Yung Sync Mnemosyne?"
"Oo na, ikaw na maraming alam!" Medjo pasinghap na sabi nito.
"OA mo maka-reak."
"OA na kung OA basta hindi ako dineadma ng crush ko!! Bleeh!!"
BINABASA MO ANG
Ang Kwento ng isang NBSB
Novela JuvenilN-o B-oyfriend S-ince B-irth ganyan ako. Pero hindi naman yan probldma eh. Ano ngayon kung neverlalu akong nagkajowa? Paki mo ba. :P