part16

452 7 2
                                    


M2M Tagalog Stories - Reposted
WINTER

-Chapter 16-

"Okay ka lang anak..?" Tanong sa ken ni mama nung pauwi na kami sa bahay. Ang kamay nya'y nakaakbay sa ken at mahigpit ang kapit nito. Alam nya siguro na wala kong lakas ngayon para kumapit sa kanya..

"Anong gusto mong ihanda sa iyo mamaya? Marami akong pinamalengke kanina.." nakangiting sabe pa ni mama sa ken.

Pero ako ay tahimik lang nun at tulala, parang naglalakad sa kalye ng kawalan.. madilim nun ang tingin ko sa paligid. Hindi ko pa rin kasi maalis sa isipan ko yung huling beses na nasilayan ko ang mukha ni Jigger kanina dun sa sementeryo..
Parang gusto kong magpakamatay sa sobrang konsensya..
Parang nanghihina ako at di ko na alam kung ano ang aking susunod na gagawin sa buhay..
Tingin ko hindi na ko lulubayan ng konsensyang ito hanggang sa aking huling sandali..

"Anak okay ka lang ba..?" Malungkot na tanong sa ken ni mama. "Alam kong napakahirap na wala na ngayon ang isa sa malalapit mong kaibigan.. pero kailangan mong tanggapin yon.. kailangan mong magpakatatag.. naniniwala ako na may-awa ang Dios at tutulungan nya tayong mahuli ang sinumang demonyo na yon na pumatay kay Jigger" may galit si mama sa kanyang huling mga salitang binitawan.

At napapikit ako.. God.. pano ko sasabihin sa kanya na ako yung demonyong tinutukoy nya? Shet.. ang hirap.. hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.. naiipit tuloy ako ngayon sa sarili kong takot at sarili kong konsensya.. mababaliw na yata ako..

"Basta anak wag mong kalimutan na nandito lang ako para sayo.. bago mo nakilala yang mga kaibigan mo lagi mong tatandaan na ako pa rin ang kauna unahan mong kaibigan.. at nandito lang ako lagi sa tabi mo.." sabay hawak ni mama sa kamay ko.

Tumingin ako dun sa kamay ko na hinawakan nya.. ang init nun.. pero hindi ko malaman kung mainit ba yung kamay nya o malamig lang talaga yung kamay ko.. pakiramdam ko sa sobrang lamig ng nadarama ko ngayon wala ng natitirang init sa katawan ko.. kundi yon nalang na kamay ko na hinahawakan nya..

At napaiyak ako.. hindi ko napigilan nun na umiyak.. first time na mangyari ito na umiyak ako sa harapan ni mama.. sa pagkakatanda ko kasi huling beses akong umiyak na nakita nya ay nung 9 yrs old ako at pinalo nya kasi ko nun.. ngayon, hindi ko na talaga makontrol ang emosyon ko..

Naramdaman ko na pinisil ni mama ang kamay ko..
"Magiging maayos din ang lahat.." sabe nya.

Pinilit kong ngumiti kay mama, pero alam ko ang totoo. Sabe ng isipan ko.. "hindi na magiging okay ang lahat.."

-----------------------------

"J-Jigger..!" Nagulat ako ng makitang sya pala ang lalaking nakajacket.

"Demetrik.." mahina nyang tawag sa pangalan ko.

Bigla ko kagad syang nilapitan at niyakap.
"Patawarin mo ko!" At napaiyak ako. "Patawarin mo ko kuya! Patawarin mo ko!!" At umiiyak ako nun habang yakap yakap sya. "Hindi ko alam na.. na ikaw pala yan..!" Sabe ko sa kanya.

Ngumiti sya. "Patatawarin kita basta patawarin mo na rin ako sa nagawa kong kasalanaan sayo.." at unti unti na syang pumipikit.. tanda na malapit na syang bumitaw nung sandaling yon.

"W-wala kang kasalanan kuya.. ako ang may kasalanan ng lahat kung bakit nangyari yun.. at kung bakit ganito ka ngayon.. patawarin mo ko...!!" At sinubsob ko ang ulo ko sa leeg ni Jigger at pinaghahalikan ko sya.

Siguro hindi na makapagsalita, tumango na lang si Jigger.

"D-dadalhin kita sa hospital.." sagot ko, sabay akmang bubuhatin si Jigger.

"W-wag na.." at ngumiti sya. "Tingin mo ba aabot pa tayo dun? Tsaka huhulihin ka nila pag nakita ka nila dun.. ayokong mangyari yun.. ang makulong ka.." sabe nya.

winter(boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon