5/6

369 16 0
                                    

Alalang-alala si Angelie sa text na natanggap nito kaya halos bumangga ang kaniyang kotse sa pagmamadali na mapuntahan ang lugar na sinasabi ng kaibigan. Nabasa rin niya ang sinasabi ni Eugene na natatakot itong umuwi dahil sa naging usapan nila ni Jaime. Kinukulit na rin siya ni Gwyneth dahil hinahanap nito ang kaniyang kaibigan.

"Gene! Diyos ko naman, nasaan ka na ba?!" Napansin niyang umaambon na habang nasa pinakaitaas siya ng hotel na pinuntahan nito. Nababasa na siya nang makita na nasa railings si Eugene at nakasilip doon. Hinila niya ang kaibigan. "Bumaba na tayo! Mababasa tayo niyan! Magkakasakit ka sa ginagawa mo. Halika na, nagagalit na ako!"

Pagharap nito sa kaniya ay halata niyang umiiyak talaga si Gene. Pulang-pula ang mga mata nito at halos hindi siya makahinga. Hinayaan na lang nito ang tubig ulan na nagpapaligo sa kanila at niyakap agad ang matalik niyang kaibigan. "Angge... may mali akong ginawa. Ngayon ko lang... I'm a criminal. Pumatay ako ng bata. Idine-deny ko lagi na kasalanan ko iyon dahil sinalo ni Jaime ang nangyari, pero it's really my fault. Ngayon lang nagsi-sink in ang lahat."

"If nakapatay ka ng bata at doktor ka no'n, hindi mo kasalanan iyon. Parte talaga no'n ang may babawian ng buhay nang dahil sa iyo kaya tanggapin mo na ganoon ang reyalidad. Mahalaga na nagawa mo ang trabaho mo. Hinahanap ka na sa akin ni Gwen kaya kayo ang mag-usap ukol dito. Lalagnatin ka na sa ginagawa mo. Magpatuyo na tayo sa loob."

Sa wakas ay nahila na rin niya papunta sa baba si Eugene, kung nasaan ang bubong na sasangga sa kanila sa ulan. Bumaba ang dalawa para puntahan ang silid na tinuluyan nito, saka sila nag-request ng bagong mga tuwalya. Umupo sa kama si Eugene at hindi na inisip pa ang nababasang kama sa kaniyang ilalim. Wala itong maramdaman kung hindi galit sa kaniyang sarili. Hinila nito ang kaniyang buhok nang hawakan siya bigla ni Angelie.

"Let go!" Muli nitong sinubukan na saktan ang sarili nang i-sandal lang siya ng kaibigan sa kama. Nilalabanan niya ito ngunit mas malakas sa kaniya si Angelie. Huminto na ito sa pagpupumiglas nang kumalma at niyakap na lang ang kaharap. "I'm really stupid. Napakasama kong tao."

"Tanga ka dahil sinasaktan mo na naman ang sarili mo! Hindi mo na naman ma-control ang sarili mo kapag nagagalit ka o naiinis! Buwisit na ako! Kausapin mo na lang ako at magpaliwanag ka kaysa ganito ang ginagawa mo!"

"I'm sorry. Hindi ko naman... hindi ko alam ang sasabihin. I'm really... oh my God! I killed Annie! I did not know na may allergy siya sa ibinigay kong anesthesia, and... lalo kong sinira si Annie because she had brain damage... on the spot. Kaya siya namatay. Jesus Christ..." Hinampas nito ang kaniyang noo. Bumigat ang kaniyang paghinga habang umiiyak pa rin. "I'm so fucking miserable. Hindi ko alam kung paano ko naatim iyon. I'm still in denial. Masyado akong nakampante na magaling akong doktor. Dapat na wala akong lisensya ngayon dahil kasalanan ko na may namatay nang dahil sa akin. Sana ay buhay pa si Annie ngayon at masaya sila ni Gwen. Ako ang dahilan kaya lagi siyang nagluluksa. Hindi ko na maibabalik pa ang buhay ni Annie..."

"Anong magagawa natin eh wala na? Humingi ka ng tawad at umamin! Tanggapin mo kung mawawalan ka ng lisensya o makukulong ka sa nangyari. I doubt kung ipapakulong ka ni Gwyneth."

"Deserve ko ang makulong! Ang dapat sa akin, makulong at mawalan ng lisensya. Dapat na ipaskil ang mukha ko sa lahat ng diyaryo; the youngest anesthesiologist in the Philippines killed Annie Mortina. Dapat na mapahiya ako at makita ng lahat na wala akong ibubuga! Na puro yabang lang ako at hindi magaling na doktor!" Niyakap niya lalo ang kaibigan at kinagat ang kaniyang kamay sa pagpipigil pa ng paghikbi. "Wala akong kuwentang doktor! At isa akong mamamatay-tao! Hindi ko deserve itong putang inang achievements ko o ang magandang buhay na ito! Gwen is suffering because of me! Sinaktan ko ang taong mahal ko."

"Gene, calm down please. Inhale... exhale. Papakawalan kita, okay? Stop hurting yourself." Bumangon na si Angelie nang maramdaman na kumakalma na talaga si Eugene. Umupo na lang ito sa sahig. "Kausapin mo siya bago ka mag-react. Please listen to me. Bakit ka ba nagkakaganiyan? Sinong nagpaalala sa iyo niyan? Si Jaime? See! You're quiet. Malilintikan na talaga sa akin ang lalaking iyon. Ipapabugbog ko iyon kahit saang lupalok pa siya sa mundo magtago. Saglit lang at lalabas ako."

Shangri-la [GXG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon