A/N: Yung feeling na... excited ako sa pagsusulat nito :] MUAHAHA. Humanda ang isa jan :E
~O~O~O~O~O~OO~OO~O~O~O~O~
So ngayon, medyo fifty percent giddy ako dahil sa nangyare kahapon. Pero... akala ko magiging one hundred percent ang kalalabasan. Fifty percent lang din pala ang natira, dahil sa isip ko, nagco-complain pa ako.
AT INAANTOK AKO.
Pinagsisisihan ko nang... maglaro sa damn cellphone na iyon. Nga pala, may bago akong tawag doon. Si Click. Ganda noh?
"Uy, halika na at nandyan na yung bus~!" At hinila-hila ako at by force, pinaupo ako.
"Pwede ba K-Ah-Ahm, Rosales, huwag kang maging happy happy diyan. Inaantok pa ako. Layo dun!"
Sumimangot siya at bumalik na sa upuan niya. "Tulak kita pag nag-swimming tayo."
Nag mock face ako, "Ohh, talaga? Try mo lang."
Actually, 2 hours ang trip doon sa Avilon Zoo. (A/N: Tama po ba yun? Dalawa kasi ang Avilon Zoo. Mas maganda ang preferred ko na Ark Avilon Zoo, so ayun nalang. o.o)
Tumingin ako sa gilid ko, syempre... kay Rosales. Medyo tinapat ko ng konti ang braso ko sa kanya, yung hindi naman didikit. Pero nao-observe ko na mas maputi pa siya. Halos iilan lang ang mga babaeng mapuputi sa mga kaklase ko. Saan ba ito pinanganak at nagmana?
"OIIIII." Pagkakita ko, katapat na ng mukha niya ang mukha ko, "AH! Uhm, ano iyon?"
"Hmmm. Pahiram ng cellphone mo." Nakahanda na yung kamay niya, pero hindi parin ako gumagalaw para kunin.
"Uy! Akin na. Dali."
"B-Bakit? Binigay mo na sa akin iyon eh! Wala nang tinginan!" As I reached into my pocket, para 'protektahan' ito, tumayo siya at sinunggaban ako. "AKIN NA!! NABORAAAA! AKIN DATI YAN EH! ISA! DALAWA! TATLOOO!"
"Uy, uy, ano iyan haaa?" Napatigil kaming dalawa, pero malapit na sa bulsa ko ung kamay niya, "Parang merong nabubuong bagong loveteam! At kakaiba ito!"
"Yeah right."
"OKAYOKAYETONAIBIBIGAYNASAIYOOH!" Sa sobrang pagkurot niya, I gave up. Para talagang babae mangurot ito! TSS.
"Yes, yes." Bakit kaya nakangiti ito?
Kunwari nakatingin ako sa mini TV, pero yung mga mata ko naka tingin sa left side, tinitignan kung anong trip niya sa dating cellphone niya.
Nag-enter siya sa Gallery, then videos, then.... huh? Yung video na sinelect niya, may room.... tapos pinlay nya at pinapanood niya sa 'kin.
"Panoorin mo dali," Habang hawak hawak niya, pinapanood ko yung video, may rocking chair.... tapos...
"BOO!" Napatili nalang ako.
Nagsitinginan ang mga kaklase namin, habang siya tina-try niyang i-replay ule, kaya ako, pilit kinukuha ang cellphone. Pero... nagkalapit ang mukha namin, "blehhh."
Iyon nga lang ang panira trip.
"Hmph, akin na nga iyan!"
"Eto na ho, lola. Anyway...." Aba! May anyway pang nalalaman! "Ang gusto ko lang iparating sa iyo ay gamitin mo iyang cellphone,"
"Huh? Bakit? Paano kung madukot ito bigla? Shunga lang." His face went furious.
"Anong sabi mo? Eh nagdala ka pa! HA!"
"Wala... ay nako, opo opo, Mr. Facundo. Basta ipaalala mo lang sa akin, dahil makakalimutin ako!"
Ewan ko pero... tumawa siya doon sa sinabi ko. Yung bibig niya nakatakip gamit ang kamay niya, anong problema nito?
BINABASA MO ANG
Boring and The Happy
Fiksi RemajaIsang boring na tao na napapaligiran ng kalungkutan sa buhay nya dahil siya'y mag-isa. Isang happy-go-lucky na tao na napapaligiran ng kasiyahan at masayang buhay. Pero meron pa kaya silang mas malalalim na karakter bukod sa inyong nabasa?