last part

811 20 13
                                    


M2M Tagalog Stories - Reposted
WINTER

(LAST CHAPTER)

Malapit na ko nun makarating sa bahay ko ng bigla akong makaramdam ng sakit ng ulo. As in sobrang sakit, na parang mawawasak na. Bigla ko tuloy itinigil ang pagmamaneho sa takot na baka mamaya may mabangga pa ko.
Bwiset, umuulan na nga ng malakas sa labas, lowbat pa yung cellphone ko, hindi ko tuloy pwedeng tawagan si Monique ngayon. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko at magrelax, sabay pipikit at hihinga ng malalim.. pero wala eh.. mawawala lang sandali ung sakit ng ulo then bigla bigla kikirot na naman.. at mas matindi kesa sa sinundan.. halos magpapadyak na ko sa loob ng sasakyan ko at suntukin yung manibela sa sobrang nararamdaman ko..
Tang ina hindi pa pala ko nakapaglagay ng stock ng pain reliever ko sa pocket ng sasakyan ko.. shet kelangan talaga makauwi na ko ng bahay.
Kahit sobrang nahihirapan na ko, pinilit kong patakbuhin ang kotse ko at rumagasa sa unti unti ng tumataas na baha sa kalsada.. mabagal lang ang patakbo ko nun kasi nga hindi ako makagalaw ng maayos..
Iniiwasan ko rin na mawalan ako ng kontrol at tumama sa poste o kaya barikada sa tabe..

Pero siguro dahil sa nawawalan na nga ako ng kamalayan, hindi ko napansin na bumalahaw ang kotse ko sa malalim na putikan.
Bwiset! Malas na malas talaga! Kung kelan ko na kelangang makauwi sa men saka pa mangyayari to!? Lord bakit naman ngayon pa!

Sa tuwing tinatadyakan ko ung silinyador parang nararamdaman ko mas napupwersa yata ung ulo ko kaya mas sumasakit ito lalo, itinigil ko na lang tuloy.

No choice, maglalakad nalang ako ngayon hanggang makarating sa bahay namin, titiisin ko nalang mabasa sa malakas na ulan at suungin ang hanggang tuhod na baha.. wag lang sana akong atakihin ng sobrang kirot ng ulo sa gitna ng daan at baka mamaya masagasaan pa ko..

Kahit pasuray suray ako nun sa daan, nagawa ko namang makauwi ng ligtas sa bahay ko. Yun nga lang parang mahihimatay na ko dahil sa sobrang paghabol ko ng hininga, ganun kasi ko pag inatake ng sakit ng ulo, parang hinihika ako na kinukumbolsyon at namimilipit pa sa kirot ng ulo. Haiy.. pasakit talaga. Dali dali ako nun na dumiretso sa kusina namin para kumuha ng gamot ko.. at hindi lang isa o dalawa ang ininom ko.. kundi apat! Sabay sabay para matigil talaga ang sobrang sakit na nadarama ko.
Good thing is nawala nga yung sakit, kaso para naman akong high na high ngayon dahil nga sa maraming gamot na ininom ko. Para kong lutang na inaantok tas naglalakad sa ma-fog na lugar. Pero nakokontrol ko pa naman ang sarili ko at masasabing nasa katinuan pa rin naman ako kahit papaano.

"Monique!!" Sigaw ko. "Nasan ka?"

Pero walang sumasagot. Nakita ko na nandoon pa rin yung sapatos ni Monique sa may pintuan kaya alam na nandito pa rin sya sa loob ng bahay. Nasan naman kaya ang babaing iyon?

"Monique!!!" Sigaw ko ulit. "Nandito na ko?? Bumaba ka na!" Sabe ko ulit.

Parang napwersa yata ako sa pagsigaw ko kaya medyo kumirot uli ang ulo ko. Hindi na nga ko sisigaw, hahanapin ko nalang sya.

Nilibot ko na nun ang kwarto nya, laundry room, computer room, labas ng bahay pati garahe ko para hanapin sya, pero wala talaga si Monique. San naman kaya nagsuot yun ngayon, eh eto lang naman yung mga lugar na malimit nyang puntahan sa bahay?
Nasa terrace kaya..?

Sinubukan kong umakyat sa terrace ko na nasa 3rd floor, pero bago ako makarating don nagulat ako ng makitang bahagyang nakabukas yung pintuan ng attic. Bigla akong nakaramdam ng inis ng makita iyon, bwiset na babae ito, kabilin bilinan ko na ito ang wag nyang papasukin sa bahay ko pero pinasok pa rin.. humanda sya ngayon pag nakita ko sya dyan sa loob..

Pagpasok ko ng attic, nagulat ako ng makitang wala sya roon sa loob. Pero sinong magbubukas nito kung hindi sya? Sya lang naman ang naiwan sa bahay..

winter(boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon