Oh my God...
Pag gising ko ng kinaumagahan, wala si nanay norma sa kanyang higaan at nakaayos na din ang kanyang pinag higaan...
Kaya naman bumangon narin ako at dumiretso sa aming banyo, at sinimulan na ang aking ritwal sa umaga ...Oh well papel oo may sarili kaming banyo sa aming room ni nanay norma....Pagka tapos kong magritwal nag ligpit narin ako ng aking higaan, at humarap muna sa salamin bago tuluyang bumaba.
(Ritwal: hilamos, sipilyo atbp.)
Pagka labas ko nadatnan ko si sir Xander na nakaupo sa sofa, habang nagbabasa ng magazine at nagkakape.
Kinabahan ako bigla sa hindi ko malaman na dahilan.Habang papalapit ako lalong lumalakas ang tibok ng puso ko.
"Good morning sir" bati ko sakanya, at tumingin nman sya sakin tsaka ako nginitian, at nagpatuloy na ulit magbasa, habang ako naman ay tumuloy nadin sa kusina para matulungan si nanay Norma sa paghahanda ng almusal.Nakita ko si nanay Norma at kuya Andoy na nagkakape, habang nagchichikahan. Napaisip tuloy ako, ganito ba talaga sila dito walang ginagawa?.. "Good morning po nay Norma, kuya Andoy" bati ko sakanila.
"Oh! Aisha, gising ka na pala, halika dito at magkape ka na din" sabi saken ni nanay Norma.
"Sige po ako na magtitimpla ng para saakin, mukang naistorbo ko pa po kayo sa pinag uusapan nyo." Sagot ko sakanya."Wala yun nukaba! Bilisan mo jan at makisali kana rin samin dito" sagot naman nya sakin. Napaisip nanaman tuloy ako habang nag titimpla ng kape.... hindi kaya magalit samin si sir Xander kpag naabutan kaming nagchi-chismisan dito?.. kase kung ako ang amo nila siguradong sermon ang aabutin nila saken. Kase naman sayang pinasusweldo sakanila kung magchi-chismisan lang sila diba?. Bahala nga sila basta ako sumusunod lang.
Nang matapos akong magtimpla ng kape ko, umupo nadin ako sa tabi ni nanay Norma, at nakinig sa usapan nila ni kuya Andoy
"Kawawa naman pla si sir Xander kung ganun." Komento ni kuya Andoy sa kwento ni nanay Norma.May konting awa din akong naramdaman para kay Xander, kase Naman napag alaman kong ang soon to be wife nya, ay soon to be wife na ngayon ng kapatid nyang si Alex. I wonder how did that happen?. Nag iisip pako ng mga rason para gawin yun ni Jesica, nang nagpatuloy sa kwento si nay Norma.
"Matagal na din kaseng magkaibigan yang si Alex at Jesica, Nang dumating dito si Xander galing states. At nakita nya ito niligawan nya kaagad, matagal din bago nya napasagot si jesica, sa una palang tutol na si Alex sa panliligaw ni Xander dahil alam nyang playboy ang kanyang kapatid at baka daw saktan lang ni Xander ang bestfriend nya."
So.. playboy pala ang aking boss. Baka naman niloko nya si Jesica kaya sya pinag palit sa kapatid nya.. pero ewan lang din natin, kase naman ang sabi pa ni nanay Norma ay buntis daw si Jesica. At c Alex ama ng kanyang dinadala.
Naudlot kase ang kwentuhan namin ng biglang pumasok si Xander, sa kusina "nay Norma breakfast please!.. and Andoy get ready the car, im going to the church" sabi nya at umalis na.
Habang abala sa pagluluto si nanay Norma, kinuha ko na ang tambo at mop para maglinis sa sala. " Aisha, wala kabang ibang gagawin?." Tanong sakin ni nanay Norma.
"Wala naman po bakit po?"
"Day off kasi naten ngayon, tuwing linggo ang day off... kaya kahit hindi ka na maglinis."
"Ah! Ganun po ba?, sige po tulungan ko na kayo dyan." Hmmmp.. sayang naman, kung alam ko lang edi sana hindi nako maagang bumangon natulog muna sana ko ng matagal."Sya nga pala aisha kung wala ka nman gagawin, kung gusto mo sumama kanalang magsimba saken mamaya. Wala karin kaseng makakasama dito sa bahay baka mainip ka lang."
Anyaya saken ni nanay Norma habang nagluluto."Sige po" sagot ko naman sakanya..
(After 10 minutes )
"Aisha pwedi bang pakidala mo na itong breakfast ni Xander sa kanyang kwarto?." Tanong saakin ni nanay Norma.
"Sige po ako na ang bahala jan." Sagot ko sakanya at kinuha na ang tray na may laman na pagkain ni Xander.
"Sige at magbihis ka na pagkatapos mo jan at magbibihis nadin ako." Sabi ni nanay norma at nginitian ako, nag nod nalang ako at dumiretso na sa hagdan papuntang kwarto ni Xander.
*************
"Sir, eto na po yung breakfast nyo" tawag ko habang kumakatok sa pinto ng kwarto nya. Maya maya pa ay bumukas na ang pinto ng kwarto ni Xander at tumambad sakin ang naka tapis lang na si Xander... napalunok ako habang nakatingin sa 'oh so delicious' nyang abs, habang nakalahad kamay nya upang papasukin ako.
"Leave the food on the table and you can go." Sabi nya habang naglakad na papuntang walk in closet nya. At natauhan naman akong bigla, kaya dahan dahan nako naglakad papasok habang palinga-linga sa loob. Maganda naman ang kwarto nya at maluwang, at lalaking lalaki talaga ang dating nito sa kulay nitong brown,black and white. Brown ung flouring, black and white naman ang design ng walls nya na square square, at ang bango din dito sa loob amoy pang lalake talaga.
"What are you doing here?, i said leave the food then go!" Nagulat naman ako nung bigla syang lumabas sa walk in closet nya na naka bihis na.
"O-okey sir." Tumalikod nako at tumingin sa baba habang naglalakad na palabas, napahiya ako dun bwisit ! At sinigawan pa ako ng mokong na yun, naku! Pasalamat sya at kailangan ko lang talagang magtago ngayon.
"Tss" nadinig ko pang bulong nya habang papalabas ako. Bwisit talaga, akala mo kung sino eh baka nga mas mayaman pako sakanya!..
Dumiretso na ako sa kwarto namin ni nanay Norma para makapag bihis nadin.
******************************
Pagka rating namin ni nanay Norma sa simbahan ay madami ng tao, kaya naghanap na kame mauupuan para makapakinig narin kame ng misa.
Pero habang nakikinig ako ng misa, may nahagip ang aking paningin na dikanais-nais.. Oh my god ! Si mommy yun ah!? At si Aldrin! .. my goodness! Bakit hanggang dito sa kabilang bayan ay nakakarating sila? Samantalang may simbahan din naman dun saamin? Bakit dito pa nila naisip mag simba?.
Habang nag iisip ako ng paraan kung pano ako hindi makikita nila mommy ay bigla naman akong napuna ni nanay Norma.
"Oh! Aisha bakit ganyan ang itsura mo? May masakit ba sayo?" Tanong nya sakin."Ah....ehh...eh bigla po kasing sumama ang pakiramdam ko eh!," pagdadahilan ko nalang.
"Cge, kung gusto mo mauna ka nang umuwi at magpahinga, may mga bibilhin pa kase ako sa palengke." Offer naman saken ni nanay Norma na syang ikinatuwa ko.. thank you lord :) hehehe.
"Ah cge po, mauna na ako.. pasensya na po kayo kung hindi ko kayo masasamahan ngayon."
"Ok lang yun ihja, cge mag ingat ka sa byahe"
"Sige po." Nag nod nalang ako, bago tuluyang umalis sa kinauupuan namin,
Nag hahalf run na ako sa pag lalakad habang naka yuko para hindi ako makita nila mommy. Nang bigla akong may nabunggo, medyo matigas sya, at pag tingin ko sa ibaba nakita ko ang isang pares ng sapatos na pang lalake, dahan dahan kong iniaangat ang aking ulo upang makita kung sino ang aking nabunggo... at pagka kita ko..
"S-sir Xander ....so..sorry po" napayuko nalang ulit ako sa sobrang kahihiyan..
"Why are you half running? Is there someone following you? ... or you're hiding to someone huh?" Tanong nya sakin habang naka kunot ang noo...
Oh! NO..NO..NO.. ano ng sasabihin ko dito? Hindi nya ko pweding mahalata na may pinag tataguan !!..
BINABASA MO ANG
love or lust?
Romance"shake the hands of the brand new fool" ito ang sinabi ni Aisha sa sarili nang pumayag sa alok ni Xander na mag live-in sila. Walang balak ang palikerong lalaki na pakasalan sya pagka't ayaw nito ng commitment. "arrogant little witch," ang tawag ni...