Can you tell me a story from your childhood?
Answered a minute ago.
I had a dog once. A dog that I really loved. His name was Chicoy.
Askal siya. Walang special or expensive breed. He's as askal as as an askal can get. And that's fine by me.
I chose him. Pinapili ako ng tita ko sa mga tuta at siya ang napili ko. Napadaan lang ako nun sa harapan ng bahay nila. Never knew that walk would change my life.
Naalala ko pa yung dinala ko siya sa bahay, ang una niyang kinaing pagkain ay yung pakbet na tira nila mama. Natuwa pa ako nun. Natuwa sila. Marunong kumain ng gulay yung aso.
Days passed at palagi kong kasama si Chicoy. Summer kasi nun. Walang pasok.
Ganun lang yung summer ko. Kung hindi kasama si Chicoy, kalaro yung mga kaedad ko na kapitbahay. Simple. Masaya. Hindi pa big deal ang boredom.
Tapos natapos na ang summer vacation at pasukan na. Madalas sinusundan ako ni Chicoy hanggang sa may labasan. Minsan kailangan ko siyang bugawin para hindi ako sundan sa pagpasok ko sa school. Naglalakad lang kasi ako para pumasok nun. Wala akong sundo.
Pag uwi ko naman, malayo pa ako sa bahay, mga 50-100 meters away, sasabulungin niya na ako. Yung buntot niya kumakawag kawag. Tapos yung katawan niya parang umaalog sa sobrang excited niyang makita ako.
Yan ang nangyarari sa araw at umaga ko nung hindi pa itinatali si Chicoy.
Months and years passed, malaking malaki na si Chicoy. Sinubukan ko dating sakyan siya. Maliit pa naman kasi ako nun, di katulad ngayon. Pero wala, di umubra. Mataba na rin si Chicoy. Yung ibang kapitbahay namin, natutuwa at naiinggit sa kanya. Ang taba raw kasing talaga ni Chicoy. Eh paanong di tataba si Chicoy eh madalas naming pakainin. Meron pa nga yung gustong bumili si Chicoy, balak raw siyang katayin. Medyo nagalit pa ako nung kwinento sa akin ni mama. Bakit kakatayin nila si Chicoy? Pero buti na lang na tumanggi sila mama. Alam ko naman kasing parang miyembro na ng pamilya namin si Chicoy.
Pero wala eh. Dumating yung araw na 'yon. Ni hindi ko pa nga naiisip na darating yung araw na iiwan kami ni Chicoy. Nagulat na lang ako isang araw paguwi ko sa klase. Patay na raw si Chicoy.
You know what?
I hate dogs. They die.