Chapter 3: The Phone Call

18 1 1
                                    

A/N: Eto po. xD Kahit na wala ako sa mood, pagtiyagaan ang update ah.

~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~

Christine's POV

Pagkagising ko, hindi na ako nagdalawang-isip at tinignan ko ulit yung cellphone. Ang saya saya since nagkaroon ako ng bago, pero ang problema - kailangan kong itago 'to kay Papa. Pero I'm glad na binigyan niya ako nito. Ayyy, kailangan ko nang bumaba't kumain.

Syempre, itatago ko muna 'to. Kailangan hindi mahanap nang kapatid ko 'to, lalo na kapag ang kapatid mo ay PAKIALAMERA. Sorry sa matatamaan pero nakakainis lang talaga. (A/N: Natamaan din ako, mga dre :3)

Bumaba ako at naupo sa dining table. Kinakabahan ako at baka biglang pumasok si Papa sa kwarto ko at maghalungkat ng mga basura at naiwang mga maliliit na papel tapos mahanap ang cellphone ko.

"Kain na oh." Nilagay niya sa plato yung kanin at ulam. Parang wala akong gana kumain. Na-excite siguro ako masyado sa cellphone na 'yun, na gusto ko nang pumindot dun.

"Anak, kain na." Nagulantang ako kaya binilisan ko ang pagkain. Mala-late narin ako sa school, kaya wala akong time para dun.

~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~

Pagkadating ko sa school, unang nahanap ng mga mata ko ay... siya. Ayun, kasama nanaman yung mga kaibigan niya na mga buhok ay parang pang-rockstar. Hayyy, mga kabataan nga naman ngayon.

Tumakbo ako pataas, papuntang classroom. Hindi ako masyadong nakapag-aral dahil sa cellphone na 'yan. Kailangan hindi yan maging harang sa pag-aaral ko.

Nilabas ko textbooks ko sa Math. Kapag hindi talaga ako nag-aral dito, babagsak ako sa quizzes, kaya pagtiya-tiyagaan ko na 'to.

Bakit ba kasi ganito 'to? Ang hirap hirap. Sa totoo lang, hiindi ko na kayang mag-aral nito! Tapos minsan nagpapatulong pa ng problem solving mga kaklase ko na hindi ko pwedeng tanggihan naman. asdfghjkl!!

Ang ingay ng pag-iisip ko noh? Pero hindi ko mailabas. Ako na coward.

"HUI!" Napatingin ako sa gilid. May uod na palang tao dito.

"Uod ka ba?" Napatayo siya. Interested.

"Bakit?"

"Eh kasi mukhang uod yung katawan mo. Malamang. Ano pa ba?"

Umupo siya ng padabog at tumingin sakin, habang ako nagso-solve ng math problems. "Ang sama mo naman sakin. Akala ko babanat ka ng mga tungkol sa love :">"

Ano dawww? Love na banats? At hindi ko naiimagine ang sarili ko na flirty. "Ewan ko sa 'yo. Mangarap ka nalang."

Tumayo siya bigla at sinunggaban ako. Sinakal-sakal pa ako >.< P

'

"A-ano baaaa! Tigilan mo nga ako at nagso-solve ako!!" Tinigilan niya nga at sumimangot.

"Bakit ganyan kaaa? Lagi ka nalang pag-aaral? Wala na bang iba? Ang dami pa namang pwedeng gawin ah!" Tumingin ako sa kanya, Kung alam niya lang kung paano ako naghihirap para sa Mama ko, maiintindihan niya. Kung paano ako makakadepende sa sarili ko paglaki ko.

"Hindi ka lang kasi sanay mag-aral. Atsaka nasa mayamang pamilya ka kaya hindi mo mararanasan ang 'hirap' ko at ng pamilya ko. " Bumalik na ako sa ginagawa ko. Nakikita ko sa corner ng mata ko na nakatulala lang siya.

"Ano...?" Sabi ko. Mas mabuti pa atang nasa tabi siya ng mga kaibigan niya, kesa walang magawa dito kundi tumulala at inisin lang ako.

"Wala lang... alam ko naman na sa priority mo, first ang pag-aaral. Pero kailangan mo rin mag-enjoy. Pwede naman pagsabayin diba?"

Boring and The HappyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon