VI

968 27 2
                                    

Dennise's POV




"Uhh, sa totoo lang, 'di ko alam eh, 'di po ako ganun kahilig sa material things eh. Bahala ka na, ate Dennise, basta magugustuhan ko, okay na yun!"



"Magugustuhan niya? Pwede kayang ako na lang?", bulong ko sa sarili ko. Wait, whuuut? Denden, bakit ka ba nagiging ganyan ha?! Paano na lang si Myco! Ayos namaaan!



"Ano yun, ate Dennise?", sh*t! Narinig niya ata! Medyo nataranta naman ako dun! Tsk!



"Uhh, w-wala! Hehe. Nandito na tayo. Tara na. Buti umabot tayo sa curfew time.", palusot ko na lang. Sana 'di niya na pansinin.



"Uhm, uhh, okay, tara!", nag-smile siya. Ang ganda talaga ng smile niya.



Sh*t ka talaga, Denden! Ba't mo ba kasi sinabi yun?



"Bakit nga ba, Dennise?", sabi ng konsensya ko.



"Tsk!", pumasok na rin kami sa loob.




"Uy! Beshies! Thank you sa pasalubong!", as usual, si Ella agad ang bumungad sa'min. Siyempre, may dala kaming food eh haha!



"Nako, Ella, mukha talagang pagkain!", sabi ni Alyssa kaya naman binatukan siya ni Ella.



"Aray ko naman! Ate Dennise inaaway ako ni Elliit oh! T_T", sumbong niya sa'kin.



"Makasumbong, Ly? Gusto mo batukan kita ulit?", baliw talaga 'to si Ella.



"Oy, Elliit, ang harsh mo masyado dyan ha. Tantanan mo si Alyssa, sige ka, babawiin ko 'yang ice cream mo!", sabi ko at akmang kukunin ko na yung hawak niya pero inilayo niya iyon kaagad.



"Uy, Aly, sorry ^_^", sabi niya bigla kay Alyssa.



"Okay lang, hehe.", ngumiti na lang si Alyssa.



"O siya, tara na, girls, kakain na tayo. Saktong-sakto ang dating ng AlyDen.", sabi ni ate Jem. 'Yan na naman sila sa AlyDen na 'yan eh.



"Ate Dennise, AlyDen daw hahaha! Ang cute!", sabay inakbayan niya 'ko nung papunta kaming kitchen.



"Nako nako nako, 'tong dalawang 'to, ngayon lang talagang nagkasama eh, kala mo sobrang tagal na magkakilala at hindi na mapaghiwalay!", banatan ko na kaya 'to si Ella? Daming napapansin eh! Haha.



"Ewan ko sa'yo, besh! Ano namang masama dun? Eh sa close kami eh! Diba, ate Dennise?", si Alyssa na ang sumagot. Umupo na rin kami. Tabi kami, as usual.



"Oo nga, wala namang masama dun, besh. Dami mo talagang napapansin eh 'no!", sabi ko na lang. In fairness, parang pinagtanggol niya kami dun haha!



"Kumain na nga tayo. At dahil maingay ka, Ella, you lead the prayer.", wala naman nagawa si Ella dahil si ate Jem ang nagsabi.




Habang kumakain...



"Aly, kamusta naman kayo ni Jovee? 2nd year na siya diba?", tanong ni ate Gretch kay Alyssa.



"Uhm, okay naman kami, going stronger? Haha pero magiging super busy daw siya eh, since mag-i-start na yung paggawa nila ng thesis nila, tas varsity rin siya, kaya ayun. Pero sabi niya naman, gagawa siya ng paraan para lang magkita kami, kaya panatag naman ako.", tumango-tango naman si ate Gretch.



"Pano kung mawalan talaga siya ng time? Ano ma-fi-feel mo? Tsaka pa'no mo ma-ha-handle yun?", si ate Fille naman ngayon ang nagtanong sa kanya.



"Malulungkot ako siyempre, nasanay kasi ako dati na magkasama kami lagi nung nasa UST pa kami eh. Pero iintindihin ko na lang kasi school works naman yun eh, valid reason naman yun.", tumango-tango rin si ate Fille. Parang adik 'tong mag-jowa na 'to. Pero medyo lumungkot yung mukha ni Alyssa. Feel ko mahalaga talaga si Jovee sa kanya. Sana ako rin, hays. Tsk! Ang weird ko na ah! Ano bang nangyayare sa'kin?!

I'm InLove With Her [An AlyDen Fanfiction]Where stories live. Discover now