Ask.fm #3

1K 72 10
                                    

Anong gusto mo sa babae? Ugali at itsura. Please paki sagot. Wag ka muna ampalaya hahaha


Answered 11 months ago


Ito yung inistatus ko kanina:


"Someday... gusto kong makakilala ng babaeng katapat ko. Yung tipong kapag kausap ko siya, ako yung mabobobo. Yung tititigan ko nalang siya habang nagsasalita dahil alam kong tama siya at wala na akong pwedeng sabihin para madisprove yung sinabi niya. Gusto ko yung ako talaga yung naghahabol. Ayaw ko yung siya. Gusto ko magkaroon kami ng conversations na hinahanap ko talaga. Gusto ko yung thought na maaadik ako sa mga sinasabi niya. Sa mga iniisip niya. Sa mga laman ng utak niya.

Someday :)"


Sapat na ba yan?

Resaykel BinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon