Aisha PoV.
"Iyan ba ang natutunan mo sa pananatili mo nang matagal sa ibang bansa? Ang pambabastos ng tao?"
Galit na sabi sakin ni mommy nang makaalis na si Adrian.Huminga ako ng malalim. Itinaas ko sa ere ang aking dalawang kamay. "Mom, empleyado natin si Adrian. Ano ang ginagawa nya dito??"
"I broke my car on the way to the parlor. Tinawagan ko sya. At tinulungan nya akong mapaandar ang kotse ko. Anong masama room?" Sabi nito saakin.
"You could have called a mechanic." Ako
"He was a mechanic bago sya mapromte ng daddy mo sa factory." Si mommy."So naayos nya ang kotse mo. At iyong eksenang nadatnan ko dito kanina paano ninyo ipaliliwanag saakin iyon?" Tinutukoy ko ay ang naudlot na halikan ng dalawa kanina.
Hindi agad sumagot si mommy at lumingon sa pool.
"Mommy. Hindi ko Alam kung bakit patuloy parin ninyong ineentertain ang lalaking iyon. And you are behaving like.....like...."
Hindi ko maituloy tuloy ang gusto kong sabihin, syempre sya parin ang ina ko kahit na ano pang mangyari."Adrian is nice, Aisha. He can make me laugh."
Marahang sagot ni mommy saakin."Thunder is nice, mommy. And he can make you laugh also." Na ang tinutukoy ko ay ang aso namin.
"Aisha!" Napataas ang boses nitong lumingon saakin. Pagkatapos ay malungkot na umiling. "Your father spoiled you. At ganon din ang mama." Sabi nito saakin.
"But you are not behaving like a dignified widow. Ngayon ko nabigyan ng katwiran ang ginawa ng daddy sa mga naiwan nya." Ako.
"Wala akong ginagawang masama, Aisha. Ang isip mo ang masama. At tungkol sa last will ng daddy mo ay duda akong sya ang may gusto non. Idinikta iyon ng mama, nag Lola mo" lungkot at galit ang nasa tinig nito "kahit kailan ay hindi nya gustong ako ang mapangasawa ni Ricardo."
Isinaad ng huling testamento ni daddy na ang lahat ng mga ari-arian nito ay ipinamanang lahat saakin. Bilang kaisa-isang anak.
Si mommy naman ay tatanggap ng monthly allowance.
Malaki ang substantial nito sa pangangailangan nito subalit mapuputol sa Sandaling mag asawa itong muli.Ipinagtaka ko ang habiling iyon ni daddy subalit ng bandang huli ay napag isip-isip ko na ang lahat ng aming kayamanan ay nagmumula kay Lola. Ang mama ni daddy. At buhay pa si Lola. Sa amerika na naninirahan kasama ni tita melody ang bunsong kapatid nila daddy. Pag- aari ng pamilya nila daddy ang import-export business ng mga accessories.
BINABASA MO ANG
love or lust?
Romance"shake the hands of the brand new fool" ito ang sinabi ni Aisha sa sarili nang pumayag sa alok ni Xander na mag live-in sila. Walang balak ang palikerong lalaki na pakasalan sya pagka't ayaw nito ng commitment. "arrogant little witch," ang tawag ni...