CHAPTER NINE
"Maybe you should start not touching your face, Miss Circe."
Marahas akong lumingon kay Nazi na nakaupo sa beanbag. Tuwid ang likuran niya, magkadikit ang mga tuhod at ang mga kamay ay nakapatong dito. He looked awkward sitting in the flushed seat. Bukod sa mala-Oscar na naman ang get up niya, napaka-pormal pa ng postura niya. This man doesn't know how to relax.
I scowled at him.
"You think so? Anong gusto mong gawin ko kung ganoon, titigan na lang ang mukha kong tila sasakyan na nabunggo sa poste?"
Tumatabingi ang mga labi niya sa bawat salita ko. He cleared his throat.
"I've told you once you still looked pretty, Miss Circe," maingat at madiplomasyang aniya pero hindi makatingin sa akin.
"One time!" I bellowed, pacing in front of the large mirror. Nag-iinit ang mga dugo ko at pakiramdam ko may dragon sa loob ko na naipit at gustong kumawala. Huminto ako sa harapan niya. "Thirteen times kong naririnig na maganda ako sa isang araw! At ikaw isang beses mo lang iyong sinabi habang nagkukuskos ka pa ng kubeta two days ago!"
Nazi flinched. Sinilip ko muli ang mukha sa salamin at gusto ko nang maiyak. Two days na pero mas lalo lang namamaga ang mukha ko!
"Look at me, Nazi! This is not a face I can proudly display anymore!" My voice cracked at the end. My face was my glory. I don't want to sound mayabang pero mukha ko ang susi ko sa success ko ngayon. This face adds amounts to my bank account. Ang mukha na trophy ni Betty at pinagmamayabang sa mga kapitbahay namin. Nang makita na ganito na ang sinapit ng mukha ko gusto ko nalang mahiga sa tabi ng kabaong niya.
Lumamlam ang mga mata ni Nazi at napuno ng simpatya. "Well, good thing you're not allowed to leave the house. We're saving you some dignity, Miss Circe."
Hindi ko alam kung maiiyak o magagalit ako sa sinabi niya. Pero mas gusto ko iyong huli. Susugurin ko na sana ito pero nagbukas ang pintuan at pumasok si Corazon, beast mode, at mala-King Kong na sumugod kay Nazi na naging tensyonado at napasigaw nalang nang hilain ni Corazon ang tainga niya.
"Hindi ba't sinabi ko maghukay ka ng patatas? Bakit nandito ka na naman?"
"Ah-ouch!"
"Hala, labas!"
Ngumiwi ako nang sipain ni Corazon ang pwet ni Nazi kaya mas lalong lumipad palabas ng kwarto ang lalaki habang sapo-sapo ang pwetan.
Corazon smoothened her angry face, dropped her shoulders, and turned to look at me. Malamyos ang ngiti niya katulad ng mga mata niya. Lumapit siya sa akin.
"Dear, ginugulo ka na naman ba ni Nazi?"
Umiling ako at ngumiti sakanya. I melted under Corazon's touch against my cheek. Her hand was soft yet callused with years of hard work. And her hands smell of pastries like she's been baking the whole day.
She reminds me a lot of Betty. Halos magkasing-edad lang sila. Matapang ang itsura ni Corazon, tila laging nagaasik pero laging lumalambot iyon pagdating sa akin. Sa dalawang araw kong nandito ay walang oras na hindi niya pinaramdam na isa akong bilanggo. Lagi niya akong kinakamusta at nakikipag-kwentuhan sa akin.
I learned from her that she has been working with the De Luca for more than two decades. Halos siya ang nagpalaki kay Calix at sa kambal nito na si Callus. Corazon was pure Filipino. Katulad ni Betty, maaga din siyang lumuwas ng Pilipinas para maghanap buhay abroad. Marami na siyang pinasukang trabaho. Pag-amin niya namulat siya sa buhay ng mga mafia nang maaga dahil ang mga nauna niyang naging amo ay mga mafia boss. Hanggang sa makilala niya ang Mama ni Calix at Callus na siyang isang purong Pinay din.
BINABASA MO ANG
Man at Arms
RomanceCalix De Luca is dead, and Circe has to confirm it. Fulfilling her promise to her dead adoptive mother, Circe continued her duties as a church usherette, but this time she had another solid purpose-to confirm that the person lying inside the coffin...