part14

423 6 1
                                    


M2M Tagalog Stories - Reposted
DITO NA MAGSISIMULA..

WINTER

-Chapter 14-

Lumipas ang maraming linggo na hindi na kami nagkikita ni kuya Jigger, paminsan-minsan ko nalang syang nakikita sa kanila.. ang sabe ng ilang kapitbahay ay tinanggap daw nito ang trabaho sa kabilang bayan at hatinggabe na kung umuwi, samantalang 6am naman ito umaalis sa umaga..
Masyado ng marami ang nangyari..
Sa isang iglap nagbago ang lahat, kung dati sila (well, kami) na mga bicycle riders ay isang buong grupo.. ngayon nagkakawatak-watak na..
Aminin man kasi nila o hindi, malaki rin talaga ang epekto sa kanila ng pagkawala ng kanilang leader..
Sinisisi nila ko kung bakit nagkaganito daw ang lahat.. kung hindi daw dahil sa kabaklaan ko hindi daw ito mangyayari..
Pero sa kabilang dako, sila naman ang sinisisi ni kuya Jigger kung bakit nagkahiwalay kaming dalawa.. sila ang sinisisi nya kung bakit daw ako lumalayo ngayon sa kanya..
Ako naman, may karapatan ba kong manisi? Sisisihin ko pa ba si kuya Jigger sa kabila ng mga nangyari? Eh sya na nga yung pinaka nakakaawa sa sitwasyon namin ngayon?

Basta masaya na lang ako sa kung anong meron ngayon kasi tingin ko maayos na naman lahat, wala ng away na nangyayari sa pagitan nila ng mga riders at wala na ring gulo sa pagitan namin ng mga dati kong kaibigan..
Its just that nakikita ko talaga na gusto akong kausapin ni kuya Jigger kaso ako.. ayoko na talaga.. pakiramdam ko kasi nahihiya akong harapin sya.. dahil naniniwala rin ako sa sinasabe ng mga riders..
Kung di nga dahil sa kabaklaan ko, hindi sana aabot sa ganitong sitwasyon ang lahat..
Which means naniniwala ako na ako talaga ang puno't dulo ng gulo..

May mga pagkakataon na dumadaan sya sa bahay namin, pero hindi ko sya hinaharap.. alam ko minsan tinetyempuhan nya kung nandon ba ko sa bahay o wala.. kung nandon ako sa loob, gagawa sya ng paraan para makapasok.. kaso mahirap, kasi meron pang isang problema..

Nakarating din kay mama yung nangyari, at hindi ito natuwa (natural sino ba namang matutuwa kapag narinig mong ang anak mo ay pinagchichismisan ng ganong klaseng bagay) hindi na nya ko kinausap tungkol dito, and worse.. hindi na nya ko kinausap mula non..
May mga pagkakataon nga na umiiyak ako bago makatulog sa gabe kasi hindi ko na kinakaya yung sobrang kahihiyan..
Buti nga hindi na nakaabot sa school yung issue eh, pero yung makita mong pati magulang mo parang nandidiri sayo.. ang sakit non. Sana lang kinausap muna nya ko para nakapagpaliwanag ako sa kanya ng side ko.. pero hindi eh..

Sinabihan lang ako ni mama na wag ng makipagkita kay Jigger, o ni papuntahin ito sa bahay, period. Pero maliban don, wala na syang ibang sinabe.. ganun pa rin ang baon ko, ganun pa rin ang curfew ko.. ganun pa rin sya kaluwag..

Kumbaga pinaramdam nya sa ken na "wala syang pakialam.."

At nalungkot ako dahil don. Mas gugustuhin ko pa sanang sigawan nya ko, pagsabihan, salitaan na nakakadiri, pangaralan ng walang katapusan, o kaya paluin.. mas gusto ko pa yon, kesa naman sa ginagawa nya ngayon na tahimik lang at hindi nagsasalita..

Marahil nadismaya talaga sya masyado sa ken ng malaman na ang anak nya, macho macho ang dating sa school, hearthrob sa mga babae, presko at mayabang sa labas ng bahay.. ay bakla pala.. kasi sa simula't sapul parang nararamdaman ko hindi maganda ang impresyon ni mama sa mga bakla eh..

Dahil kung hindi naman ganun, edi sana matagal na kong umamin diba? Isa sya sa pinakadahilan kung bakit hindi ako makapag-out.. ayoko kasi syang madisappoint sa ken..

Pero ngayon, nagawa ko na.. nalaman na nya.. at huli na ang lahat para mabawi ko pa..

------------------------------------

"Winter?" Tawag ko sa kanya. Nung mga oras na yon ay nandon kaming dalawa sa may ilog. Nakahiga kami parehas sa damuhan, habang ako, nakasandal naman ang ulo ko sa dibdib nya.

winter(boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon