Chapter 1: Trouble with my Angel

43 1 6
                                    


Istof's POV

"Oy suki suki! Ate! Kuya! Eto oh, presh na presh ang mga isda ko oh. Ano bang hanap? Tambakol? Gg? Tilapia? bangus?"

Yan nanaman si Aling Ising. Kaaga aga e animo'y armalite ang bibig. Pano ba naman alas otso na e hindi pa dumadating ang mga suki nya. Bihirang mangyari yun dahil sikat ang tindahan nya ng isda, kahit kanino itanong e alam ang karatulang Fish B with U.

"Aling Isi (A/N:pronounced as Icy) agang aga e andar yang bunganga mo. Tingnan mo oh, yan oh nadami ang wrinkles mo! Tumatanda ka na! Pano pag dumaan si Mang Kanor at makita ka?"

Sabi na e si Mang Kanor lang katapat nito. Si Mang Kanor yung maskuladong kargador dito sa palengke.

"Ganun ba? Naku! Hindi pwede! Dapat beauting beauty ako pag dumaan si Kanor!"

"Kaya nga chill ka lang."

"Istop! Istop! Yung chix mo padaan na!"
Hingal na hingal si Neil habang nagbabalita.

"Teka nga lang, ilang beses ko bang uulitin sayo na hindi Istop ang pangalan ko? Is-to-f! With the capital F!"

"Oo na, oo na. So ano, tuturuan mo nalang ba ako ng pronounciation, diction at enunciation dito? Deadma na si Angela?"

Sino si Angela? Sya lang naman ang muse ng team namin sa liga ng barangay. Di ko naman talaga trip ligawan yun e, bukod sa maarte sya e masungit pa. Nabalitaan ko lang naman na pinopormahan sya ni Loyzaga, ang karibal ko sa pagkaMVP. Naisip ko na bukod sa paglampaso ko sa kanya sa court e aagawin ko na din ang chix nya.

"Ano? Tutunganga nalang ikaw?" Basag trip ni Neil

"Tara na! Saglit lang, sinong magbabantay kay Shine?"

Shine ang tawag sa bigasan nina Neil dito sa palengke Rice and Shine kasi ang karatula nila.

"Syempre pinahabilin ko na sa boy ni Mama! Tara na!"

**

Neil's POV

"Sinadya mo yun e! Manyak! Perv! I'm gonna sumbong you sa daddy ko!"

"Teka lang sandali naman labs, di ko naman sinasadya e!"

May mas mamalas pa ba sa pare ko? Mukhang mapapasabit pa to. Pano ba naman kasi...

*Flashback

Nasa malayo pa ay tanaw na namin ni Istof itong si Angela. Agad namang pumorma tong tropa ko.

"Susungkitin mga bitwin, para lang makahiling na sana'y maging akin puso mo at damdamin."

"What? You? What are you doing ba? Papansin much? The last time I checked lyrics nang kanta yang pinagsasabi mo, di naman ako nainform na tula na pala. Ts. Back off nga!"

"Oh aking angel, galing ka ba sa langit?"

"Don't tell me na mukha akong nalaglag?"

"Ikaw na kasi yata ang angel na sagot sa panalangin ko."

"Really? Sa pagkakaalam ako, sugo ako ni satan para mawala ka na sa mundo!"

Oohh. Basag si kumpare.

"Talaga? Akala ko magkaaway kayo e. Kasi naman you're hotter than hell."

"Hotter your face! Umalis ka na nga! Bwiset!"

Naglakad na palayo si Angela at bumuntot naman itong si Istof.

Haharap na sana si Angela ng biglang..

*boooogsh

O____________O ganyan ang itsura namin ni Angela

"Waaaaaaaaaaaaaaaaah!"

"Angela sandali! Hindi ko sinasadya!"

Napasubsob lang naman ang mukha ni Istof sa pakwan--este dibdib ni Angela dahil nabunggo sya ni Mang Kanor na may kargang isang sakong bigas.

*End of Flashback

"Manyak! Perv! I'm gonna tell daddy what you did! I'm gonna sue you! Let's just meet at the court!"

Sabi ni Angela habang tumatakbo.

"Pare! Ano ba yan? Sira na nga ang porma mo napasabit ka pa sa anak ni Chairman! Kamusta ang landing mo sa pakwan? Ayos ba? Hahahaha."

"G*go! Bastos ka."

"Nye? Yung tunay?"

"Mejo. Hahahaha"

Sabi na nga ba e. Kilabot ng Kalye Onse yang si Istof, halos lahat na yata ng magagandang babae e napormahan na nyan. Pano ba naman kasi e gwapo, matalino, mayaman at sa awa ng Diyos e may utak naman.

"So pano na pre? Lagot ka." Pananakot ko.

"Anong lagot? Diba nga sabi nya ishu-shoo nya daw ako? Shoo edi papalayui-- aray! Para san naman yun?"

"T*nga! Sue hindi shoo! Ibig sabihin idedemanda!"

"Ganun? E basta yun. Edi magkademandahan na! Kausapin na lang nya ang mga lawers ko!"

"_" reaksyon ko

"Ano ba yan? Akala ko pa naman matalino ka. Lawer ibig sabihin abugado! I'm so disappointment to you."

"Pffft. Hahahahahahahaha." Hindi ko na napigilang tumawa.

"Hoy! Bakit ka tumatawa ha?"

Hindi nalang ako sumagot at sa halip e gumulong nalang. Naiiyak na ako kakatawa.

" Psh. Bahala ka nga jan!" Nagwalk out ang gago.

**

Istof's POV

Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Tama naman diba? Lawers. Tsaka tama naman ang grammar ko? Hays.

Habang naglalakad lakad ako dito sa sidewalk e sinisipa sipa ko yung bote ng mineral water na nakakalat sa daan.

*blaaaaag

Sht. May tinamaan yta!

"Hoy! Bakit mo sini--Istof?"

"Sheen! Sino yang kasama mo? Miss sorry di ko sinasadya--"

"Why do people always hurt me? What did I do? I hate you! I hate all of you!" At nagtatakbo na sya habang umiiyak.

Isa lang ang masasabi ko.. Ang ganda ganda nya.

Mukha syang Dyosa.

Epiiicduhxx

Palengke Lovestory ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon