XXV

282 11 2
                                    

Dennise's POV


Pagkatapos kong maligo at mag-ayos sa CR ay lumabas na rin ako. Nakita ko si Alyssa sa pintuan ng balcony na nakangiti habang nakatingin sa team. Hindi ko maiwasang hindi rin mapangiti dahil alam ko na sobrang importante ng team kay Alyssa.

"Hey, ate Dennise, tapos ka na pala," nag-angat siya ng tingin at nakita ako. Nginitian ko naman siya.

"Ganda mo talaga."

"Haynako, A, alam ko na 'yan, magpapalibre ka na naman ng ice cream 'no?" Natatawang tanong ko.

"Hindi ah, nagsasabi lang ako ng totoo hehe," kakamot-kamot ulo niyang sagot. Ang cute lang.

"Ano....uh, inaantok ka na ba?" Tanong niya.

"Hmm, hindi pa naman, pagod lang konti pero hindi pa ako inaantok," lumapit ako sa kanya at inakbayan niya naman ako.

"Ediii, samahan mo na lang muna ako. Maglakad-lakad tayo sa labas, pahangin lang gano'n," pag-yaya niya.

"Okay lang ba? I mean hindi ba delikado for you, A?" Nag-aalalang tanong ko.

"Hmm, hindi naman. Nakapalibot naman sa buong bahay ang security namin. I'll make sure na lang din na naka-lock lahat ng p'wedeng mapasukan dito sa bahay para safe silang lahat dito," nakangiti niyang sagot.

"Alright. Kung safe naman, edi tara na. Ilibot mo ako rito sa napakalaki niyong mansion," natatawa kong sagot. Natawa rin naman siya.

"Tara," nakangiti niyang inilahad ang kamay niya kaya naman kinuha ko iyon nang walang alinlangan.

Masasabi ko talagang malaki ang bahay nila Alyssa. At napakaganda rin ng design mapalabas man o loob.

Sa harap ng bahay nila ay isang malaking espasyo na puno ng mga halaman at magagandang bulaklak. Ilang kotse rin ang kasya rito bukod pa sa parking space nila sa likod.

Sa gilid naman ay malaki rin ang espasyo na kasyang-kasya ang isang kotse papunta sa parking space sa likod.

At ang pinakamalaking space dito ay sa likod ng bahay nila. Dahil nandito ang main hall nila kung saan ginaganap ang iba't ibang event na talaga namang napakalaki. Sa gilid nito ay isang malaking swimming pool at mayroon ding whole court kung saan p'wedeng p'wede maglaro ng volleyball.

"Grabe, Alyssa, napaka-ganda ng bahay niyo. Pero napaka-simple mo lang kahit na may ganito kayong bahay," manghang-mangha kong sabi sa kanya.

"Ehhh hehe, hindi kasi ako lumaki sa luho, D, I mean hindi kami sinanay nila daddy sa pera at luho. Lahat ng mayroon kami ay dapat pinagpapaguran namin, yun ang kinalakihan namin dito sa probinsya kaya naman ganito lang ako ka-simple," nakangiti niyang sabi.

"Kaya nga hangang-hanga ako sa'yo eh, kami ng team. Kasi alam ng mundo kung gaano kayaman ang Valdez pero napaka-simple mo lang na tao," totoo yun, sobrang simple lang kasi talaga ni Alyssa, hindi mo siya makikitaan ng karangyaan at yabang sa itsura niya.

Ngumiti lang siya.

"Tara akyat tayo sa treehouse ko. Malaki roon at may mga gamit din naman kaya magiging komportable ka naman doon," pag-yaya niya.

Ngayon ko lang napansin na may ganito pala kalaking puno rito. At hindi mo mapapansin na may treehouse dito kasi napalilibutan ito ng mga tangkay at dahon ng mismong puno. Nasa likod na rin ito banda ng event hall kaya hindi mo talaga ito mapapansin.

"Mauna ka, Dennise, para maalalayan kita rito sa baba," pinauna niya na ako at sinunod ko naman yun.

Nakaakyat kami ng maayos at talaga nga namang napaka-ganda rito.

I'm InLove With Her [An AlyDen Fanfiction]Where stories live. Discover now