Istof's POV
"I like him."
I LIKE HIM DAW?? SHE LIKES HIM?! E bakit nakaturo sya kay Neil? May gusto sya kay Neil? Si Neil??????????????
"Oo! Tanga! Hindi naman banlag tong pinsan ko para mali ang maituro tsaka mahiya ka nga pati iniisip mo e sinasabi mo nang malakas. Rinig kaya namin!"
"Ba-bakit si Neil? Sheen! Bakit si Neeeiiiiiiil?! Bakit sya! Bakit sya!" Waaaaaah. Ang sakit sakit. Perstaym in the history of my existence na nareject ako. (Oy! English yun! Haha) Di ako makapaniwalaaaaaaa.
**
Neil's POV
Grabe tong si tropa. OA? Kung makasigaw feeling nasa teleserye?? Aba, at eto magkakalahating oras na syang tulala. Creepy! Ano ba kasing trip nitong si Thalia? Sakin? May gusto sya? Hays. First time mareject nitong bestfriend ko! At.. patay ako...
"NEIL SMIIIIIIIIIITH!" Sigaw ni Istof at akmang babatukan ako..
*boogsh
Talsik ako sa sobrang lakas ng suntok nya sakin..
Syempre joke lang yun eto talaga ang nangyari...
*boogsh
Napapikit ako dahil akala ko ako na ang babatukan pero naunahan sya ni Sheen.
"Hoy Istop! tigil tigilan mo nga yang pag emote emote mo jan! OA? Para hindi lang nagustuhan e akala mo nalugi sa kamatis! Huy! Umayos ka ha! Tatamaan ka ng mas malala saken!"
"Waaaaaaah! Neil! Tulungan mokooooooo. Nagtransform na si Sheen!"
"HOY ISTOP! KINAKAUSAP PA KITAAAAAA! BUMALIK KA DITO! HOY!"
Mabilis pa sa alas kwatro ang pageskapo nitong si Istof. Hahaha. Adik! Takot kay Sheen e mukha nga syang kapre sa sobrang laki!
Agad na hinabol ni Sheen si Istof at dahil bestfriend ko sila.. wala akong ginawa. HAHAHAHAHAHA
Bumalik din naman agad sila pero yung cool na itsura ni Istof kanina e naglaho na.. mukha syang na-gang rape! Hahahaha.
"Neil! Huhuhu. Binugbog nya akooooo!" Sabay pout at turo kay Sheen.
**
Sheena's POV (Sheen~)
Pagkatapos ng habulang naganap.. pwe! Masyadong pormal. Hahaha. Sa sobrang arte nitong si Istof e nag ayang mag inom ang gago. Syempre dahil dakilang bestfriend ng bayan ako e sama naman din.
Si Thalia? Yung perfect girl na pinsan ko? Ayun. Umuwi na. She's tired na daw.
Oo. Maganda sya, matangkad, makinis, matalino, maputi. Sya na! Sya na ang perpekto! Sya na ang Dyosa ni Istof. Dyosa ng lalaking pangarap ko..
Oo, lalaking pangarap ko, at ng karamihan ng babae sa Kalye Onse.Tandang tanda ko pa nung una kaming nagkita, tanda ko pa yung araw na nahulog ako sa kanya..
*flashback
"Ahhh panget hahahahaha panget pinaglihi sa pusale hahahahahahah. Hoy panget umalis ka nga dito di ka naman mukhang babae e mas barako ka pa sa tatay ko hahahahahahaha!"
Nang-aasar na naman ang mga bata dito, palibhasa ngayon lang nakakita ng cool na babae. Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng cool? Hindi mahilig sa mga manika at kyotix? Psh. Baduy.
Bunso ako sa tatlong magkakapatid at oo, one of the boys ako, (alam ko pala yung one of the boys? haha!) at dahil puro lalaki kapatid ko, malamang sakin napupunta mga pinaglumaan nilang mga short at jersey, kumportable isuot kaya sinusuot ko kaso itong mga bata dito sa bagong nilipatan namin, ewan ko ba, perstaym ata makakita ng babaeng nagsusuot ng jersey.
*blaaaag
Itinulak ako ng isang bata dahilan para mapaupo ako. Kahit naman cool ako, babae parin ako, at masakit yung tulak nya sakin gasgas tuloy ang siko ko. Sisigaw na sana ako dahil nakaakmang hahampasin ako nung isang bata ng biglang..
*plok
May isang poging lalake na tumuktok sa ulo nung batang manghahampas saken at paglingon nung bata agad syang nagkaripas ng takbo(?)
"Pre, trip ka ba nung mga yon?" Sabay abot ng kamay nya para tulungan akong tumayo. Nung mga oras na yon pakiramdam ko may prince charming na nagtanggol sa akin sa mga masasamang tao. Ang tangkad nya at halatang mestizo kahit medyo sunog sa araw ang balat at isa lang masasabi ko, sobrang gwapo nya.
Di ko namalayan na matagal na pala akong nakatulala sa kanya..
BINABASA MO ANG
Palengke Lovestory ♡
Genç KurguMaingay. Siksikan at hindi maintindihan ang halu-halong amoy ng lugar na iyon. Pero sino bang makakalimot sa lugar kung saan sila unang nagkita? Lugar na naging saksi kung paano nabuo ang pagmamahalan na animo'y walang katapusan? Palengke. Tama. Sa...