Chapter 2: Thank you.

19 3 0
                                    

A/N: HEY YOU! YES YOU! ENJOY. :)))

------------------------------------------------

"Oiiiiii, asan ka na? Tutulungan mo lang naman ako ehhh!" Aaminin ko cute siya, pero wala akong energy at oras para turuan ang mga taong, in the future, itataboy lang ako dahil isa siya sa mga "playboy" type. Alam ko lahat hindi naman ganun, pero alam niyo naman ang na marami syang ex-girlfriends diba? 

And ayun, naririnig ko nanaman siyang tumatawag. Ayoko nang mga taong laging bumubulabog sa buhay ko. Sa sobrang daldal niya, hindi ko ma-take. 

And... napuno na ako. Para matigil na ang lahat, lumabas ako ng restroom at sinigawan sya. 

"HOI IKAW, BA'T BAT ANG INGAY INGAY MO HA?! ANO BA KAILANG-" Tinakpan niya bibig ko at hinila ako pababa. Bumulong siya sakin. Seriously, anong problema neto? 

"Psssttt, turuan mo na kasi ako---" Sinampal ko siya at tumakbo na ako papuntang classroom. Mamaya-maya, may bumulabog nanaman. ARGHHHH Ayoko naaa please . 

"PLEASEEE! BABAGSAK AKO KAPAG-" Binuksan ko ang pinto. Akala ko ba matalino to? Para sa akin, matalino pumili ng babae eh. 

Pero wala akong choice kundi um-oo. 

.

.

"Eto... i-mo-move mo to dito.. tawag dun, transposing," Nagkamot siya ng ulo, halatang walang napasok sa utak noong nagdi-discuss ang teacher eh. 

"OHHH! YUN PALA YUN!! HAHA! Tapos?" Kapag nagsasalita kailangan palakasan? Pwede namang normal diba? 

"Tapos combine like terms, divide mo, tapos maiiwan ang x. So.. ayan na."

Naalala ko tuloy siya... kapag concentrated siya, nagpapawis kamay niya sa sobrang concentration. Tapos... nagkakamot din ng ulo.. ngingiti ng nakakaloko at mahina din sa pag-intindi ng math problems. 

WAIT! Bakit napunta nanaman sa kanya?! 

Ginulo ko buhok ko, kahit kailan talaga. Hindi siya nawawala sa isip ko!

"Anyare sayo? Nabaliw ka na ba sa 'kin?" Ah, 'tamo. May pa kindat-kindat effect! Akala mo kung sino ka dre ah.

"Akala mo kung sino ka ah.. Nababaliw ako dahil napaka slow mo pagdating sa mga ganito!" Batok! ang abot niya sakin. 

 At mamaya maya.... 

"YESSS! Tapos na akoooo!" At pinagbababato kung saan-saan ang ballpen at papel. 

"Pwede ba mo ibalik nang maayos ballpen ko? Lagay mo dito." 

Inabot ko sa kanya yung pencil case ko. Bakit ba kasi kailangan ko pang turuan 'to? 

Tapos baka hindi nya rin naman ia-apply kapag quizzes. Ewan ko nalang kung naintindihan niya, bahala sya 'pag bagsak siya. Ayt, matalino nga pala siya noh. Pero ba't nagpapaturo pa?

"Akala ko ba matalino ka? Bakit kasimple-simpleng Math 'di mo kaya?"

Tumingin siya sakin na para bang mali yung sinabe ko. 

"Totoo naman diba?" 

" 'Di totoo yun, ano ka ba," nagulat ako dun, pero masama sumabat kaya pinagpatuloy ko yung sasabihin niya, "Pero kasi, may sikreto akong malupit pagdating sa Math. ;)" 

May ibubulong ata siya, kaya nilapit ko tenga ko. 

"Kasi.... may copying strategy kame ng mga kaibigan ko. Hihi <333" 

What da eff... 

Sinampal ko siya (pero 'di malakas), para namang ang ganda mangopya?! 'Di ko pa yun nagagawa sa buong buhay ko, EVER! 

Boring and The HappyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon