Chapter 7: Cousin... equals stalker? WTH!

6 0 6
                                    

A/N: Alam niyo naman, school makes my brain DEAD. Kaya intindihin niyo naman ako. At kung may nagtatanong kung bakit hindi weekends... yun ay dahil may pinupuntahan kame. Coincidence ang mga pangyayare eh. Meron din naman akong private/personal life :) 

KYLE'S POV 

"Sa tingin ko... hindi tau hanggang magkaibigan lang." 

Bigla akong napamulat na ewan at hinawakan ang ulo ko, napakabaliw ko talaga. Bakit ko nga ba nasabi 'yun? Siguro pagkita namin bukas sa isa't isa, lalayuan niya na ako, tapos magiging loner nanaman siya sa isang tabi tapos hindi na siya magsasalita then she'll ignore me like a gust of wind! 

/SAMPAL  

Sinampal ko ang sarili kong napaka gwapong mukha. Hindi tama 'yunnnn. Hindi tamang sabihin 'yun sa babaeng kaibigan mo. Atsaka magkaibigan kayo. 

Whatever conscience... whatever you say... 

Ginulo ko ang buhok ko, pero may narinig akong kalabog galing sa labas. Sa hallway ata..? 

Tumayo ako at dinikit ang tenga ko sa pinto. Chismoso lang ang peg ko eh. May narinig din akong madaliang mga yapak ng paa sa direksyon ng pagkalabog. Ang GULO! 

"Ok lang po kayo, Ma'am? Kaya niyo po bang tumayo?" 

uhh? Si Ina nadapa? Impoosible, dapat magmumura na 'yun eh. 

"Ahahaha.. ok lang ako, ARAY. " Ano daw? Ok lang pero aray? Sa bagay, dameng nagsasabi  ng ganun. 

"Ma'am Michelle, magdadala lang po ako ng first-aid kit, stay put lang po kayo---" M-MICHELLE?! WHAT THE... 

"Ah.. hindi na! Hindi na! Um.. pwede ko bang gisingin si Kyle? Kasi... naghanda ako ng favorite dish niya atsaka lalamig eh..." 

"Opo Ma'am. Sige po, katok na." Shet lang! 

Tumakbo ako paputang kama at nagtaklob ng kumot. This is definitely hell dayyyy. Bakit? Kasi..... pagdating diyan sa babaitang iyan, hindi ako makaka tanggi. Hindi naman sa favorite ko siya or anything, sa totoo nga eh, siya ang pinaka ayaw kong pinsan. 

*Knock knock* " Kyleee, andiyan ka ba?? Gising ka na pinaghanda kita ng favorite mooo!

Alam niyo 'yon? Yung tono niyang may pagkalande..... Atsaka dapat, hindi lang pangalan ko ang tawag niya sa akin ah! Dapat may 'kuya' pa dahil matanda ako ng isang taon diyan!

"Kyleee~ Gising na, para matikman mo yung luto ko habang mainit~"  

Boses niya palang nakakakilabot na. Whateber. 'Di na ako lalabas--

BANG BANG "Kyle, lumabas ka diyan! 'Tong batang 'to!" 

SHEMAY! Dali-dali kong inayos ang kama at pumunta na sa pinto, baka mamaya, malaman-laman ko nalang sabog na kwarto ko. Kaya, no choice tayo Kyle. 

Inikot ko yung knob dahan-dahan. Bakit ba first thing in the morning ay... makikita ko ang mukha niya? 

"Kyle, my loveee!" Sabay damba sa 'kin. 

"Oh, hey... Um... bitaw, Erika." ARAY! YUNG MGA KUKO NIYAAA. 

"Kakain mo ba luto ko?" Napatingin siya. Those puppy eyes won't work. 

"Uh, oo. Basta. Bahala na. Bitaw." Binitawan niya ang beywang ko at hinila ako pababa. Hindi naman ako pwedeng mag-complain dahil 'pinsan' ko daw 'to! Eh pinsan nga ba ang turing niya sa 'kin? 

Atsaka hindi ba against sa kaniya ang kapatid niya? 

Bumaba na kame sa dining area at umupo ako at nakita yung inihanda niyang.... food. Maayos naman siya... 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Boring and The HappyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon