XXIV

301 14 0
                                    

Alyssa's POV

Dahan-dahan akong pumasok ng bahay. Being extra careful na hindi makagawa ng kahit anong ingay hanggang sa marating ko ang kwarto ko. Huminga muna ako ng malalim bago ko tuluyang binuksan ang pinto. Alam kong alam niya nang ako ang pumasok, kaya naman naging alerto ako dahil baka atakihin niya ako.

Inilibot ko ang mata ko sa kwarto ko at wala naman akong ibang napansin bukod sa isang black box na nasa ibabaw ng kama ko.

Bubuksan ko pa lang sana pero naamoy ko agad ang amoy ng dugo sa loob nito. Tiningnan kong mabuti ang labas ng box at may marka itong "ρεβίλα". Sa mga letra pa lang, alam ko na kung kanino ito galing.

"Revilla," madiin kong sambit.

Upang masigurado na hindi dugo ng tao ang nasa loob ng box na 'to ay dahan-dahan ko itong binuksan. Tumambad sa akin ang isang patay na uwak na halatang kamamatay lamang. Sa itaas na banda ng box ay may nakasulat na "Maligayang kaarawan sa unica iha ng mga Valdez! Magpakasaya ka na dahil bilang na ang maliligayang araw mo." I smirked. Akala ba nila matatakot nila ako sa ganitong bagay? Sa lahat ng pagpapahirap na binigay niya sa'kin at sa pamilya ko, hindi na ako nagugulat sa mga ganitong bagay.

Tumayo na ako dahil may isa pa akong problema rito. Dahan-dahan akong pumunta sa isang pinto sa likod ng mga libro ko, na alam kong ako lang ang nakaaalam na mayroon. Inihanda ko ang sarili ko dahil...

"Sumuko ka na, Jovee. Hindi ka makalalabas ng buhay rito kapag nagsubok ka pang manlaban," nakangiti kong sabi sa lalaking minsan kong minahal.

Oo, si Jovee ang kaisa-isang nakalusot sa security namin sa kadahilanang kilala nila ito at alam na karelasyon ko "noon". At alam niya rin nga pala ang pasikot-sikot nitong buong lugar namin at ng kwarto ko dahil nailibot ko na siya rito noon.

"Alam ko namang hindi mo 'ko sasaktan, Ly. Binigay ko lang naman ang pinabibigay ng mga Revilla. And before I forget, I want to say happy birthday, Ly!" nakangiti niyang sambit.

Mag-tha-thank you na sana ako nang bigla niya akong tinutukan ng baril.

Ngumisi ako.

"Marunong ka palang humawak ng baril. I thought you're scared of guns and blood; guess I was wrong."

Tumawa siya ng malakas.

"Hahahaha! Ako? Takot sa baril at dugo? You're kidding! Naniwala ka talaga sa mga pinagsasabi ko noon? Are you that dumb, Ly?" Nakatutok pa rin sa akin ang baril niya.

"Siguro noon, ganun ako katanga, Jovee, pero hindi na ngayon. And to end this shit, I am now officially breaking up with you. Hope you're doing great with Shiela, by the way."

"Wh-what? How did you know about us?"

"Well, I guess I am not that dumb, then."

Ngumiti ako at dahil nakatutok pa rin sa akin ang baril niya, mabilis ko itong sinipa pataas.

"Argh! Etong sa'yo!"

"F*ck you, Jovee!" Nagulat ako nang bigla niya akong suntukin kaya naman napaatras ako.

Agad naman siyang tumakbo. Kinuha ko ang baril sa lapag bago ako tumayo. Mabilis siyang nakababa pero sadyang mas mabilis lang talaga ako sa kanya. Tinago ko sa likod ko ang baril kung saan mabilis ko lang din itong makukuha kung sakali mang kakailanganin ko ito.

"Jovee, tumigil ka na!"

Sinuntok niya na naman ako. Nakaka-dalawa na sa'kin ang kupal na 'to. Kapag ako hindi nakapagpigil, ewan ko na lang.

"How can I, Ly? When I know na naghirap ang pamilya ko noon dahil sa inyong Valdez! Yes, you heard me right! My grandfather was one of your lolo's partner back then, pero anong ginawa ng lolo mo? Inalisan niya ng karapatan si lolo sa mga shares niya! Ang dahilan? Hindi rin namin alam. For sure, hindi niyo na 'yon alam dahil binura lahat ng lolo mo ang record ni lolo sa kumpanya niyo! At dahil do'n, nagsimula kaming maghirap pero dahil sa mga Revilla, nakabangon kami muli. Oo, yung company na hawak namin ngayon ay hawak ng mga Revilla at matagal na namin kayong pinagmamasidan. Akala ko nga ay mabubuko mo na ako the moment you heard about me and Shiela. Remember yung sinabi ng isang girl nung nasa Timezone tayo? That was true. Well, I was really with my team, but I was with her, too. And that's the reason why I didn't even try to call you that night, because I was with her. But seriously talking, I did love you, Ly, well, I tried. Kasama sa plano namin ang kuhain ang loob mo and make you fall inlove with me. In the process of it, I did see your good sides and all, so akala ko nahuhulog na rin ako. And then Shiela came, that's the time na na-realize kong mali yung nararamdaman ko for you, na-realize kong mas matimbang pa rin yung galit kaysa sa pagmamahal. Kaya simula no'n, ang nasa isip ko na lang is si Bang and to get the revenge for my family."

I'm InLove With Her [An AlyDen Fanfiction]Where stories live. Discover now