Aisha PoV.
Sinundan ko ng tingin ang nka bikini trunks na lalaki na inakbayan ang bagong dating na dalaga.
Sa Amerika ay Hindi iilang matcho at magagandang lalaki ang nakita ko pero bakit tila namamagnet ang Mata ko sa isang to?
"May bisita ka?" Tanong ng bagong dating na dalaga dito. Maputi sya at maganda. At sa nakikita ko ay parang magkasintahan ang dalawa.
"Oh! Manang Norma" sabi nung lalake sa matandang babae na kasamang dumating nung dalaga. "Kayo na nga po ang bahala rito"
Sabay tingin saakin..... "Nag a-apply na house maid. Nag paalam nga po pala c menchi noong isang araw dahil pinauuwi na ng ama." Pagkasabi'y kinabig na ang dalaga at magkaakbay na pumasok ng kabahayan.
"Ako na ang bahala sakanya,hijo." Pahabol ng matandang babae na sinabayan ng upo sa silyang bakal sa harap ko. "Ano ang pangalan mo ineng?" Simula ng matanda na ang tingin ay tila nanunuri.
"Aisha ho. Kayo ho ba c Nana Norma?"
"Ako nga. Kilala mo ba ako o narinig mo lang na itinawag sa akin iyon ni Xander?"tanong ng matandang babae saakin.
"Ngayon ko lang ho kayo nakita pero kayo po talaga ang sadya ko,"
Sabi ko na ikinataas nman ng kilay ni Nana Norma."Aisha....... Aisha Lynn de Guzman po ang totoong pangalan ko," bahagya kong sinulyapan si Nana Norma, inaasahan kong makikilala nya ko sa pag banggit ko ng aking buong pangalan.
Hindi nman ako nabigo dahil bahagyang nagsalubong ang kilag ni Nana Norma. "De Guzman? Sa pamilya de guzman namamasukan ang pinsan kong si Mary."pagkatapos ay tinitigan nya ang karatulang hawak ko. "At..... Nag a-apply ka kamong maid? Sino kaba ineng?"
"Anak po ako ng mag asawang Ricardo at Brenda de Guzman."
"Ano? Anak ka ng amo ni Mary? Pero bakit?" Nagtatakang tanong nito
"Wala po akong kilala dito. Wala naman akong mapuntahan ditong iba sa maynila. Isang linggo akong sa hotel nanuluyan at nababagot po ako." At dun ko na ikinuwento Kay Nana norma ang pangyayare kung bakit ako lumuwas ng maynila, at tungkol nadin sa pag a-apply ko bilang housemaid .
Nanlaki ang mga Mata ni Nana Norma halata nagulat sa aking mga sinabi.
"Sinasabi ko po sainyo ito para po malaman ninyong wala akong alam sa trabahong pinapasukan ko.""Ay oo nga! Naku ang batang ito, bakit ganito ang naisip mong paraan?"
"Kung wala ako sa bahay ay Walang dadaloy na pera kundi iyon lamang manggagaling sa allowance ni mommy. Mapipilitan syang gamitin iyon sa mga kailangan sa mansyon at bayad sa mga katulong."
"Mahilig ang mommy ko sa magagandang damit kaya duda ako kung kakasya ang pera nya. At pag wala syang pera ay malalaman nyang Hindi ako nagbibiro. Makikita rin ng boyfriend nyang Hindi mayaman ang mommy."
"Para naman sa sahod ng mga tauhan ay nag iwan na ko ng pirmadong tseke at bahala na ang mga abogado ko roon."
Hindi ko na sinabing ipina-terminate ko sa trabaho si Adrian sa pamamagitan ng mga abogado ko.
(Nana Norma PoV.)
"H-hindi ko alam ang sasabihin ko... Ineng...."
Naguguluhan ako sa batang ito.
"Tanggapin ninyo ako dito bilang housemaid. Sisikapin kong kahit na sa paanong paraan ay matulungan kayo. Huwag kayong mag-alala at ang anumang ipasasahod sa akin ng mga amo ninyo ay mauuwi rin sa inyo," pormal niyang sinabi saakin na may awtoridad na tinig.Tinitigan ko ang dalaga at napailing nlang ako sa mga pinagsasabi nya, ganun pa man ay Hindi naman ako nagalit sakanya. Bata si Aisha at maganda. At Hindi ko sya masisisi kung ganun ang tono ng pananalita nya.mayaman ang pamilya nya at kung tutuusin ay isang kalokohan ang pumasok sya bilang katulong.
"Hindi ako pinapasahod ng mag-asawang Gonzales ,hija, noong nabubuhay pa ang mga ito. Ganun din ang magkapatid na Alex at Xander ngayong sila nalamang ang narito sa mansyon," banayad Kong sagot sakanya.
"Hindi kayo pinapasahod!?" Hindi makapaniwalang bulalas ni aisha. "Eh, anu pa pong ginagawa niyo rito? Bat Hindi pa kayo maghanap ng ibang mapapasukan? Labag sa batas ang ginagawa ng mga amo ninyo," pagalit niyang sabi.
Napangiti nalang ako. "Para ko nang mga anak ang magkapatid na Alex at Xander, hija. Saakin nagsilaki ang mga batang iyan. Hindi ako sumasahod gaya ng iniisip mo pero may pera akong nilalaan ng magkapatid. Nabibili ko anu man ang gusto kong bilhin para sa sarili ko at para sa kailangan ng bahay na ito. Ako ang nagpapasahod sa mga katulong."
Aisha PoV.
"Oh!" Hindi ako makapaniwala, posible ba iyon para isang Hindi kadugo? Si Mary ay matagal narin saamin sa pagkakatanda ko. Bata pa ako nasamin na sya pero katulong parin ang turing namin sakanya. Sumasahod sya ng maayos at malaki bilang mayordoma.
"Huwag kang mag-alala,hija. Kung dito ka itinuro saakin ni Mary ay Walang problema. Ako ang bahala sa mag kapatid."
"Pero Hindi ko po gustong ipaalam ninyo sakanila ang tunay kong pagkatao."
"Kung iyon ang gusto mo"
"Pero Hindi po ba kayo mahihirapan na Hindi ko magampanan ang trabahong dapat Kong gawin?"
"Magkapatid lang ang narito. Ano na naman ang paglilinis na karaniwan ay mga alikabok lang? Kung sa paglalaba ay nariyan nman ang washing machine. At sa mahihirap na gawain ay nariyan ang boy at hardinerong si Andy. At ako ang nagluluto rito,hija. Ligaya ko nang ipagluto ang magkapatid."
Walang Gawain!!, Hindi ako makapaniwala. Halos kasing laki rin ito ng bahay namin. Nangiti nman ako.. :) kung ganun! Hindi naman pala ako mahihirapan dito... Sisiw! Hahaha
Bahagya namang natawa din si Nana Norma... "Kami ang bahala ni andy sa mga Gawain. Aisha. Kung talagang Hindi mo gustong ipaalam ang totoo, sikapin mong gampanan ang tugkulin mo kpag nkaharap ang magkapatid gayundin sa harap ni Andy para walang problems."
"Salamat po Nana norma. Hayaan ninyo at pagtapos Kong turuan ng leksyon si mommy makakaganti rin po ako sainyo." Napailing nlang si Nana Norma ng nakangiti saakin.. Ayos! Mukang mabait naman si Nana Norma mukang magkakasundo kame....
Eh ang mga amo ko kaya mababait din kaya sila? Haayy bahala na...
_______________________________________________________________________
Malapit na sila mag kita!!!! Excited naba kayo?? Hehe^^ako din!
By the way, bukas nako mag update ulet...
B.c sa COC eh, may war kame he he...Don't forget to vote guys!
THE MORE VOTE
THE MORE UPDATE! (^_^)happy reading \@_@\
BINABASA MO ANG
love or lust?
Roman d'amour"shake the hands of the brand new fool" ito ang sinabi ni Aisha sa sarili nang pumayag sa alok ni Xander na mag live-in sila. Walang balak ang palikerong lalaki na pakasalan sya pagka't ayaw nito ng commitment. "arrogant little witch," ang tawag ni...