Aisha PoV.
"Nasa amerika ang Lola nang mamatay ang daddy." Katwiran KO.
"Maybe so. Pero ang manipolasyon ng Lola mo sa daddy mo, at hindi nahahadlangan ng milya-milyang karagatan," mapait nitong sabi at lumingon saakin ng diretso. "Anyway, napag-uusapan narin lang natin ito, gusto kong sabihin saiyong mag-aasawa na akong muli" sabi nito na syang ikinagulat ko.
Marahas kong nilingon si mommy. Mag-aasawa?! Kanino?
"Dalawang taon nang mahigit simula nung mamatay ang daddy mo. Hindi na siguro masama kung Mag-aasawa na akong muli," patuloy nitong sabi sakin.
Kinabahan naman ako. Kung sabagay bata at maganda naman si mommy. Sa edad nyang 42 ay tila magkapatid lamang kami. Na kung susuriing maigi na tila ilang taon lamang ang tanda nito saakin sa edad kong 21.
"Kanino mommy?" Alam ko na halos ang sagot pero itinatanong ko parin. Muntanga lang, trip ko eh bakit ba.
"Adrian offered me marriage, hija. At tinanggap ko." Si mommy.
"Over my dead body, My!" Ako.
"Aisha!" Mommy.
"Mommy, that man is a bloodsucker bimbo!" Ako.Malungkot na umiling si mommy. Hindi makapaniwalang tinitigan ako. "What have you against him, Aisha? Mahal nya ako at mahal ko sya. At mabuting tao si Adrian. May tiwala sakanya ang daddy mo nung nabubuhay pa ito." Paliwanag nito sakin.
"Hindi ako naniniwalang mahal ka nya. Why he's eight years your junior, maaari nman syang makakita ng bata pero bakit ikaw ang pinili nya? Pera mo lang ang habol nya, Mommy!" Galit kong sabi, hindi ako papayag na makasal silang dalawa.
"Hinuhusgahan mo agad iyong tao. Kilala ko sya, kaysa saiyo, Aisha. Besides. I know you for being a snob. Ganyan ka pinalaki ng mama. Matapobre din ang Lola mo." Saad nito sakin.
"You are a lonely and a rich widow. And he's taking advantage!" Pahiyaw Kong sabi sakanya.
"Lonely? Yes. But not rich, Aisha. Alam mo iyan!" May hinanakit nitong sabi. "At alam ni Adrian na kapag kinasal kami ay mawawala na ang allowance ko" paliwanag nya sakin.
"Maybe so. Pero bilang asawa mo ay malaki ang maitututlong nito sa posisyon nya sa factory. Inaambisyon nya iyon"
Tinitigan lamang ako ni mommy. " magpapakasal ako sa isang buwan, Aisha."
"Lalayas ako, mommy."
"Hindi mo magagawa iyan, hija. Paano ang factory? Paano ang mga tauhan natin?" Paghahamon ni mommy sakin. Walang lalabas na funds sa kompanya kung Walang pahintulot ko. Ako rin ang signatory na lahat ng mga tseke."At saan ka pupunta, hija? Sa amerika? You can't do that. Aatakihin sa puso ang mama pag nalaman nyang iniwan mo itong lahat saakin." Sarkastikong sabi ni mommy at iniikot ang paningin sa buong kabahayan.
Hindi ako nkakibo. Totoo ang mga sinabi ni mommy. Hindi birong responsibilidad ang iniatang saakin ni daddy. Pero iisa ang tiyak. Gagawa ako ng paraan para Hindi matuloy ang pagpapakasal ni mommy sa oportunistang si Adrian ..
_______________________________________________________________________
Don't forget to vote guys!....
Comment nadin hehe^^Add me on Facebook .... Shielamae.carreon.3
Happy Reading!!!!
BINABASA MO ANG
love or lust?
Romance"shake the hands of the brand new fool" ito ang sinabi ni Aisha sa sarili nang pumayag sa alok ni Xander na mag live-in sila. Walang balak ang palikerong lalaki na pakasalan sya pagka't ayaw nito ng commitment. "arrogant little witch," ang tawag ni...