4/6

415 12 0
                                    

Narinig na lamang ni Gwen ang paulit-ulit na click sa kaniyang tainga. Dumilat agad ito, saka nakita ang camera ng cellphone ng kaniyang nobya na nakatutok sa kaniyang mukha. Sumilip naman si Gene nang makita ang pagdilat ng kasintahan, saka siya sweet na ngumiti rito. Hinalikan niya saglit ang nakaawang na labi ni Gwyneth bago ito sandalan.

"Good morning, my girlfriend. Sorry for taking your photos without your permission, ina-analyze ko pa kasi lalo ang mukha mo at wala ka namang nude photo rito... unless hahayaan mo akong kuhanan ka." Tumawa naman si Gwyneth na natutuwa sa kaniyang sinabi. Kinuha nito ang cellphone niya, saka in-swipe ni Gene ang passcode no'n. Kinuhanan niya sila ng litrato at hinalikan siya nito sa noo. "That's beautiful, our first photo together. And after natin mag-make love iyan. I'll send you a copy, okay? Can we take another photo? While kissing?"

Kinuhanan pa nila ang kanilang mga sarili ng maraming pictures. Nang matapos ay bumangon na si Gwen, saka ito nakadama ng yakap sa kaniyang likuran. Nabigla man ay alam niyang ganoon talaga kapag may nobya na at hindi naman nakakapagtakang magiging ganoon si Eugene. Hinawakan niya ang braso nito bago masahiin ang malaman no'ng balat.

"While exploring the area last time, nakakita ako rito ng maraming bilihan ng pagkain. Perhaps, we can buy our breakfast there?" Hindi na ito nagsalita at agad na tumuloy sa banyo. Bukas pa ang pinto no'n nang maghugas ito ng katawan sa harapan niya, saka ito nagsuot ng tuwalya. Nagpalit ng kasuotan si Gene sa kaniyang harap habang nakangiti lang ito sa kaniya. "Your smile is weird. In love na in love ka ba sa akin, o nahihiya ka sa nangyari kahapon?"

"Silly, I love you. I really love you. It's just... hindi ako makapaniwala na we made love. My father gave me three weeks to rest and gusto ko lang na ibigay lahat ng iyon sa atin. Ikaw ba, anong source of income mo? Baka kailangan mo ring kumita."

"May maliit lang ako na cookie business. Iyon kasi ang gusto ng anak ko, eh. At gusto rin niya ng pastries. Kaya kino-consider ko pa. Puwedeng-puwede ako kahit ilang linggo pa."

Nakangiting nagsuot si Eugene ng t-shirt na fit sa kaniya at shorts. Ayaw niya ring banggitin masyado kay Gwen ang ukol sa anak nito dahil naririnig niyang nagka-crack ang boses niya kapag naaalala ang bata. Mas magandang ito lang ang nagsasalita at naroon siya upang makinig. "That's nice. Next time, gusto kong matikman ang puk—este cookie mo. Let's see if lalo pa akong mahuhulog sa iyo."

Sa loob-loob na lang ni Gwen ito humagalpak ng tawa. Lumabas sila sa tahanan na magkahawak ang mga kamay, saka nila inikot ang lugar habang hindi pa sila nagugutom. Tourist spot din pala iyon dahil may mga windmill sa malapit at mga nagtataasang gusali. Mayroon ding lumang simbahan na saglit nilang nadaanan. Kinuhanan nila ng mga litrato ang isa't isa sa magkakaibang lugar ngunit mas marami ang couple photos ng mga ito.

"Smile!" Hinalikan ni Gene ang pisngi ng katabi nang mag-picture sila roon. Nakapamili na rin ang mga ito ng pagkain nang may mamukhaan siyang babae. Humiwalay muna siya, saka nagtagpo ang kanilang mga mata nang lumingon ito. Nanlilisik ang pagtitig sa kaniya ng may edad na babae. Nilapitan siya nito. "M-Ma-Mama..."

"Eugene, anong ginagawa mo rito? Hindi ba't dapat ay nasa bahay ka ninyo at pinagsisilbihan ang anak ko? You should be lucky na hinahayaan ka niyang magpunta sa mga meeting niyang sorority mo. Nakakapagtaka na nga rin, eh. Baka iba na ang agenda mo."

"Huwag niyo pong bastusin si Eugene, puwede ba? Sino ba kayo at kinakausap niyo siya nang ganiyan?" Hindi nakatiis si Gwyneth nang harangan niya ang nobya. Hinawakan naman ito ng babae sa kaniyang braso at minasahe na parang pinapakalma siya. "I respect the elderly, so I'll appreciate it more if you'll just leave us alone. Kaaakyat lang ng araw kaya maganda po kapag may ngiti ninyong sinalubong ang araw. Hindi po iyong sinisira ninyo ang moment ng iba."

Shangri-la [GXG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon