Aisha PoV.
Matapos ipaliwanag saakin ni Nana Norma ang lahat, inaya na nya akong pumasok sa loob para maituro sakin ang pasikot sikot sa bahay. At para maiayos ko na ang gamit ko sa kwarto 'namen' oo NAMEN kace magkasama kame sa kwarto ni Nana norma, syempre Hindi ako pumayag na sa quarters room tumuloy.
Nang gumabe na ay tinulungan ko na magluto si Nana Norma ng aming hapunan. At sakto namang may dumating na lalake nung patapos na kame.
"Oh! Andoy anjan ka na pala, tulungan mo na kameng maghain at kumain na tayo." Si Nana Norma.
"Kadadating ko lang po. Oh mukang may bago tayo kasama ah! Anak mo Nana Norma?"si andoy.
" Hindi, sya ang bagong housemaid, kapalit ni menchi."Nana Norma.
"Hello po, ako nga po pala si aisha." Sabay lahad ng aking kamay upang makipag shake hands sakanya.
"Ah! Andoy,.. Kuya andoy nalang itawag mo saken." Sabay abot ng aking kamay.
"Nice meeting you, po Kuya andoy." Nginitian nya nalang ako.
"Oh! Kumain na tayo." Sabi ni Nana Norma, kaya naman naupo na kme ni Kuya andoy.
"Sya nga pla Aisha, yung nakita mo kanina ay si Xander. May isa pa sya kapatid. Si Alex. Kambal sila at magkamukhang-magkamuka.
Ang babae naman kaninang kasama kong dumating ay si Jessica. Ang kasintahan ni Xander at nakatakdang pakasalan." Kwento ni Nana Norma habang inaayos ko ang aking higaan, Hindi ko na sya sinagot pake ko ba sakanila.?Habang nakahiga ako.. Hindi mawala sa isip ko muka ng lalaking iyon, at naisip ko. Nakatakda na pala itong pakasal?.
Hmmm... Diba nga wala akong pake?. Maka tulog na nga lang.(Kinabukasan)
Habang nagliligpit ako ng higaan may narinig akong maingay sa labas. Ano kaya yon.? Kaya mabilis na akong nag ayos ng sarili, bago bumaba.
"YOU BETTER DO IT NOW!, BECAUSE MY PATIENT IS RUNNING OUT!"
Nakita kong hiyaw ni Xander sa cell phone nya, at pinatay na ang tawag. Umupo ito sa sopa sabay himas sa sintido nya.Ano kayang problema nun?.. Well ako naman ay pumunta na ng kusina para magtimpla na ng kape. Habang nagtitimpla ako ay naisipan ko rin na ipag timpla sya ng kape.
"Sir, kape po" sabay lapag ng kape sa table na nasa harapan nya.
"K,thanks." ..k dot bulong ko sa isip ko habang naglalakad pabalik ng kusina, nakakaasar naman nag effort pa ko sa pagtitimpla ng kape tapus ung lang sasabihin, k,thanks. Tsk.tsk.... Well ano pabang inaasahan ko ?? Eh maid nga lang pala ako dito.Habang nagiisip ako ng kung anung mga pwedi Kong gawin, sya namang dating ni Nana Norma na may dalang mga nakasupot.
"Tulungan ko na po kayo." At kinuha ko ang ibang dala nya tsaka nilagay sa lamesa.
"Salamat.. Paki lagay narin sa ref. Ang mga karne." Sabi ni Nana Norma.kaya un na nga ang ginawa ko.Pagkatapos nun ay lumabas na ako at pumunta naman ng sala.
Wala na dun si Xander kaya naman nag walis na ko ng konti.Nang magtatanghali na ay naligo muna ako bago pumuntang kusina para tulungan si Nana Norma sa paghahanda ng aming tanghalian.
Hindi ako marunong magluto, pero kahit papaano tinutulungan ko si Nana Norma sa paghiwa hiwa ng kung anu-ano. Syempre, baka makita ako ni Kuya Andoy na walang ginagawa maghinala pa yon.Pagtapos naming kumain ng tangghalian ay umakyat muna ako sa kwarto para tawagan si Atty. Upang kamustahin ang lagay ng kompanya. "Hello, Atty.... Ano po ang lagay Jan?"
"Ayos naman ang lahat, Aisha. Pero kailan kaba babalik dito?"
"Wag nyo po akong intindihin, Atty. Maayos naman po ang kalagayan ko kung nasaan man ako ngaun."
"Kase nag aalala na ang mommy mo sayo, tanung na ng tanong kung tumatawag ka daw ba?"
Sasagot pa Sana ako kay Atty. Kaso may bigla namang kumatok kaya ibinaba ko agad ang tawag, sabay tago ng cell phone ko sa aking damitan."Sino yan?"
"Si Andoy to! Pinapatawag ka ni Nana Norma."
"Sige po Kuya Andoy susunod na ko may niligpit lang ako sandali."
"Sige" at pagkatapus nun bumaba na nga ako at nakita ko si Nana Norma na nakabihis na.
"Aisha, gumayak ka at samahan mo akong mamalengke" sabi saakin ni Nana Norma.
"Hindi po ba't kakapamalengke nio lang kanina?" Tanung ko sakanya kase nkakapag taka nman dba?.
"Hindi, bibilan ko ng mga damit ang aking mga apo, ipapasabay ko kay Xander, may project daw kace sila sa lugar namin." Paliwanag niya saakin.
"Ah! Ganun po ba? Sige po magbibihis lang po ako sandali." Dali Dali naman akong pumasok sa aming kwarto at nagbihis.
Pagdating sa palengke ay ako ang pinapipili ni Nana Norma ng mga damit, para sa mga apo nyang dalaga dahil sigurado daw syang alam ko kung ano ang mga uso ngayon. Kaya pala nya ako sinaman hah!.
Naisip ko tuloy bigla na. Si Jessica kaya sinasama nya ding mamili, at pinapipili din ng damit para sa mga apo nya?.Para namang nainggit ako bigla kay Jessica. Ilang taon na kaya silang mag on ni sir, Xander ? Hayyy! Bakit ba yun ang iniisip ko? .erase.erase.erase.
Pagkatapos ng nakakapagod na pag iikot, ay inaya naman ako ni Nana Norma na kumain sa labas. Kahit simple at mumurahin lang kinainan namen, masarap ang pagkain nila at nabusog akong talaga.
"Salamat po sa pagkain Nana Norma."
"Salamat din,hija. Sa pagtulong saken"
"Naku! Wala ho yon!.mahilig din naman po akong mamili ng mga damit."
"Pansin ko nga, eh mukang enjoy na enjoy ka sa pamimili natin kanina"
At nagkatawanan nalang kame.Pagdating namen sa bahay, nadatnan namen na umiinom ng alak si sir Xander.
"Sige Aisha mauna ka na sa kwarto at kakausapin ko lang itong bata na ito."
"Sige po," sagot ko naman sakanya at dumeretso na sa aming kwarto.
Pagkatapos kong magshower ay nagbihis na ko, nagpatuyo ng buhok, at nahiga na, nakakapagod din ang araw na ito.Habang nakahiga ako ay naisip ko bigla.
Bakit kaya umiinom si Xander? May problema kaya ito?
Kaninang umaga mukang badtrip sya. Ngayon nman nag iinom
Mukang may problema nga!.
Di bale wala nman akong pake sakanya.
Basta ako, maid lang dito tapos ang usapan.Maka tulog na nga!
_______________________________________________________________________
A/N: ano kayang problema ni Xander?
Ano sa palagay nyo guys?Comment naman ..
Anung suggestions nyo sa PoV. Ni Mr. Xander de GuzmanVote and comments .... Please ... ;) +!+
BINABASA MO ANG
love or lust?
Romance"shake the hands of the brand new fool" ito ang sinabi ni Aisha sa sarili nang pumayag sa alok ni Xander na mag live-in sila. Walang balak ang palikerong lalaki na pakasalan sya pagka't ayaw nito ng commitment. "arrogant little witch," ang tawag ni...