part7

457 9 3
                                    

-Chapter 7-

Sabe nila, ang desisyong hindi pinag-isipan, kadalasan sa huli ito ang pinagsisisihan.. ito ang nangyari sa ken ng pilitin ko ang sarili ko na sumama kay James pauwi sa kanila upang patunayan na handa ko talaga syang tanggapin kahit na anung mangyari.. sabe ko sa sarili ko kahit anung malaman ko ngayon, mabuti man o masama, ay pipilitin kong sikmurain alang-alang kay James. Ipapakita ko sa kanya na tapat at sincere ako sa mga sinabe ko sa kanya.. sa ganung paraan man lang makita nya na seryoso rin ako nung sinabe ko na mahal ko sya..

Subalit kahit anung paghahanda ko sa sarili ko, sadyang hindi ko pa rin kinaya ang aking mga natuklasan..

------------------------------

"Dalawa ang basement namin.." paunang sabe ni James.

"Ha? Anung ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Yun ang dahilan kung bakit hindi alam ni Greg ang sikreto ng bahay na ito.." sagot nya.

"A-anung laman nung isang basement?" Tanong ko.

"Yung isa.. kwarto iyon ng mga kinukumpuni kong gamit, mga sirang appliances, mga luma o butas na foam dun sa paupahan, o kaya mga silya at lamesa.." sagot nya.

"Eh yung isa?" Tanong ko.

"Yun yung pupuntahan natin ngayon.." seryoso nyang sagot.

"A-ano ngang laman non?" Tanong ko.

Pero hindi na sya sumagot. Nagpatuloy lang sya sa paglalakad hanggang lagpasan namin ang isang pintuan. Yun yung basement na pagdadalhan sana nya sa ken nung gabing pinag bubugbog nya ko, yung hindi nya tinuloy yung akala kong pagpatay sa ken.. tapos sinabihan nya ko na umuwi na lang ako..

"Hindi ba yan yung basement na sinasabe mo?" Tanong ko sa kanya.

"Yan yung unang basement namin, pero konektado yan dun sa pangalawa.." sagot nya.

"Kung ganun? Bakit dyan mo ko dadalhin nung gabing muntikan mo na kong mapatay?" Tanong ko.

Tumigil sya sa paglalakad, sabay marahang lumingon sa ken.
Huminga sya ng malalim..

"Yung pangalawang sinasabe ko, yun yung tapunan, yun yung parang sisidlan.. dun lahat sila nakatabi.. pero yan, dyan ko ginagawa ang operasyon.." sabe nya.

Napalunok ako sa narinig kong sagot nya. Anu naman kayang operasyon ang tinutukoy ni James?

"Anung ibig mong sabihin? pwede ba sa tuwing sasagot ka linawan mo na?! Kinakabahan na ko sayo eh.." sabe ko sa kanya.

"Akala ko ba mahal mo ko?" Sabay ngumisi sya.

Namula naman ako sa sinabe nya.
"O anung kaugnayan non?" Tanong ko.

"Kung mahal mo ko.. hindi ka kakabahan.. hindi ka matatakot sa ken.." sagot nya.

Napangiti ako sa sinabe nya. Although kinakabahan ako ng mga oras na yun, nakaramdam pa rin ako ng konting kilig sandali.. iba talaga ang dating sa ken ng mga salita nya..

Ang iniisip ko lang habang naglalakad kami, hanggang sa huling sandali pinapaniwala ko pa rin ang sarili ko na hindi magagawa ni James yung mga sinasabe nya. Iniisip ko na baka mamaya iba pala talaga yung pakahulugan nya sa mga ito, hindi katulad ng iniisip ko, na pumapatay sya ng tao.. pero wala eh, malinaw na kasi ang lahat sa kin at narinig pa ng dalawa kong tenga ang pag-uusap nila ng kanyang ina nung gabing yon.. basta magready ka nalang Demetrik sa susunod na mangyayari..

"J-James?" Tawag ko sa kanya.

"Hmmm?" Tugon nya.

"Ahh.. gusto ko lang itanong kung.. kung ligtas ba ko sayo ngayon?" Kinakabahan kong tanong.

winter(boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon