Umupo na si Eugene sa upuan malapit sa counter ng kusina sa tahanan ni Angelie. Napahila rin ito sa kaniyang buhok, at paulit-ulit na umiling dahil sa nangyari. Nasa harapan naman niya ang kaibigan na nilalantakan ang niluto nitong lasagna para mabawasan ng hangover. Nagtagpo ang mga mata nila ni Angelie saka ito mariin na pumikit.
"You're unbelievable, Gene. Marami ka palang itinatago sa akin. You swing that way too, doktora..." Umiling ito at inaasar siyang tiningnan. Natatawa na lang ito sa nadiskubre at sa panonood sa mainit at halatang uhaw na pakikipaghalikan na ginawa nito. "I thought, pinong-pino kang doktora. That's why when I confessed to you back in elementary, binara mo agad ako at binigyan ng trauma sa pag-amin. If noong high school mo napagtanto iyan... I guess... tayo na at pinakasalan na kita. Kaso wala na akong nararamdaman, and we're really just like sisters. Para na akong ate mo."
"Hindi ko rin naman kasi alam na gano'n pala akong babae. And please, tumigil ka na nga sa dati. Hindi ba't cool na tayo riyan? Saka hindi ko naman talaga inaakalang seryoso ka. Ang sakit ng ulo ko." Hinampas niya ang noo bago banatin ang bahaging iyon. Umiling ito nang paulit-ulit. "Bakit ba ako nagkakaganito?! It's just... her lips feel better than my husband's. No, hers is the best. Parang ang senswal niyang humalik—that I obviously know, mali para sa babaeng kasal na kagaya ko na halikan. Hindi ko alam. Na-confuse agad ako. Ngayon lang itong nagnanasa ako para sa babae. What do you think?"
"I think, closeted bisexual ka. I mean, totoo niyan... lahat ng babae ay may kakayahang magmahal ng same gender nila. Nati-trigger lang iyan or mate-tempt ka, pero it's your choice if kakagatin mo o magiging 'straight' ka. Anyway, ano ba ang nararamdaman mo? Baka lang, you know... your emotions is the main cause why you find her cute. Maybe the kiss... it has no malice at all."
"Ewan ko na. Ang nararamdaman ko para sa kaniya, kakaiba. Mantakin mo ba namang titingnan ko ang boobs niya at ang korte no'n. It looks so bouncy... tapos gusto ko pang hawakan. And I felt hot all over nang mahawakan ko siya sa hita. Her skin is really delicate. Tapos noong naamoy ko siya? She smells so womanly. Hindi naman siya amoy pabango pero kakaiba ang samyo niya sa akin."
"That's lust," sagot lang ng kaibigan. Tumawa ito bago sumubo sa kinakain. "Once lang naman... we crave for affection from other women. Siyempre matagal ka na ring hindi nahahawakan kaya alam mo na iyon, natitigang ka. I mean, it's alright since wala naman na kayo ng asawa mong bugok."
"Isa pa iyon. I'm being like this dahil alam kong sayang lang kung pagbubuhusan ko siya ng attention ko. He's really afraid of you, right?"
"Talagang matakot siya sa akin. Baka 'di niya alam na malakas ang kapit ko sa tatay mo. Isang sumbong ko lang, tiklo agad siya at sisipain palabas sa ospital. At naalala mo ba? Sinipa ko yon sa bay*g noon pero hindi na niya naaalalang ako 'yon."
"Naninilip kasi siya sa akin, eh kaso ikaw ang nasaktuhan niya. Anyway, matagal na iyan. Tulungan mo ako para mahanap ko si Gwyneth at nang makapag-sorry ako. I feel bad for kissing her, kahit pa tumugon siya sa akin. Her daughter died, and she's not stable right now. I want to comfort her, hug her, know her more... kaibiganin siya lalo... you name it."
"Oh, that's not lust. Unang beses iyan na nagkamali ako." Naubos na ang pagkain nito nang mapansin niyang hindi pa masyadong nagagalaw ang kay Gene. Hindi na rin iyon magagalaw ng babae kaya siya na lang ang kumain. "Alam mo kasi, naiisip ko rin dati na may chance na ma-attract ka sa kagaya mong babae. At hindi ako iyon, kaya binitiwan ko na ang thought ko para gustuhin ka pa. Siya siguro ang nagpalitaw sa bisexual side mo. That's love at first sight."
"Love? What, eh kasal nga ako?"
"Loka ka ba? The day we left your house, you straight up admitted na hindi mo na mahal si Jaime at naghihintay ka na lang ng annulment. And hindi porke't isang beses ka nang nagmahal, hindi na puwedeng maulit iyon. Puwede kang magmahal nang paulit-ulit at lumalalim iyon depende sa tao. Walang mali sa pagmamahal, nakita mo ngang universal word iyon, eh. You can love anything, anywhere, and anyone. Puso mo iyan kaya walang dapat na magdikta. Walang bagay at walang hindi bagay sa iyo."

BINABASA MO ANG
Shangri-la [GXG]
DragosteA love story between a doctor and the mother of her patient. Not a sad one.