Mga Iba't Ibang Tao Sa Wattpad II - The Readers

2.2K 167 119
                                    

May contain offensive content. You have been warned.

Mga Iba't Ibang Tao Sa Wattpad II

The Readers

----------------------------------------------------------------------

Siyempre kung merong nagsusulat, meron rin dapat nagbabasa. Kasi kung walang nagbabasa, nakakatamad magupdate (Alam niyong totoo to. Ilayo niyo sakin yang "Kung gusto mo talagang magsulat hindi importante kung may reader ka." Nakakatamad talagang magupdate pag walang nagbabasa. Pramis.) Syempre kung may iba't ibang klase ng writers, may iba't ibang klase rin ng mga readers. Kahit na writer ka na ngayon, nagumpisa ka parin dati bilang reader. At maraming klase ng readers. Ranging from nakakatuwa to nakakaasar.

Anong klaseng reader ka nga ba? Isa ka bang Demanding, WHR, Silent, Starer, Zombie, Basher, Ranter, Nachi, Referrer, Hayok, OWW o Nobelist?

Demanding Reader ka kung ang palagi mo nalang kinocomment eh Update! Yung tipong pagkabasang pagkabasa mo palang sa update, yun na ang ikocomment mo. Hindi naman masama ang ginagawa mo. Kaso hindi rin nakakabuti. Kumbaga, pang parami lang talaga sa comments counter yung comment mo. May mga naaasar sa comments mo at may mga iniintindi nalang kasi sign rin yun na naexcite ka sa update. Wag ka lang sanang magiging WHR.

Walang Hiyang Reader. Pano ka nga ba nagiging WHR? Ano nga ba ang karumal dumal na comment ang kailangan mong icomment para ka maging WHR? (nakakatamad ng mag control + B) Ito yung mga sa sobrang pagiging ilusyonado mo, pakiramdam mo sinuswelduhan mo yung writer. Grabe ka makademand sa update na pasok sa panlasa mo ang haba. May deadline ka pang nalalaman. Karaniwang linya mo? "Ang tagal na nga magupdate, ang iksi pa." o kaya "Grabe! [hours/insert days/weeks] na pero wala paring update!" Isa ka sa mga tipo ng mga reader na dahilan kung bakit tinatamad magupdate ang writer. Kung gusto mo talagang magupdate yung writer, bolahin mo!

Silent Reader ka kung

At darating tayo sa isang klase ng reader na pinakayaw ko. The STARER. Starer ka kung ang gawain mo lang ay titigan ang mga letra. Ang mga salita. Ang mga sentence. Di ka naman talaga nagbabasa. Ikaw yung mga tipo ng reader na nakakaiyak. Kaiyak ka pramis. Isa ka sa dahilan kung bakit kinukwestiyon ng mga writers ang writing skills nila. Di sila sure kung pangit ba yung pagkakanarrate o tanga ka lang talaga. Ang karaniwang linya mo? "Bakit [insert question here na naexplain naman sa storyline.]" Nakakabobong basahin. Ang reaction ng mga writers sa comment mo? "Nagbasa nga ba talaga to?" Binasa mo ba talaga kasi yung chapter ineng? Bakit ka nagtatanong ng obvious totoy? Bakit? Tandaan na reading site ang watty at hindi staring site. Read with comprehension. Wag kang literal.

At kung magrireal talk ako ngayon? Isa ka sa dahilan kung bakit may mga basura at bulok na kwento ang mga sumisikat. Di na kataka taka. Dinudumog ng langaw ang tae.

ZOMBIE Reader. Also known as mindless minions. Ikaw yung sa tipong idol na idol mo na yung writer, isang pitik lang ng kamay niya susunod ka na. Nawawalan ka na ng paguutak. Ikaw yung mga tipong nambabash ng mga taong nagbibigay ng critique sa idol mong writer. Wala ka ng pakialam kung may sense nga ba yung critique na binigay nung critic. Daig mo pa yung isang nanay kung makaprotekta. Makaamoy ka lang ng hindi papuri mangaaway ka na. Marinig mo lang na may kumanti sa kanya, isusuot mo na yung war armor mo ang manggigiyera ka na. Sugod ka ng sugod ng hindi mo alam ang buong kwento. Nakakatakot ka kasi napaka prejudiced mo. Ikaw yung klase ng reader na nagpapaalala sakin sa isang quote na sinabi ni George Carlin: "Never underestimate the power of stupid people in large groups."

May tatlong klase ng Basher. Yung una ay yung sa zombie reader. Yung pangalawa ay yung hindi ka napansin kaya ka naging basher at hater. At yung pangatlo, kasi inggitero ka. Insecure pa. Isa ka sa mga nakakairitang reader. Minsan below the belt ka ng tumira kaya ayun, inaaway ka na. Hindi ko alam kung attention whore ka lang talaga o masokista ka na gustong sugudin ng mga zombie readers.

Ranter ka kung... ieexplain ko pa ba to? Parang rant narin lang naman tong ginagawa ko eh. Pero for the sake ng mga baguhan na hindi inabutan ang rant wars, magkukwento ako. Yung rant wars po kasi eh yung mga panahon na napuno ng rants ang wattpad. Ito yung mga panahon na nakakatakot magupdate kasi hihimay himayin talaga nila yung kwento. Naghahanap ng malalait. Naghahanap ng mababash. Sarap magtago sa ilalim ng bato nun. Sumikat nun si NTNM at iba pa. (Nakakatuwa kasi parang world war 1 yung kinukwento ko sa mga kabataan haha)

Nachi ka kung ang trabaho mo ay magcorrect ng grammar. Ikaw yung klase ng tao na hindi pinapalampas kahit isang mali. Katakot ka. Pero isa ka sa dahilan kung bakit nagiimprove yung writing quality sa wattpad. You raise the standards. Hindi ka kuntento na hanggang ganun nalang. Nakakalungkot lang kasi na may mga gaya gaya sayo. Mga piling grammar nazi. Kaya ang connotation sayo? Negative. Minsan mamalasin ka talaga at makakatagpo ka ng writer na sobrang balat sibuyas. Isang puna mo lang, magdadrama na. Eh nakasulat naman dun sa kwento nila na open sila sa criticisms. Plinastik ka nila. Kawawa ka. *pats back*

Referrer ka kung ang comment mo ay ganto: "Parang [insert sikat na title ng kwento]" "Parang [Insert title ng movie]" Nirerefer mo yung binabasa mo agad agad. Minsan nakakadiscourage ka. Nakakainis. Nakakaasar. Hindi mo pa nga alam yung buong kwento, nilelabelan mo na.

OWW ka o One Word Wonder kakung  isang word lang ang comment mo. Para kang DR. Wala ring silbi minsan yung comment mo. Ikaw yung tipong ang alam lang icomment ay "Ganda." "Cool" "Cute." "Kilig." Me macomment lang ba? Hindi naman sa masama ang pagiging OWW. Pero katulad ng DR, wala rin masyadong silbi. Hindi nakakainspire sa writer ang comment mo.

May dalawang klase ng Hayok. Yung una pang NTF. At yung pangalawa, pang malandi. Hayok NTF version ka kung ang binabasa mo ay yung may mga S*X ang title. Parausan mo ang watty. Ikaw yung tipong hindi lang scroll bar ang ina up and down (kung lalake) at hindi lang yung vote button ang tinutusok at pinipindot (kung babae). Ikaw pa yung minsan nagpopost ng mga comment na tinigasan ka o namasa ka. Di ko tuloy maimagine yung reaksiyon ng writer kapag binabasa yung comment mo. Napaflatter ba sila?

Hayok malanding version ka naman kung nagbabasa ka lang para magpaimpress. Oo. Hindi lang pang writer yung I write to express and not to impress. Para sa inyo rin dapat yan. Ang tipong binabasa mong kwento ay sinulat ng mga gwapo. Hence malanding version. Ikaw yung tipong may pakuya kuya pa pero lalandiin mo rin lang pala. Ikaw yung tipong maganda na yung kwento kasi gwapo yung nagsulat. At binabasa mo lang para magpapansin at magpaimpress.

 Kung napapansin niyo, halos lahat ng nasa taas negative. Kasi isa lang naman talaga ang ideal reader nating lahat. Yung the Nobelist. Ano nga ba ang the Novelist?

Nobelist Reader ka kung nobela ka magcomment at parang nobel peace prize dahil sa sobrang nakakatuwa at nakakaflatter. Ikaw yung tipong mauubos mo yung 2000 characters kaya kailangan pa ng part 2. Ikaw yung tipo ng reader na kapag nagbukas ng notification yung writer, mapapangiti siyang parang tanga habang binabasa yung comment mo. Ikaw yung tipo ng reader na nakakainspire. Ikaw yung reader na ina updatan talaga. Ikaw yung reader na prini print screen ang comment (gawain ko to). Ikaw yung reader na nakakatanggal ng bad vibes. Ikaw yung reader na napapalapit sa puso ng writer. Ikaw yung reader na tumatatak sa isipan.

Kahit hindi kayo nagkakausap nung writer, isang tingin niya palang sa username mo mapapangiti na siya. Ito yung reader ko na nakakatuwa yung comments. Ikaw yung reader na nakakalungkot kapag hindi na active sa wattpad. Ikaw yung reader na nagbabasa talaga.

Kakaiyak lang kasi kokonti nalang kayo. Sana dumami pa kayo.

Reader ka ba? Anong klase ka?

Resaykel BinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon