XVIII

965 22 4
                                    

Dennise's POV

"Ano na nga, Alyssaaaa? Yuhuuuu.", I even waved my hand in front of her face.

Bigla siyang na-out of focus eh.

"Uhh, sorry. Hehe.", napakamot pa siya ng batok.

"Ano na yung ikekwento mo? Sabi mo kapag nakabalik tayo saka ka magkekwento.", nag-pout ako. Effective kaya?

"Don't do that, ate Dennise. I can't resist you naman, mag-pout ka man or hindi.", ngumiti siya.

"So ano na nga ang kwento?", namula ata ako? Ano baaa haha. Napahinga siya ng malalim.

"Naalala mo yung hinatid kita sa date niyo ni kuya Myco tas nag-date rin kami ni Jovee?", tumango naman ako.

"Nung nagpapa-load kami ng card sa timezone, si Jovee yung nakikipag-usap sa cashier tas ako nasa gilid lang, pero hawak niya yung kamay ko. Since nasa public kami, someone noticed us, fan namin ni Jovee, and may kasama siyang friend niya siguro. Nung una, hindi ko pa sila pinapansin, nakatalikod pa kasi ako sa kanila pero rinig na rinig ko yung pinag-uusapan nila.", lumungkot bigla yung itsura niya.

"Sabi nung friend nung fan namin, 'JoveeLy? Jovee Avila? Hindi ba siya yung nakita ko last time na kasama ni Bang sa bar?'. Pero agad siyang pinatahimik nung fan namin. Sabi niya kasama raw NILA si Bang nun, siguro yung teammates yung tinutukoy na NILA. Tas sabi na lang nung fan namin na issue lang daw iyon. I don't even know that issue, ate Dennise. Sa kanila ko lang narinig yun. Nakipag-picture yung fan namin, yung friend niya hindi. Pero nung paalis na sila, hindi nakaligtas sa paningin ko yung malungkot na ngiti nung friend niya. Naka-feel tuloy ako ng something na hindi maganda, kahit pa maayos ang pakikitungo sa akin ni Jovee. Hindi ko alam, ate Dennise. Hindi ko talaga alam. May part sakin na gustong maniwala kay Jovee, may part namang nagsasabi na niloloko niya na ako.", tumulo yung luha niya.

Isa 'tong si Alyssa sa mga ayaw na ayaw kong makikitang umiiyak eh. At sinasabi ko na nga ba! Nako, Jovee! Tama ang hinala ko! Ako mismo ang nakahuli sa iyo! At huhulihin kita ulit nang kasama na si Alyssa. Hindi ko na hahayaang gaguhin mo pa siya! Argh!

"Hush. Nandito lang ako, Alyssa.", niyakap ko siya. Yung mahigpit na maingat, to let her know that I'm here.

Miski ako, nasasaktan sa nakikita kong lagay niya. May nagbabadyang sakit na nga sa kanya, puro na nga siya galos sa pagligtas sa akin, tapos makikisabay pa yang Jovee na yan!

"Ate Dennise, masakit. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kapag nalaman kong totoong may iba siya. Hindi ko lang pinapahalata para hindi kayo magduda sa kanya pero ako mismo sa sarili ko, alam kong nagdududa na ako sa kanya.", iyak pa rin siya ng iyak.

"Cry out your heart, Alyssa. I'm here.", hinahagod ko rin ang likod niya. Pakiramdam ko aatakihin na naman siya ng sakit niya, at yun ang ikinakatakot ko.

"But hey, remember, hindi pa natin sure yung sa heart failure mo. Mamaya niyan, atakihin ka na naman. It's okay to cry but please, Alyssa, ayoko nang madagdagan pa yang sakit mo. Nasasaktan din ako.", napatingala siya bigla. Nakasubsob na lang kasi siya sa may chest ko habang umiiyak at nakayakap sa akin.

"O-oo nga pala. Ano ba naman kasi yan! Nagsabay-sabay pa sila!", nakita ko yung pain at lungkot sa mata niya.

"Pero ako ata si Alyssa Valdez. Hindi ako marunong sumuko.", kahit malungkot ang mga mata niya, nakuha niya pa ring ngumiti.

"That's my girl!", wait, whut?

"Y-your...girl?", nauutal niyang tanong pero nagliwanag bigla yung mukha niya. Kumikinang ang mata. Para bang masaya siyang sinabi kong she's my girl.

I'm InLove With Her [An AlyDen Fanfiction]Where stories live. Discover now