CHAPTER FOUR
"This is a huge amount, Circe," sabi ni Father Jacob.Muli akong bumalik nang Vernazza para siguraduhin na maayos lang ang kalagayan ng lahat. Mabuti walang nasaktan sa pagsabog, mabilis silang nakalabas kaagad at nakapunta sa safety. Pero ang chapel na ilang henerasyon nang nakatayo ay isang bangungot nalang. Halos hindi na ito makilala at halos walang tinira sa pagsabog.
They believed it was a terrorist movement, but you know the crazy part? The authorities shrugged their shoulders about what happened. Wala akong makita maski isang propesyonal na nag-iimbestiga man lang dito, tanging tatlong pulis lang na nagpapatrolya hindi kalayuan.
I clenched my fists at my sides. Of course, I knew who was behind the explosion. Mas lumalim lang ang pagkasuklam ko sa Calix De Luca na 'yon. Alam kong binili niya ang katahimikan ng mga otoridad at tao para pagtakpan ang kawalangyaan ng mga Mafioso. Natitiyak ko rin na siya rin ang may pasimuno ng pagsabog, para saan? Who knows what's really going on in his crazy head?
"It didn't only come from me but also the Princess, Father. Please accept it to rebuild the chapel," sabi ko at tiniklop ang makapal na envelope sa mga kamay ni Father Jacob.
His complexion was dark, and his head was almost shaved. His chestnut eyes were solemn and always full of devotion. Tinanggap niya ako kaagad nang banggitin ko sakanya ang tungkol kay Betty. Aniya, isa siyang sakristan nang unang mapadpad si Betty sa Vernazza kung saan sila nagkakilala sa chapel. Inakala ni Father Jacob na kaya nawala nalang bigla si Betty ay dahil nag-asawa na ito pero umungot lang ako doon. Sinubukan ko nga noong i-reto si Betty sa hardinero ng palasyo ng prinsesa pero hinampas niya lang ng sandok ang lalaki at sinermunan ako na ang ganoong bagay ay hindi tinakda sakanya.
Sinabi ko kay Father Jacob ang totoo, na hindi nag-asawa si Betty at natagpuan niya ako kaya kinupkop niya ako. Hindi nakaligtas sa akin ang lungkot na dumantay sa malamlam niyang mga mata nang ibalita ko sakanya na wala na si Betty. Maging ang paghaplos niya sa singsing na nakasabit sa kwintas niya.
I wanted to prod for answers, but I held my tongue. Father Jacob was nice, kung may romance man sakanila ni Betty noong kabataan nila, I felt bad for him.
Maingat akong nginitian ni Father Jacob. "We were blessed to have you, Circe. Betty must have been proud of you."
Tipid akong ngumiti. Tiyak na nag-aalburoto na si Betty ngayon kung nasaan man siya at gumagawa na nang paraan para ma-reincarnate kaagad para makurot ang singit ko at parusahan sa mga katarantaduhan na ginawa ko simulan nang mawala siya.
I was guilty, but she couldn't blame me. I was alone and sad. Her death hit me so hard in the chest that I was still trying to recover from it. Sinusubukan ko pa ring bumangon nang mag-isa. Sa t'wing naiisip ko siya sinusubukan kong maging masaya dahil kahit papaano, marami akong alaala na masaya kasama siya.
Ilang beses akong pinasalamatan ni Father Jacob at ilang beses din akong humingi nang tawad sakanya dahil pakiramdam ko kasalan ko ang nangyari. Hinayaan ko ang Calix De Luca na iyon na sirain ang tahanan nila.
Matapos naming mag-usap ay nagpaalam na ako sakanya maging sa ilang nandoon na myembro ng chapel. Nakita ko pa ang pag-ismid sa akin ni Mrs. Norton at pasiyasat sa akin mula ulo hanggang paa. Matamis ko siyang nginitian pero tinalikuran niya lang ako.
Bumalik ako sa sasakyan pero hindi pa man ako nakakarating dito ay huminto ang mga paa ko at naestatwa ako sa kinatatayuan.
Oh, God!
Calix De Luca was sitting on the hood of my car with a wide grin plastered on his goddamn face. Kumaway pa siya sa akin na tila close kami.
Anong ginagawa niya dito?!
BINABASA MO ANG
Man at Arms
RomanceCalix De Luca is dead, and Circe has to confirm it. Fulfilling her promise to her dead adoptive mother, Circe continued her duties as a church usherette, but this time she had another solid purpose-to confirm that the person lying inside the coffin...