A/N: Etong story na to ay fiction lamang, pero ang characters totoo. Kung ayaw nyo mabasa... then don't. For those who want, enjoy then. :)
----------------------------------
Christine's POV
Pagdilat ko nakita ko ang dalawang classmates ko na nag-uusap. I mean, nagd-dramahan.
*smirk* Akala nila hindi ko naririnig at makikita ha.
At piinikit ko muli ang aking mga mata.
"I love you, Gail. Bakit ayaw mo ba maniwala sakin? Akala mo niloloko lang kita?
"Nagsisinungaling ka lang sakin. Tigilan na natin 'to..." ATTT hinabol ni boy si girl habang ako, nakadilat na muli ang mga mata. Mga lalaki nga naman.. walang magawa sa buhay. Pagkatapos makipag-break sa dating girlfriend, mag hahanap nanaman ng bago at pilit mangbababae nanaman. Wow ah.
Meron din namang mga babaeng ganun. Infatuation lamang ang kailangan. Hindi pinagsisisihan ang paghanap ng bagong boyfriend dahil hindi naman nila minahal nang totoo ang previous boys na na-i-involve sa kanila. Oh whatever. Bakit alam ko ba ang mga ganitong bagay?
Hindi naman ako ganung type eh. Inaamin kong boring akong tao. Walang kaibigan, walang kasiyahan sa buhay. And oh... speaking of the devil. Andito na sya.
Biglang bumukas ang pinto, appearing Kyle at mga kaibigan niya. Argh.. pagkakita ko sakanya, parang uminit dugo ko. Ewan ko ba kung bakit ganito. Para kasing napaka happy-go-lucky person niya, ni pag-aaral hindi magawa-gawa. Oh, nga nga-nga nalang ba siya sa mga grades niya ngaung semester?
Wait! Wala. Wag na natin intindihin ang kanyang grades. I care about my own grades, hindi ko rin naman yan maco-convince.
And... ayun na sila nagkukulitan habang ako, antok na antok dito sa desk ko at napapansing malapit nang dumilim at kailangan ko nang umuwi at baka mapagalitan pa ako.
So kinuha ko ang aking bag at chineck ang bag ko kung meron ba akong naiwan at .. voila! Okay na. Nung malapit na ako sa pinto, narinig kong magtawanan sila.
Anong problema nang mga to?
"Loner," o-kay... so, yun na pala ang nickname ko.
Tumingin ako sa direksyon nila. "Anong mga problema nyo?"
"Wala naman... ang pangit mo lang kasi." Ang sabi ng kaibigan niya. Offensive masyado, pero okay lang. First time kong makarinig ng ganyang comment.
"Ah okay. Thank you nalang. Aalis nalang ako kung wala na kayong sasabihin."
At nagba-bye na. Walang iiyak. Walaaaang iiyak.
--------------------------------------------
Pagdating ko, nakita ko si Papa nagluluto. Gusto kong sabihin lahat. Lahat ng nararamdaman ko, pero busy sila. Si Mama nasa trabaho, si Papa busy sa mga kapatid ko at sa household chores. Ang tanging madedepende ko lang ay... sarili ko.
At pumunta ako sa kwarto, nagtakip ng unan at tuluyan nang gumuho ang mga luha ko.
Nakakainis ka! Nakakainis kayo!
Hindi ko alam kung bakit ang sakit dahil alam ko, boring ako, walang kwentang kausap, hindi magaling sa social interactions, sa paghahanap ng kaibigan at iba pa. Bakit kapag sinabi niya 'yong limang salita, ang sakit sakit!? Para namang hindi pa ako nasanay.
ARGHHH! I hate you KYLE ROSALES! I REALLY REALLY HATE YOU!
Balang araw maghihigante ako sayo at pagsisisihan mo iyang ginawa mo sakin.
BINABASA MO ANG
Boring and The Happy
Teen FictionIsang boring na tao na napapaligiran ng kalungkutan sa buhay nya dahil siya'y mag-isa. Isang happy-go-lucky na tao na napapaligiran ng kasiyahan at masayang buhay. Pero meron pa kaya silang mas malalalim na karakter bukod sa inyong nabasa?