part15

458 10 1
                                    


M2M Tagalog Stories - Reposted
WINTER

-Chapter 15-

Isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin ako nakakaget over sa nangyaring yun dun sa basement nina Winter. Parang sa tuwing pipikit ako nakikita ko pa rin ang lahat ng naganap nung gabing yun.. nung gabing unang beses nya sa king pinakita kung paano sya pumatay..
Para syang isang halimaw talaga.. o demonyo na walang makakapigil sa kanyang ginagawa.. naaalala ko pa rin yung mga ngiti nya habang unti unting pinapahirapan si Mayette.. ngiting nagpapakita na gustong gusto talaga nya ang ginagawa nya..
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari nung gabing iyon basta ang natatandaan ko nalang ay inihatid nya ko hanggang sa bahay namin, tapos tuluy tuloy akong pumasok hanggang sa kwarto, ni hindi ko na inintindi pa non ang mga sigaw ni mama kung bakit na ko inumaga ng uwi..
Basta pakiramdam ko pagod na pagod ako nun at gusto ng matulog..
Matapos makapagpahinga, gabe na ko ng magising nun sa aking pagkakatanda.. at nilalagnat ako nun..
Sobrang lamig ng nararamdaman ko at nanginginig pa ang buong katawan ko.. tingin ko dahil doon na unti unting nagsisink in sa ken yung mga nakita kong brutal na pagpatay..
Talagang tulala lang ako nun, at di nakapasok ng apat na araw.. tinanong ako ni mama kung anu daw bang nangyari nung gabe bago ako magkasakit pero tanging "hindi ko alam.." ang naisagot ko..

Nung gumaling na ko, sinubukan kong humiling kay mama na kung maaari bilhan nya kong sleeping pills, kasi sabe ko nahihirapan akong makatulog sa gabe. Pero ang totoong dahilan, hindi na talaga ako makatulog sa gabe dahil sa kung anu ano ng napapanaginipan ko.. at kailangan ko na talaga ng pwersahang pagpapatulog.
Dahil nagtataka si mama sa mga kinikilos ko, sinubukan nya kong ikonsulta sa doctor. Inilapit nya ang iba't ibang nararamdaman ko.. pero ayon sa analysis ng doktor okay lang naman daw lahat sa akin, kaya lang ay masyado akong nagpapadala sa "mind over matter" na sickness kaya ayon, kung anu ano daw ang nangyari sa ken. Ipinayo nalang ng doktor sa huli na inumin ko yung nireseta nyang vitamins at hangga't maaari, magrelax muna..

Pero, may pahabol pa ang doctor, kung mapapansin daw ni mama na nagbabago pa rin ang mga kilos ko at parang may nararamdaman akong kung ano ano pero normal naman ang stats ko, mabuting sa isang general psychologist nya ko dalhin.

Kinabahan naman ako sa payo nyang iyon..

Habang pauwi na kami, ikinuwento sa ken ni mama na nung may sakit daw ako at nakalugmok lang ng 4 days sa kwarto, araw araw daw na pumupunta si Jigger sa bahay para tanungin kung kumusta na ang lagay ko. Sinasagot naman daw ni mama ang mga tanong nya, pero hindi ito pumapayag sa hiling nito na kung maaari ay makita daw ako ni kuya Jigger. Nalungkot tuloy ako sa narinig kong yun..

Pero naisip ko mas mabuti na siguro yun para tumigil na sya sa kakapilit na maibalik ang dati naming pagkakaibigan.. nakokonsensya lang kasi ako sa mga nangyari sa kanya tuwing makikita ko sya.
Yung feeling na kaya sya malungkot ngayon, kaya wala na yung mga malalapit nyang kaibigan dahil sa kagagawan mo, yun yung konsensyang tumatama sa ken.. at alam ko naman na kahit maging magkaibigan ulit kami, hindi ko pa rin sya madalas na madadamayan o malalapitan dahil nga mas dedicated ako para kay Winter. Which means.. hindi ko talaga mapapantayan yung mga bagay na nagagawa sa kanya ng mga bicycle riders..

Nung magkita kami ni Winter, kinumusta nya ko kung okay na ko. Sabe ko okay na naman, at kahit papano unti-unti ko ng nakakalimutan yung nangyari nung gabeng iyon.
Ngumisi sya at tinanong ako kung gusto ko pa daw sumama ulit sa kanya sa kanyang susunod na bibiktimahin..
Sabe ko pass muna ko..
Naintindihan naman nya yon..

Ang sagot ko sa kanya ay pass muna, ibig sabihin pwedeng sa mga susunod na pagkakataon ay sumama pa rin ako sa kanya. Alam ko masasanay rin ako sa ganung mga eksena, siguro matapos pa ang apat o limang ganitong pangyayari, baka hindi na ko mandiri pa. At kapag nangyari yun, mapapatunayan ko na rin kay Winter na kaya ko na talaga syang tanggapin ng buo..

winter(boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon