Prologue

60 1 2
                                    

Naging buhay ko na ang lansangan, palengke at kung anu ano pang mga lugar na pampubliko. Marami akong tropa at chix. Wala e masaya.

Tambay dito, gala doon. Kilala na nga ako ng mga tao dito e pati mga tindera at kargador sa palengke kaclose ko. Sila na ang pamilya ko.

Sa totoo lang, puro pagsasaya lang naman ang alam ko paminsan-minsan tumutulong din sa pwesto ng tindahan ng mga ina ng mga tropa ko pero isang araw nagbago ang lahat.

Isang di inaasahang, araw, oras at pagkakataon. Hindi sinasadyang nakilala ko sya. Ang babaeng nakapagpabilis ng tibok ng puso ko, ang babaeng nagpatorpe sa pagporma ko at ang babaeng nagwasak ng mundo ko.

Si Thalia Rodriguez. Ang babaeng parang isang bulaklak mabango, maganda ngunit matinik. Isang bulaklak na aking nakilala sa palengke.

Maniniwala ba kayong posible? Ang forever ay hindi lang sa mga mall, park, hotel o san mang sosyal na lugar matatagpuan. Maaari ding sa lansangan o sa palengke.

Palengke lovestory.

Palengke Lovestory ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon